Alicia's POV
Nang magising ako ay halos lumuwa na ang aking mga mata kakaiyak ko kagabi. Halos tatlong oras lang ang tinulog ko dahil iyak ako ng iyak kagabi at ayaw iwanan ng nakita ko ang aking utak!
Tamad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Hindi muna ako pupunta sa stadium, gusto ko munang magpahinga.
Kung gusto na niya akong palitan, sabihin niya lang at handa akong itigil ang kasal...
Kahit masakit.
"Good morning, ma'am," bati ng mga maids na nakasalubong ko.
Hindi ko sila pinansin at patuloy lang sa paglalakad patungo sa living room.
"Ma'am, nasa phone po ang mommy niyo," sambit ng isang kasambahay.
"Pakisabi, tulog pa ako," utos ko at binagsak ang sarili sa sofa.
Walang nagawa ang maid kundi sundin ang utos ko sabay alis sa harap ko.
Kinuha ko ang remote ng t.v tsaka ito binuksan. Bumangon ulit ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng chips na binili ko kagabi.
Ang aga-aga pero chips ang unang lalamunin.
"Yaya pakitimpla ako ng kape, please," utos ko at muling bumalik sa sala.
Umupo na ako sa sofa at binuksan na ang chips. Maya-maya lang ay dumating na ang inutusan kong magtimpla ng kape.
"Ma'am, ito na po ang kape niyo," sambit niya at binaba ang tasa ng kape sa center table.
"Thank you," saad ko habang patuloy sa panonood.
Isang oras ang lumipas at nakahilata pa rin ako dito sa sofa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, hays.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo," hindi ako sumagot na tila wala akong narinig.
"Hoy! Bakit hindi ka pa nakabihis?" rinig kong tanong ni Macy.
"Pinagsasasabi mo?" tanong ko at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
"Sinabi sakin nila Hannah na bigla ka daw na bad mood kagabi. Oh, anong ganap?" she asked.
Hindi ko alam pero bigla na lang ako ulit naiyak nang maalala ko ang nakita ko kagabi.
"S-si Lucas kasi eh! M-may kasama siyang babae!" parang bata kong sumbong at yumakap sa kanya.
"Oh, ano naman? Malay mo, kaibigan lang," sambit niya habang hinihimas ang likod ko.
"Paano kung hindi? Paano kung pinapalitan na niya ako? Paano kung 'yung babaeng 'yon ang dahilan kung bakit ang cold sakin ni Lucas?!" sunod-sunod kong tanong.
"Wag ka ngang paranoid! Bakit hindi mo muna kausapin 'yung tao para masagot 'yang mga tanong mo," mungkahi ni Macy.
"Eh, hindi ko nga makausap ng maayos si---" natigil ako sa pagsasalita nang tumunog ang phone ko.
"Hello, Lucas?" tanong ko at pinunasan ang luha ko.
"What happened to your voice?" tanong niya.
"N-nothing. Sore throat maybe. Napatawag ka?"
"May ibibigay ako sayong address. Pumunta ka dun mamayang 5:00 p.m . We need to talk about something," utos niya.
"Okay. I'll be there," sagot ko at pinatay na ang tawag.
"Well, I guess he is ending our relationship." Tumawa ako ng sarkastiko sabay iyak.
Walang nagawa si Macy kundi yakapin ako.
...
Malapit nang mag alas-singko ng hapon kaya umakyat na ako pabalik sa aking kwarto para maligo.
Nang matapos ako ay nagbihis na rin ako agad ng ripped jeans at nag tuck-in ako ng red shirt. Sinuot ko na ang white shoes ko tsaka kinuha ang aking sling bag bago lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Marrying A Mafia✓
General FictionCOMPLETED STORY Alicia never expected to fall into an arrange marriage. And she definitely didn't expect that this guy she's marrying is a part of a mafia world and not only he's a part of it, but he is also the boss of one of the most powerful grou...