Chapter 26

1.3K 28 1
                                    

Alicia's POV

Isang linggo na ang lumipas at kakauwi lang namin ni Lucas nung isang araw mula sa Paris. Nang ihatid niya ako dito sa mansion ay hindi na siya nagtagal dahil kaagad din siyang umalis at hanggang ngayon ay 'di ko pa siya nakikita. Ni-hindi siya tumatawag o nagtetext man lang.

Nakakapagtaka nga lang dahil hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun. Naging maayos naman ang samahan naming dalawa nung nasa Paris kami, pati nung pauwi na kami. 

Napabangon ako nang may biglang kumatok sa pinto. Kaagad ko itong binuksan at umaasang si Lucas 'yon pero si kuya lang pala.

"Pasok ka," matamlay kong sabi at mas nilakihan ang bukas ng pinto.

Naglakad naman siya papasok habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang bulsa. Seryoso ang kanyang itsura habang nakatitig sa akin.

I know that look. Something is wrong.

"Bakit, kuya?" tanong ko.

"Haley, may sasabihin ako sayo," panimula niya.

"Ano 'yon?" tanong ko. Wala pang sinasabi si kua pero agad na akong binundol ng kaba.

"Umupo ka muna," sabi niya at hinila ang braso ko tsaka pinaupo sa kama.

"Ano ba 'yon, kuya? Bakit parang seryoso ka? Tungkol saan ba iyon?" sunod-sunod kong tanong.

"Tungkol kay Marcus," kaagad bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang kanyang pangalan.

"What happened to him?" tanong ko.

"Tumawag 'yung mommy niya kanina. Sabi niya, nasa ospital daw si Marcus." Tinignan niya ako ng diretso sa mata na tila nahihirapang ituloy ang gustong sabihin.

"Bunso, c-comatose si Marcus," utal niyang sabi.

Napaawang ang aking bibig at pilit iniintindi ang mga sinasabi niya.

"W-what happened?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Hindi sinabi ni tita ang sanhi. Pero, pinapapunta ka nila at sila na lang daw ang magsasabi sayo," kaagad akong tumakbo papunta sa walk in closet ko para magbihis. 

I need go see him now!

Nagpahatid na lang ako kay kuya dahil baka kapag ako ang nagmaneho ay mabangga ko pa ang sasakyan lalo na at lumilipad ang utak ko ngayon at nawawala ako sa tamang wisyo kakaisip kay Lucas.

Wala pang kalahating oras nang marating namin ang ospital kung nasaan si naka-confine si Lucas. Nauna na akong bumaba ng sasakyan at hindi na inabalang hintayin pa si kuya. 

Pagpasok ko sa loob ay kaagad kong tinanong sa nurse ang room number ni Lucas. Nang maibigay niya ito ay saktong dumating na si kuya kaya sabay naming tinahak ang elevator hanggang sa nakarating kami sa floor kung nasaan ang kwarto niya.

Tahimik ang buong floor at nagkalat sa hallway ang mga tauhan ni Lucas. Pinadaan naman nila kami nang makilala kami at pagkarating namin sa tapat ng kwarto niya ay agad kaming sinalubong ng mommy niya.

"Hija," pagtawag niya sa akin. 

"Tita, what happened?" nag-aalalang tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ang asawa niya.

"Ikaw na muna ang bumili ng pagkain," sabi niya kay tito.

Tumango naman ito at sumakay ng elevator. Sinama rin ni tito si kuya kaya naiwan kami ni tita sa tapat ng kwarto ni Lucas.

"Naalala mo nung nakauwi kayo galing Paris?" tanong niya at tumango ako.

"Nung hinatid kana niya pabalik sa bahay niyo. Pag-alis niya, hindi niya namalayan na may nakasunod sa kanya. Hindi bullet proof ang kotse na dala niya kaya nung barilin 'yon ng kanyang kalaban ay hindi niya nakontrol ang pagmamaneho at nabangga niya ang isa pang kotse. We'd almost lost him when he is at the operating room. Sabi ng doktor, maraming dugo ang nawala sa kanya. Pero lumaban siya, hija. Ang nakakalungkot nga lang ay nacomatose siya," mahabang paliwanag niya. Unti-unting pumatak ang luha ko habang papalit-palit ang tingin ko kay tita at kay Lucas na ngayon ay nakaratay sa kanyang kama.

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon