Alicia's pov
"Huy! Bakit ang lungkot mo?" Tanong ni Amber.
"Tsk, tinanong mo pa. Malamang, namimiss niya ang pangga niya." Sabi ni Hannah.
"Ewan ko ba. Nag aalala ako na naiinis. Hindi niya kasi sinasagot yung tawag ko tapos sabi niya, ilang araw lang daw siyang mawawala pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya!" Sabi ko.
Nandito na kami sa stadium dito sa Batangas at maya maya na lang ay tatawagin na ako para mag perform.
Umaasa ako na dadating si Lucas pero hindi pa ako sinasabihan nila mommy kung nakarating naba siya.
"Come on, Lish. Cheer up." Sabi ni Macy na kakarating lang.
"Ladies and gentlemen! Before we start this competition, I am proud to announced to you that our international competition winner is here with us! Please welcome, Ms. Alicia Haley Smith!" Sabi ng emcee.
"Well, I guess it is time." Sabi ko at inayos ang costume ko.
"Matamlay akong pumasok sa rink pero hindi ko ito pinahalata.
"Ms. Smith, thank you for joining us today." Sabi ng emcee.
"It is my honor to see our candidates show their skills in ice skating. May the best skater wins." Sabi ko naman at nag palakpakan ang mga tao.
"But before that, would you kindly show us your best and winning moves?" He asked.
"Sure." Tumango naman siya at umalis na sa tabi ko.
Nagsimulang tumugtog ang music kaya sinabayan ko ito. Rinig ko ang mga palakpakan at hiyawan ng mga tao pero hinayaan ko lang sila.
Sinara ko ang aking mata at inisip na mag isa lang ako nang magsalita ang emcee.
"Wonderful, Ms. Smith. But, before you continue your dance, there is someone who wants to join you since our competition needed a partner." Nakangiti niyang sabi.
Tumigil ako na may pagtataka sa aking mukha.
"Ladies and gentlemen, please welcome! Ms. Smith's fiancè!" Sabi niya na ikinagulat ko.
Nilingon ko ang pwesto nila mommy at parang may alam sila dito.
"Please welcome, Mr. Lucas Marcus Villareal!" I knew it!
Napalingon ako sa entrance ng rink at nandun na siya.
Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay agad siyang ngumiti sabay lapit sakin.
"Akala koba hindi ka marunong mag ice skating?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"I can learn everything just for you." Sabi niya na mas lalong nagpalawak ng aking ngiti.
Tumugtog ulit ang music kaya sinabayan namin ito.
...
"Wow! What an amazing performance, Ms. Smith and Mr. Villareal!" Sabi ng emcee.
"Ms. Smith, mukhang hindi pa nag s-sink in sa utak mo ang nangyayari ngayon." Natatawang sabi ng emcee kaya natawa rin ang mga manonood kasama si Lucas.
"Hindi ko kasi inaasahan na uuwi siya ngayon." Natatawa kong sabi.
"When is the wedding?" Tanong niya.
"Next year." Sabay naming sabi ni Lucas.
"Wow, malapit na! Congrats sa inyong dalawa!" Sambit niya.
"Thank you. Again, goodluck to all ice skaters." Sabi ko at pumalakpak naman sila kaya lumabas na kami ng rink.
Nang matanggal namin ang mga skating shoes namin ay agad ko siyang niyakap.
"Bakit naman hindi ka nagparamdam nung mga nakalipas na araw?!" May halong inis sa boses ko.
"Naiinis kaba sakin o namimiss mo ako?" Pang aasar niya.
"Hindi ba pwedeng both?" Tanong ko na ikinatawa niya.
"I missed you too, pangga." Sabi niya at tinignan ako sa mata.
"Di pa tayo bati." Pigil ko sa kanya nang akmang hahalikan niya sana ako.
"What?" Natatawa niyang sabi.
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit hindi na nagparamdam?" Tanong ko ulit.
"Yung mga kaaway namin, kayang kaya nila ihack ang mga devices na hawak namin. Especially, phones. Once I call you, who knows what will they do to you. So, I tried my best not to call you even though I missed you." Paliwanag niya.
"Satisfied enough?" Tanong niya.
"Pwede na." Mabilis ko siyang hinalikan sa labi tsaka naglakad paalis. Susunod rin naman yan sakin.
...
"Congrats, Hannah!" Sabi ni Macy. Nanalo kasi sila Hannah at Miguel ng fiest place.
"Thank you, I couldn't do it without Alicia and Maya. Sayang nga lang, hindi siya nakapunta." Malungkot na sabi ni Macy.
"Wag ka mag alala. For sure, napanood ka nun sa t.v kaya wag kana malungkot." Sabi ni Macy.
"Thank you ulit, Alicia ha." Sabi ni Hannah.
"You are always welcome. I'm happy to help." Nakangiti kong sabi.
"Tara na! Balik na tayo sa stadium natin para makapag celebrate tayo!" Pag imbita ni Macy.
Tumango kami at naglakad na paalis.
"You cheated." May kung sino ang nagsalita sa likod namin kaya napalingon kaming lahat.
"Excuse me?" Tanong ni Hannah.
"I said, you cheated. May tutuli ba yang tenga mo?" Mataray na sabi ng isang maputing babae na siguro kaedad ko lang.
"Eh ikaw, may sipon ba yang utak mo?" Tanong ko at hinigpitan ni Lucas ang hawak niya sa braso ko na para bang pinipigilan niya akong makipag sumbatan.
"What did you say?!" Inis na tanong niya.
"Ikaw pala itong may tutuli sa tenga eh. Kawawa ka naman, may tutuli na nga ang tenga mo, may sipon pa ang utak mo." Pang aasar ka sa kanya.
"Bakit ka kaya pinili na maging international winner eh ang baho ng ugali mo." Mataray niyang sabi.
Naramdaman kong naiinis na si Lucas kaya humawak ako sa braso niya. Mamaya, bigla niyang sugurin itong babaeng ito eh.
"Kung mabaho ang ugali ko, sayo bulok na. Ang ayoko sa lahat ay yung binabastos yung mga taong malalapit sakin. Kayang kaya ko dumihan ang image ko, wag lang hayaang mabastos ang mga mahal ko sa buhay. Tandaan mo yan, baka ihampas ko yang ulo mo sa yelo nang tumuwid yang utak mo." Kala niya papatalo ako, hindi noh!
"Lish, tama na." Pag awat sakin nila Macy pero halatang natatawa sila sa mga pinagsasabi ko.
"Ano, may sasabihin kapa?" Nakangisi kong tanong pero hindi siya makasagot sa halip ay nag walk out siya.
Wala pala siyang binatbat sakin eh.
"Taray ni mentor oh!" Natatawang sabi ni Amber.
"Ewan ko ba, nahawa na ata ako kay Lucas." Natatawa kong sabi na ikinatawa naman nilang lahat maliban kay Miguel.
Hindi siya makalapit sakin eh dahil kasama ko si Lucas.
To be continued
BINABASA MO ANG
Marrying A Mafia✓
General FictionCOMPLETED STORY Alicia never expected to fall into an arrange marriage. And she definitely didn't expect that this guy she's marrying is a part of a mafia world and not only he's a part of it, but he is also the boss of one of the most powerful grou...