Chapter 41

1.1K 22 2
                                    

Alicia's POV

"Huy! Kanina kapa sa laptop mo. Akala koba, bakasyon ito?" Tanong ko at narinig ko naman siyang natawa.

"Nagtatampo ka ba?" Tanong niya.

"Eh ikaw naman kasi! Sabi mo mag b-bonding tayo pero babad ka lang diyan sa laptop mo. May trabaho kaba na kailangang tapusin?" Tanong ko.

"Wala. Come here." Sabi niya at tinapik ang gilid ng sofa.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

"Ano bang ginagawa mo--- what?" Gulat kong tanong nang makita ko ang isang sketch plan sa screen ng laptop niya.

"By the time we got back to Manila, sisimulan na ang construction ng restaurant mo. May ipapadagdag kapa ba na design?" Tanong niya.

"Seryoso kaba?" Tanong ko imbis na sagutin siya.

"Yes. I want your dreams to come true. And don't worry, tutulungan kitang lumago ito." Hindi ko mapigilang maluha at agad ko siyang niyakap.

"Thank you, thank you, thank you!" Paulit ulit kong sabi.

"You're welcome. May ipapadagdag kapa ba na design?" Tanong niya.

"Wala na. Everything is perfect." Sabi ko at hinalikan siya sa labi.

"My estimated time para matapos yung restaurant I think will be 10-12 months maybe?" Sabi niya.

"Nagmamadali ka?" Natatawa kong tanong.

"Yes. I will hire a lot of construction workers para matapos ito agad." Sabi niya at hinawakan ang aking pisnge.

"This is my birthday gift for you, pangga." Sabi niya.

"Kung pwede nga lang na matapos ito agad next month, gagawin ko talaga." Dugtong niya at natawa naman ako.

"Don't worry. Kahit magtagal pa yan ay okay lang. This is the best birthday gift ever. Thank you, pangga. Kaya pala kung ano ano ang tinanong mo kahapon." Sabi ko habang nakatingin sa kanyang laptop.

"Wala na kasi akong maisip na pwedeng iregalo sayo. Kaya, tinanong na kita kung anong gusto mo." Smabit niya at inakbayan ako.

...

Marcus's pov

"Good afternoon, Engineer Alonzo." Bati ko.

"Good afternoon, Mr. Villareal. I had received your email. Finale na po ba ang design na yun?" Tanong ko.

"Yes. I want it to be started next week, pagbalik namin." Sabi ko.

"Copy, sir. Ako na ang bahala sa lahat." Sambit niya.

"Thank you." Pinatay ko na ang tawag at nilingon si Alicia na mahimbing na natutulog sa sofa.

Tuwang tuwa kasi siya habang tinitignan kanina yung project plan hanggang sa nakatulog na siya. Masaya ako na nagustuhan niya ang regalo ko.

But that is not my real gift for her birthday.

Lumapit na ako sa kanya para siya ay buhatin at dalhin sa kwarto.

May bahay ang magulang ko dito sa Baguio kaya dito ko naisipang pumunta dahil matagal na rin simula nung huling dalaw ko dito.

...

"Mahal, may kukunin lang ako sa kabilang aisle ha." Paalam niya. Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pamimili.

Kasalukuyan kaming nandito sa supermarket para bumili ng kung ano ano.

"Oh sorry, miss." Sabi nung nakabangga ko.

"It's okay--- Melody?" Tanong ko nang mamukhaan ko siya.

"Haley! Oh my gosh! It's been so long!" Sabi niya at nakipagbeso sakin.

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon