Alicia's POV
"Gosh, I'm wasted," reklamo ko sa aking sarili dito sa loob ng condo unit ko sabay binagsak ang sarili sa kama.
I've been practicing for three days straight. I just want to be perfect! I don't know but I have this issue that I want everything to be perfect. And it iritates me when it is imperfect!
Makakatulog na sana ako nang biglang may nag doorbell. Tsk! Bwisit naman oh!
Padabog akong tumayo at hindi na inabalang ayusin pa ang magulo kong buhok. Pagbukas ko ng pinto ay halos mapanganga ako dahil sa bumungad sakin. Agad kong sinara ng malakas ang pinto at inayos ang sarili ko.
Binuksan ko ulit ito at sumalubong sa akin ang nagdidilim niyang itsura.
"Why the hell you shut the door at my face?!" inis niyang tanong.
"Sorry. Bakit ka ba kasi nandito? At tsaka, ano 'yan?" tanong ko sabay turo sa hawak niya.
"Bulag ka ba? Malamang, bulaklak! Mom forced to give this to you and ask you on a date," bored niyang sabi.
Hindi talaga uso sayo ang maging sweet 'no?
"Thank you," sabi ko nang ibigay niya sa akin ang boquet na puno ng mga bulaklak.
"Pwede bang dito na lang tayo kumain? Magluluto na lang ako. Tinatamad na akong lumabas eh," tanong ko sa kanya.
"Your choice," sambit niya.
Pinapasok ko na siya at sinara ang pinto.
"Maupo ka muna diyan. Anong gusto mong kainin?" tanong ko.
"Kahit ano," sabi niya at sumandal sa sofa tsaka inilabas ang kanyang phone.
Tumango ako at dumeretso muna sa kwarto para ilagay dun ang bulaklak. Infernes, ang bango ha at tulips pa. My favorite!
Bumalik na ako sa kusina para ihanda ang mga lulutuin ko. Teka, ano nga bang lulutuin ko?
Inilabas ko ang mga ingredients na meron ako at naisip na magluluto na lang ako ng carbonara at 'yung secret recipe ni mommy ang gagamitin ko!
Inilagay ko na sa kalan ang kaldero na may tubig at asin at habang hinihintay ko itong kumulo ay naghiwa muna ako ng ham.
Nang kumulo na ang tubig ay inilagay ko na dun ang isang pack ng pasta at hinintay na lumambot ito.
Kumuha ako ng kawali para lutuin ang ham. Nang maluto na ito ay nilagay ko muna sa isang maliit na mangkok at ginawa na ang pasta sauce na recipe ni mommy.
Nang lumambot na ang pasta ay tinanggal ko na ito sa tubig ay hinugasan saglit bago inilagay sa malaking mangkok. Nilagay ko na rin ang ham at ang sauce tsaka ito hinalo. Matapos nun ay nilagay ko na ito sa dalawang plato.
I put some basil for garnish and grated cheese for extra cheesy.
"It's ready!" sambit ko. Nakita ko naman siyang tumayo mula sa sofa at dumeretso sa dining room.
Inilapag ko sa harap niya ang kanyang plato at ako naman ay umupo sa upuang katapat niya.
Kinuha na niya ang tinidor at tinikman ang luto ko.
"Ano? Okay ba?" tanong ko.
"Pwede na," sabi niya at muling sumubo.
Napangiti naman ako at kinain na rin ang nasa plato ko.
It is delicious, just like how my mommy do it.
Nang matapos kaming kumain ay naghugas muna ako ng plato habang siya naman ay tumambay muna sa sala at parang may kausap siya sa phone. Mukhang mafia na naman ito.
...
Panibagong araw, panibagong pag-eensayo pero bago ako pumunta sa stadium ay nagtungo muna ako sa mansion para kunin ang notebook na naiwan ko dito.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakasalubong ako ni mommy at mukhang kakain pa lang sila ng almusal.
"Hi, hija. Nag-breakfast ka na ba?" tanong ni mommy nang makapasok ako sa loob ng dining room.
"Not yet. Sa labas na lang ako kakain. May kinuha lang ako sa kwarto ko," sambit ko at inangat ang notebook ko.
"No. Sit down. Dito ka na kumain", utos niya at sinabihan ang isa sa mga katulong na dalhan ako ng pagkain.
Wala akong nagawa kundi umupo sa upuan ko at maya-maya lang ay dumating na ang katulong dala ang pagkain ko.
"Sabi ni mare, nilutuan mo daw si Marcus?" Nakangising tanong ni mommy.
"Yeah. Tinatamad na akong lumabas kagabi kaya sa condo na lang kami nag dinner," sabi ko.
"How was it? What did you cook?" she asked.
"Carbonara, mom. I used your recipe," I answered while eating.
"Really? Did he liked it?"
"I guess?" 'di ko siguradong sagot.
"Well, sabi sa akin ni kumare ay nagustuhan daw ni Marcus ang niluto mo," sambit niya. Sabi ko na eh...
"Why don't you learn some more homemade dishes. Para kapag mag d-date ulit kayo, hindi na kayo lalabas at ipagluluto mo na lang siya," suggest ni mommy.
"Why?" tanong ko.
"May kasabihan tayo, hija. A way through a man's heart is through his stomach," she wiggled her eyebrows on me.
"Mommy!" parang bata kong sabi na ikinatawa lang nila.
"Why? That's how I got your father," pagmamayabang niya at tumingin pa kay daddy.
"Really, dad?" hindi ko makapaniwalang tanong.
Biktima rin kasi sila ng arrange marriage kaya hindi ako masyadong makapaniwala na naging maganda ang samahan nila.
"Yeah. Your mom's homemade dishes are the best," sabi niya at hinawakan pa ang kamay ni mommy at si mommy naman ay parang dalaga kung kiligin.
Really? In front of my food?!
Hmm, paano nga kung amuhin ko si Marcus sa pamamagitan ng pagluluto ko ng mga masasarap na pagkain para sa kanya?
Wait, what? What am I thinking? No, no, no! I still don't want to marry him. He may be the guy of my dreams but he is a mafia! And, I cannot accept that!
Paano na lang kung magkaroon kami ng anak? Baka sumunod pa 'yon sa yapak ng kanyang ama! O 'di kaya, malagay sa panganib ang mga buhay namin?
No! I will not take any chances period!
"Anong iniisip mo, anak? Payag ka ba?" Nakangising tanong ni mommy.
"I'll think about it. Kung aaminin niya na masarap ang luto ko, baka ganahan ako na magluto sa tuwing may date kami," sabi ko.
"Edi, sasabihan ko si kumare na utusan si Marcus na sabihin iyon sa iyo," sambit niya.
"Mommy! Ayoko ng sapilitan. I want him to say it wholeheartedly," I demanded.
"Alright, fine. You're just gonna wait for him to admit it," sagot niya.
Tumango ako at kumain na ulit.
To be continued
BINABASA MO ANG
Marrying A Mafia✓
Ficción GeneralCOMPLETED STORY Alicia never expected to fall into an arrange marriage. And she definitely didn't expect that this guy she's marrying is a part of a mafia world and not only he's a part of it, but he is also the boss of one of the most powerful grou...