Alicia's POV
Nang magising ako ay nakayakap ako kay Lucas habang ang ulo ko ay nakapatong sa kanyang dibdib at nakayakap din siya sakin.
We didn't made love last night. It was only mild kissing and nothing more.
Dahan-dahan akong bumangon at hindi na inabalang kunin pa ang cardigan ko sa sahig dahil lumabas na ako ng kwarto.
Bumaba na ako ng hagdan papunta sa kusina para magluto ng almusal namin.
Nilabas kona ang mga lulutuin ko pati mga panluto na gagamitin ko. Nagluto ako ng fried rice, hotdogs, ham at itlog. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa aming dalawa.
Habang hinahain ko ang mga pagkain sa dining table ay naramdaman kong may yumakap mula sa likod ko.
"Good morning," bati ko sa kanya.
"Morning," bati niya pabalik habang ang kanyang mukha ay nakasubsob sa aking leeg.
"Umupo kana para makakain na tayo," sambit ko. Naramdaman ko namang tumango siya at umupo na sa kanyang upuan kaya umupo na rin ako sa tapat niya.
Nang matapos kaming kumain ay naligo na ako sa taas habang si Lucas ay dito sa baba naligo.
...
"I'll pick you up later ha," bilin niya habang inaayos ko ang kanyang necktie.
Lumabas na kami ng bahay at dumeretso na sa kanyang sasakyan.
Pagdating namin sa stadium ay tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko nang bigla niya akong halikan sa labi.
"Mahal, malalate kana," pagpigil ko sa kanya.
"Nabitin ako kagabi eh," parang bata niyang sabi at natawa naman ako.
"Next time na lang ulit. Sa ngayon, pumasok kana. Diba sabi mo, may meeting pa kayo," pagpapaalala ko sa kanya.
"Right. I'll see you later then," sambit niya at tumango naman ako.
"Bye," I gave him one last kiss on the lips before heading out.
Hinintay ko munang makaalis ang kanyang sasaakyan bago ako pumasok sa stadium.
"Oh there she is!" rinig kong sabi ni Macy nang makita niya ako.
Pansin kong katabi niya sila Hannah, Amber at 'yung lalaking hindi ko kilala.
Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong binati ng magkapatid.
"Miguel, this is Alicia. Alicia, this is Miguel, pakilala ni Macy samin.
"Hi," bati niya at naglahad ng kamay.
"Hello," bati ko pabalik at nakipagkamay sa kanya.
"Miguel is a professional ice skater too and he will be with us at the competition next week. Since, kailangang may partner ang participant at sila ni Hannah ang mag-partner," paliwanag ni Macy.
"Oh, she's not joining the competition?" tanong ni Miguel sabay turo sakin.
"No. She will just perform a dance before the competition," sagot ni Macy.
May kakaiba sa lalaking ito. Ramdam ko lang.
"Anyway. Lish, pwedeng ikaw muna ang magturo sa kanila ng mga moves. May sakit kasi si Maya kaya hindi siya makakarating," tanong ni Macy.
"Yeah sure. Let's start?" tanong ko sa dalawa.
"Yeah. Let's go!" aya ni Hannah at nauna na sa rink.
Sinuot ko muna ang skating shoes ko bago sumunod sa kanya sa loob ng rink.
BINABASA MO ANG
Marrying A Mafia✓
General FictionCOMPLETED STORY Alicia never expected to fall into an arrange marriage. And she definitely didn't expect that this guy she's marrying is a part of a mafia world and not only he's a part of it, but he is also the boss of one of the most powerful grou...