Chapter 43

1K 19 1
                                    

Alicia's pov

Nang makauwi ako sa mansion ay dumeretso lang ako paakyat ng hagdan kaya hindi ko nakita na may bisita pala kami.

Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad kong binato ang bag sa sahig. Hindi kona alam, gulong gulo na ako. Tatlo na ang nagsasabi sakin na may pinatay si Lucas na kasintahan niya. Kung totoo yun, anong dahilan at bakit ayaw sabihin ni Lucas yun sakin?!

Naramdaman ko na lang na may yumakap sakin mula sa likod at alam kona agad kung sino ito.

"Why are you crying? What happened? May umaway ba sayo?" Sunod sunod niyang tanong.

"W-wala ito." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Come on, tell me. What is it?" Tanong niya tsaka pinaharap ako at siya na ang nagpunas ng aking luha.

"Nag away lang kami ng mga kaibigan ko. Don't worry, nothing serious about it." Sabi ko.

Tumango lang siya at niyakap na lang ako.

...

Buong araw kaming hindi lumabas ng kwarto ko. Mag hapon kaming nakahiga sa kama habang nanonood ng t.v dahil ayaw akong iwanan ni Lucas at baka raw may mangyari sakin. Ayaw ko din naman na iwan niya ako.

I just need his presence today.

Sobrang naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko.

Nang dahil sa kakaisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa dibdib ni Lucas habang siya ay naka akbay pa rin sakin.

...

Nagising ako na maayos na nakahiga sa kama. Wala na rin si Lucas sa kwarto at napansin kong 11:00 a.m na ng umaga. Bumangon na ako at dumeretso sa cr para mag hilamos bago lumabas ng kwarto.

Hindi muna ako pupunta sa stadium. Naka ilang tawag na rin sila Macy sakin pero paulit ulit ko lang itong pinapatay hanggang sa hindi kona kinaya ang pangungulit nila ay pinatay kona ang phone ko para hindi na nila makontak.

"Hi, anak. Good morning." Bati ni mommy sakin nang makapasok ako sa kusina.

"Good morning po." Sabi ko at umupo sa stool ng kitchen counter.

"Umalis na kaninang umaga si Marcus. Sabi niya, sunduin ka daw niya mamaya sa stadium." Sabi ni mommy habang nag titimpla ng kape.

"Wala po akong praktis." Sabi ko naman.

"Ah, ganun ba. Oh sige, sabihan mo na lang siya na dito kana lang sunduin." Tumango na lang ako at ininom yung kape na binigay niya sakin.

Lumipas ang ilang oras at 4:00 p.m na ng hapon. Maya maya ay dadating na si Lucas kaya nagbihis na ako ng jeans, purple shirt at white shoes. Kinuha kona ang sling bag ko at saktong may kumatok sa pinto ng aking kwarto.

"Ma'am, nandyan na po si Sir Marcus." Sabi ng kasambahay namin.

"Okay, thank you." Sabi ko at sumunod sa kanya sa pangbaba ng hagdan.

"Hi." Bati ko at hinalikan siya sa pisnge.

"Hello. For you." Sabi niya at inabot sakin ang isang boquet.

"Thank you. Saan tayo pupunta?" Tanong ko at binigay muna sa maid ang bulaklak para iakyat sa kwarto ko.

"Saan mo ba gusto pumunta?" Tanong niya at lumabas na kami ng bahay.

"Hmm, pwede bang iplano na natin ang kasal?" Tanong ko na ikinatigil niya.

"Pwede naman." Nakangiti niyang sabi at pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok na ako sa loob at siya naman ay dumeretso na sa driver's seat.

Nagtungo kami sa boutique kung saan ako bumili ng balck gown noon para sa mafia event nila. Ang ganda kasi ng quality ng gown nila dito.

"Good afternoon, ma'am and sir!" Masayang bati ng isang empleyado.

"Papiliin mo siya ng mga wedding gowns na bagong dating dito sa boutique niyo." Utos ni Lucas at tumango naman yung empleyado tsaka ako sinamahan sa isa pang kwarto at nandun ang mga gowns na maayos na naka hanger.

...

"Wala po ba kayong mapili, ma'am?" Tanong ng saleslady sakin dahil kanina pa ako paikot ikot.

"Wala eh." Sabi ko.

"May dream gown po ba kayo? Pwede niyo pong idrawing or kung meron na po, pwede niyo pong iemail sakin." Suggest niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Talaga?" Tanong ko.

"Yes po." Nakangiti niyang sabi.

"Well, may drawing na ako nun. Iemail ko na lang sa inyo." Sabi ko.

"Sige po, ma'am. Ibibigay na lang po namin ang email address namin." Tumango ako at sinundan siya palabas ng fitting room.

"Pakisulat yung email address natin at pakibigay kay ma'am." Utos niya sa isa pang staff at tumango naman ito.

"Ay ma'am, gusto niyo na po ba magpasukat na?" Tanong niya.

"Yeah, pwede na." Sabi ko kaya bumalik ulit kami ng fitting room.

"Ilan pong layer yung gown, ma'am?" Tanong niya habang sinusukatan ako ng isa niyang kasama.

"Two layers lang." Sagot ko at tumango naman siya.

"Ma'am if you want po, we can make you a headdress too once you send the drawing to us." Sabi niya.

"Sige. Pwede yun. By the way, kailan matatapos yung paggawa nun?" Tanong ko.

"Since two layers siya, ma'am. Pwedeng abutin ng limang araw. And yung design, if medyo marami or mahirap gawin, it will take a week or so. Don't worry, ma'am. We will email you right away once your gown is here." Paliwanag niya.

"Okay, thank you." Sabi ko at tumango lang siya.

...

Ilang oras na ang lumipas at gabi na nang ihatid ako ni Lucas pabalik ng bahay. Hindi na rin siya nagtagal dahil hinahanap daw siya ni tita. Medyo gumaan na rin ang loob ko dahil sa bonding namin kanina.

Matapos kong mamili ng gown ay nagtungo kami sa cinema para manood ng movies. Pagkatapos nun ay nag dinner kami dun sa restaurant kung saan kami unang nagkita. Napangiti na lang ako habang iniisip yun pero agad naglaho ang aking ngiti nang makita ko sila Hannah sa living room.

"What are you doing here?" Malamig kong tanong sa kanya.

I'm still mad at her, to be honest.

Inikot ko ang aking paningin at mukhang umalis sila mommy dahil mga kasambahay lang ang nandito.

"Alicia, I am very sorry sa mga sinabi ko. Si Miguel ang pumilit sakin. Natatakot ako na baka kapag si Miguel ang nagsabi, ay baka may magawa kang masama sa kanya. And, concern lang din ako sayo. What if, tama yung sinasabi niya?" Tanong niya.

"Nandito kaba para humingi ng tawad o ipilit yang nahagilap mong chismis?!" Inis kong tanong.

"Alicia, makinig ka muna. Isang mafia si Marcus. May chance." Sabi ni Macy.

"Makinig rin kayo! Kung totoo man yun, sariling katangahan ko na ang magpakasal sa kanya! Kaya please, umalis na muna kayo at gulong gulo ang utak ko ngayon." Sabi ko at tuluyan silang iniwan dun.

Naririnig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa pag akyat ng hagdan.

To be continued

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon