Alicia's POV
"Alicia! Anak!" Sigaw nila mommy nang makita nila ako.
"Mommy!" naiiyak kong sabi at lumapit sa kanila para yakapin sila.
"Namiss ka namin, anak!" sambit ni mommy habang yakap nila ako ni daddy.
"Namiss ko rin po kayo. Sorry po kasi umalis ako." Nakayuko kong sabi.
"Don't worry, anak. Hindi kami galit sayo," sambit ni dad at napangiti naman ako tsaka sila niyakap muli.
...
4:00 p.m na ng hapon at dumating na rin ang magulang ni Lucas. Nang makita nila ako ay agad nila akong niyakap lalo na si tita.
Masaya kaming magpapamilya na kumain ng hapunan hanggang sa natapos kami at dumeretso muna sa living room para magkwentuhan.
Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Lucas habang nawak ang aking kamay.
"Mom, dad, tito, tita. Aalis muna kami ni Alicia, may pupuntahan lang kami," paalam niya kaya tumayo na din ako.
"Sige anak, mag iingat kayo," bilin ni tita.
Tumango naman kaming dalawa at hinila na niya ako palabas ng bahay.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan.
"Basta. It's a surprise." Nakangiti niyang sabi at pinagbuksan ako ng pinto.
Pumasok na ako sa loob habang siya naman ay umikot papunta sa driver's seat.
Ilang minuto na ang lumipas nang makaalis kami sa mansion.
"Okay, malapit na tayo. Wear this," utos niya habang nagmamaneho at binigyan ako ng piring.
Hindi ako sumagot at sinuot lang ito.
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan at pagbukas ng pinto.
May umalalay sakin sa paglabas at alam kong si Lucas ito.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko habang inaalalayan niya akong mag lakad.
"Wait. Makikita mo," giit niya.
Nakailang hakbang pa kami bago kami tumigil.
"Okay, ready?" he asked and I nodded.
"Close your eyes first," utos niya.
Wow ha! May piring na nga, ipipikit ko pa ang mata ko.
Sinunod ko na lang ang kanyang utos at naramdaman kong tinanggal na niya ang piring ko.
"Open your eyes na," sambit niya.
Nang idilat ko ang aking mata ay halos tumalon ako sa tuwa dahil sa nakikita ko.
Tinuloy niya 'yung restaurant!
"Ang ganda! Oh my gosh! Thank you, thank you, thank you!" paulit-ulit kong sabi at niyakap siya.
Narinig ko naman siyang natawa at niyakap ako pabalik.
"You're welcome, love. I'm thinking that you thought I didn't finished this restaurant," giit niya na tila nabasa ang isip ko.
"Yeah. Kind of." Natatawa kong sabi.
"Wait, may isa pa akong surprise sayo." Nakangiti niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.
"Meron pa?" tanong ko at tumango siya.
"Let's go," aya niya at hinila ulit ako pabalik sa sasakyan.
"Suotin mo ulit ito. Malapit lang tayo dun eh," utos niya at binigay sakin ulit ang piring.
Sinuot ko ulit ito at binilang ang mga minuto na lumipas.
Maya-maya lang ay muling tumigil ang sasakyan at tinulungan niya akong bumaba ng kotse.
"Huy, Lucas! Bakit mo ako binuhat?" tanong ko nang bigla niya akong buhatin na parang bagong kasal.
"Ang bagal mo maglakad eh. Pagkatapos nito, may isa pa akong surpresa para sa iyo," sambit niya habang karga ako.
"Bakit naman tatlo ang surpresa mo sakin?" Natatawa kong tanong.
"Para I love you," pilyo niyang sabi at natawa naman ako.
Maya-maya lang ay tumigil na siya sa paglalakad pero hindi niya pa rin ako binababa.
"Tanggalin mo na ang piring mo," utos niya at agad ko itong sinunod.
"Is this..." natigil ako habang pinagmamasdan ito.
"It is. Your dream house," agad ko siyang nilingon at niyakap sa leeg.
"How did you know?" tanong ko.
"Well, nung pumayag si tita na pumasok ako sa kwarto mo ay may nakita akong sketch pad dun. It turns out, sinusulat or dinodrawing mo ang mga dream things mo dun. That's why, iba ang itsura ng restaurant kanina," paliwanag niya.
Sabi niya, nakalimutan ko nga pala siya tanungin tungkol dun. Iba kasi 'yung drawing na pinakita niya sakin noon.
"Oh my gosh, thank you so much." Nakangiti kong sabi at hinalikan siya sa labi.
Binaba na niya ako at hinawakan ang aking kamay.
"Let's go inside," aya niya at hinila ako papasok sa loob ng bahay.
Kumpleto na ang mga gamit at lahat ng mga sinulat ko dun sa sketch pad na 'yon ay nandito.
Umakyat kami sa second floor at may anim na kwarto.
"Wait, tatlo lang ang kwarto na nakalagay dun sa sketch pad ko ah," takang sabi ko sa kanya.
"Alam ko. Nagpadagdag lang ako. This will be the master's bedroom, also known as our bedroom," paliwanag niya sabay bukas ng pinto at may mga gamit na sa loob.
"These two are the guest rooms. And these three are for our future children," dagdag pa niya at tinuro 'yung tatlo pang kwarto.
"Tatlo talaga?" tanong ko at tumango naman siya.
"Iyon ay kung papayag ka," giit niya at pinulupot ang kanyang mga kamay sa aking bewang.
"Let's see. Baka bigyan ako ng sakit ng ulo ng mga anak mo," pag-bibiro ko at natawa naman siya.
"Then, I'll try to educate them," a smile flashed on his lips before he kissed me.
"Unahin na natin ang honeymoon," pilyo niyang bulong.
"Sira!" suway ko at natawa naman siya.
"Planuhin muna natin ang kasal," dugtong ko.
"No worries. I already planned that, may nakita ako sa dulo ng sketch pad mo eh. You want a beach wedding? I'll give it to you. Which reminds me..." Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa master's bedroom.
Sa may pader ay nakasabit ang gown ko.
"Your gown is already done. The venue is done. The catering is done. Everything is done. Pero may kulang pa," sambit niya na ipinagtaka ko naman.
"Ano 'yon?" Nakangiti kong tanong.
"Your yes," sagot niya at may kinuha sa bulsa niya.
"Will you marry me, love?" tanong niya habang nakaluhod at may hawak na red box at may singsing sa loob.
"I won't take no for an answer. Sige ka, masasayang lahat ng ginastos ko. Baka gusto mong bayaran lahat yun," pananakot niya nang hindi ako sumagot.
Proposal ba talaga ito?
"Are you blackmailing me?!" Natatawa kong tanong.
"I will do everything to get your sweet yes." Nakangisi niyang sabi.
"Fine! Yes! I will marry you, Mr. Villareal!" Nakangiti kong sabi. Agad naman siyang tumayo at sinuot sa aking daliri ang singsing bago ako niyakap.
"I love you, soon to be Mrs. Villareal," malambing niyang wika.
"I love you too, Mr. Villareal." Nakangiti kong sabi at hinalikan niya ako sa labi.
To be continued
BINABASA MO ANG
Marrying A Mafia✓
General FictionCOMPLETED STORY Alicia never expected to fall into an arrange marriage. And she definitely didn't expect that this guy she's marrying is a part of a mafia world and not only he's a part of it, but he is also the boss of one of the most powerful grou...