Chapter 25

1.3K 28 0
                                    

Marcus's POV

"How is she, doc?" tanong ko nang lumabas ang doktor mula sa operating room.

"We already removed the bullet from her back and luckily, she survived," sabi ng doktor na ikinagaan ng loob ko.

"Oh, thank goodness!" sabi ni tita habang yakap si tito.

Nakahinga naman ako ng maluwag at pinasalamatan ang doktor.

I swear, I will find whoever did this to her!

...

"Boss, good news!" masayang sabi ni Liam.

"Make sure it is," seryoso kong sambit na may halong pagbabanta.

"Nahanap na namin 'yung sniper na bumaril kay Alicia at gising na siya." Napaangat ang aking ulo nang marinig ko 'yon.

'Yon lang ang tanging linya na gusto kong marinig.

"Ikulong niyo ang sniper na 'yon sa basement ng hideout natin," utos ko at tumayo tsaka kinuha ang susi ng kotse. I need to see her right now.

Wala pang kalahating oras nang marating ko ang ospital kung nasaan si Alicia at pagkarating ko sa harap ng kanyang silid ay boses agad ni tita ang narinig ko.

"Anak, kumain ka naman kahit konti lang," pagpupumilit niya.

"Mommy, wala po talaga akong gana," sagot ni Alicia.

Ang tigas talaga ng ulo ng mapapangasawa ko...

"Son, you're finally here. Where have you been?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita sila mommy na naglalakad palapit sa akin.

"May inasikaso lang ako, mom. Kailan nagising si Alicia?" tanong ko.

"Kanina lang. Tara na sa loob, kanina ka pa niyan hinahanap. Miss ka na ng asawa mo. Kanina pa 'yan nagmamaktol kasi wala ka daw sa tabi niya nung nagising siya." Nakangiti niyang sabi.

I slightly chuckled.

Mas nilakihan nila ang bukas ng pinto dahilan para matigil ang mag-ina sa pagtatalo nila.

"Hija," tawag ni mommy kay Alicia.

"Someone is here to see you." Sabi niya habang nakangiti.

Pumasok na sila ni daddy at sumunod naman ako.

Agad lumiwanag ang mukha ni Alicia at bahagya pa sanang babangon nang pigilan siya ni tita.

"Lucas!" pagtawag niya sa akin kasabay nang pagtulo ng kanyang luha.

Damn, I missed her.

Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan siya sa noo sabay yakap sa kanya.

"I thought I'd lost you," bulong ko habang mahigpit siyang yakap.

"What do you mean?" Tanong niya at humiwalay sa yakap ko.

"Nung nasa operating room ka, biglang nawala ang pulso mo. Thank goodness that you fight," sambit ko at muli siyang niyakap.

...

"After you got discharge, pupunta tayo ng Paris," sambit ko habang sinusubuan siya ng pagkain.

"Ha?" tanong niya habang nakanganga kaya agad kong namang sinara ang bibig niya dahil may laman pa iyon na pagkain.

"Itatakas muna kita sa magulong buhay ko." Nakangisi kong sabi.

"And let me guess, babalik tayo na may apo na sila mommy," pilyo niyang sabi.

Dude, what? I like that.

"Ikaw ha, kakaiba 'yang iniisip mo. Bakit, gusto mo na bang magkaanak na tayo? Pwede namang dito na natin gawin," paghahamon ko sabay ngisi.

"Huy, grabe siya! Parang nagbibiro lang eh!" awat niya sa akin at tumawa na may halong kaba.

"Ibiro mo na lahat wag lang ganyan, Alicia. Baka magkatotoo," sermon ko sa kanya.

Bahagya naman siyang napayuko at dun ko napansin na namula bigla ang pisngi niya.

She's too cute.

...

Alicia's POV

"Good morning." Pagmulat ng aking mata ay ang kanyang mukha ang agad kong nakita.

"Hi," bati ko. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa labi. Mabilis lang naman.

Tatlong araw na ang lumipas nang pumunta kami dito sa Paris. Lagi kaming gumagala sa mga magagandang lugar dito at kung umakto kami ay para talaga kaming tunay na mag-asawa.

Bumaba na kaming dalawa at nagtungo sa dining room para mag almusal. Sa nakalipas na tatlong araw, si Lucas ang nagluluto ng pagkain namin dahil baka mabinat ako kapag ako ang gumawa nun. Marunong naman pala siya eh. Sana pala inutusan ko siyang magluto rin nung birthday niya hindi 'yung pinahiwa ko lang siya ng mga karne, sibuyas, bawang at kung ano-ano pa. Hindi 'yung pinahirapan ko pa ang sarili ko, tss!

Hindi pa ako nakakaget over dun ha! For the first time, ang dami kong niluto sa isang araw!

Kumain na kami ng almusal at paminsan-minsan ay sinusubuan niya ako at ganun din ako sa kanya. Nang matapos kaming kumain ay dumeretso muna kami sa living room para manood ng movie at mamaya na kami gagala ulit.

Nakasandal ako ngayon sa balikat niya habang siya naman ay naka akbay sakin habang nakasandal sa sofa.

"Wait, I'll just take this call," paalam ko nang tumunog ang phone ko.

Tumango naman siya kaya lumabas muna ako ng living room.

"Hello, who is this?" tanong ko.

"Hi. Remember me?" tanong niya na ipinagtaka ko.

"Huh? No. Who are you?" I asked again.

"The girl in the room," kaagad pumasok sa isip ko 'yung babaeng nakausap ko sa kwarto dun sa bahay ni Lucas.

"What do you want?" tanong ko at nilingon si Lucas na busy sa panonood.

"Nabaril ka na nga't lahat, hindi mo pa rin talaga iiwas si Marcus 'no?" she sarcastically laughed.

"Paano mo nalaman 'yon?" gulat kong tanong. 

Hindi kaya, siya ang may gawa nun?!

"Secret. Hihintayin mo pa bang si Marcus na ang kumitil sa buhay mo, Alicia?" sarcastic niyang tanong.

"What the hell are you talking about?!" Sigaw ko dahilan para mapalingon si Lucas sa gawi ko.

Nang tumayo siya mula sa sofa ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto at nilock ang pinto.

"Nakakaintindi ka naman ng tagalog diba? Ano, hindi mo magets ang sinabi ko?" tanong niya muli.

"Look, I don't want to play with your game and you should stop saying nonsense things about Marcus!" inis kong giit at nakarinig ako ng katok sa pinto.

"Alicia, open the door" rinig kong utos niya.

"Okay then. It's your choice. At least, I've warned you," sambit niya sabay patay ng tawag.

"Alicia, open the fvcking door!" Sigaw ni Lucas at halatang nagagalit na siya.

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto.

"Who the hell you're talking to?" seryoso niyang tanong nang magtama ang tingin naming dalawa.

"It was a prank call," pagsisinungaling ko.

"Then why do you have to run all the way up here?" tanong niya habang nakakunot ang kanyang noo.

"'Cause I know that you will snatched my phone away and you will be the one to talk to that prank caller. I know you, Lucas. You will just make a big deal out of it. Chill," sambit ko, totoo naman eh...

Tumango na lang siya kaya bumalik na ulit kami sa sala.

To be continued

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon