Chapter 14

1.5K 22 0
                                    

Alicia's POV

Tatlong araw na akong nandito sa bahay ni Marcus at sa loob ng tatlong araw na 'yon ay parang magkakapatid ang turingan naming lima. Since walang maids dito ay ako lagi ang nagluluto ng mga pagkain namin at minsan ay naglilinis din ako pero ayaw talaga ni Marcus dahil baka magdugo ang sugat ko.

Mag-isa lang ako ngayon dito dahil may pinuntahan ang apat. Maraming bantay ang bahay pero lahat sila ay nasa labas. Umakyat muna ako papunta sa kwarto ko para kunin ang aking phone pero hindi lang pala 'yon ang makikita ko dahil may babae na nakasuot ng itim na damit at may face mask sa kwarto ko! Saan ito galing?!

"Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw pala si Alicia. Infernes, ang ganda mo sa personal. Kaya naman pala pinagpalit ako ni Marcus," pinagsasabi nito?

"Miss, hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Kaya pwede, umalis ka na," utos ko pero tumawa lang siya.

"You're his fiancèe, right?"

"And? Ano naman sayo kung fiancè ko siya?" tanong ko.

"Alam mo ba na kapag pumatol ka sa kanya ay pwedeng malagay sa peligro ang buhay mo?" mataray niyang tanong.

"Kaya nga ako nandito diba. Dahil nasa peligro na ang buhay ko. And besides, ginusto ko ba na maging asawa si Marcus?" sarcastic kong tanong.

"Victim of forced marriage." Iling-iling niyang sabi.

"Kung ako sayo, hiwalayan mo na si Marcus. You don't know his past. And you certainly don't know what did he do to his ex. You might be next, Alicia," may halong pagbabanta sa boses niya kaya medyo natakot ako.

"What do you mean?" I asked pero ngumisi lang siya.

"You're the only one who can find that out. I have to go, dear. Bye," paalam niya at lumabas sa malaking bintana.

Napansin kong may zipline na nakakabit sa bintana ko papunta sa isa pang bahay. Nang makarating siya dun ay pinutol niya agad ang zipline at tumakbo para tumakas. What is she talking about?!

Dumeretso muna ako sa kusina para magluto ng hapunan dahil nagtext si Marcus na pauwi na daw sila.

Habang nagluluto ako ay tulala pa rin ako dahil sa nangyari kaya naman napaso ako.

Nilagay ko muna ang kamay ko sa malamig na tubig para mawala ang init. Nang hindi na ito mahapdi ay pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko.

...

"We're home!" natapos na ako magluto at saktong sumigaw ang tatlong kaibigan ni Marcus.

Kumuha na ako ng mga plato at mga baso tsaka inilagay ito sa dining table. Bumalik ulit ako sa kusina para kumuha ng mga kutsara at tinidor.

"Alicia." Napatili ako sabay bitaw ng mga hawak ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Marcus.

"Are you okay?" tanong niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Y-yeah." Tinanggal ko ang kanyang mga kamay sa balikat ko at pinulot ang mga kutsara at tinidor. Nilagay ko ito sa lababo at kumuha ng bago.

Hindi ko alam pero bigla na lang umangat ulit 'yung takot ko kay Marcus.

Nilagay ko na rin sa malaking mangkok ang niluto ko at inihain na ito sa lamesa.

"Kumain na kayo," sambit ko sa kanila.

"Hindi ka sasabay?" tanong ni Marcus.

"Hindi. Busog pa ako," sabi ko at aalis na sana nang hawakan ni Marcus ang kamay ko.

"Aray!" Sigaw ko dahil nahawakan niya ang napaso kong kamay.

Agad naman silang tumayo at lumapit sakin.

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon