Chapter 17

1.3K 29 1
                                    

Alicia's POV

"Thank you everyone for coming to my son's 27th birthday!" panimula ni tita habang may hawak na mic.

Malaki ang frontyard nila tita kaya dito nila naisipang gawin ang party para kasya lahat ng bisita. In fact, sobra pa ang laki ng frontyard na ito.

Pumalakpak naman ang mga tao habang nakatingin kay tita. Alas-otso na kaya medyo madilim pero naglagay sila ng mga disco lights sa mga damuhan para lumiwanag ang paligid.

"So, how's the food?" she asked.

"It's great!" sunod-sunod na sabi ng mga bisita.

"Well, I'm glad that you're enjoying these homemade dishes," tila natahimik ang lahat dahil akala nila ay galing sa catering ang mga pagkain.

"Hindi kayo kumuha ng catering?" tanong ng kapatid ni tita.

"No. All of the foods were made by someone," sagot ni tita sabay tingin sakin. Talaga namang ipagmamayabang niya pa na ako ang nagluto ha.

"Sino ang magluto?" tanong ng isang bisita.

"Marcus's fiancèe. Ladies and gentlemen, I'd like to introduce to you my future daughter-in-law!" Tumigil siya at lumapit samin ni Marcus.

"She is Alicia. My son's fiancèe!" sabi niya at pinatayo pa kami. Agad namang pumalakpak ang mga tao habang si tita naman ay nakangiti habang nakatingin sakin.

"She is also the one who made all of these foods!" dugtong niya. Wow...

"Tita, hindi lang naman po ako ang nagluto ng mga ito," sabi ko sa kanya.

"But this is your recipe, hija," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Kailan ang kasal?" naku po. Ang tanong na iniiwasan ko!

"Next year, mare!" sagot niya.

Bumalik na ulit si tita sa harap kaya umupo na kami ni Marcus sa table. Actually, kami lang ni Marcus ang nakaupo sa table na ito. Ang mga magulang ko naman ay nasa ibang table nakaupo.

...

"Hey." sambit ni Marcus na galing lang sa loob ng bahay.

"Bakit?" tanong ko.

"Pinapatawag ka nila mommy."

"Bakit daw?"

"I don't know. Puntahan mo na lang sa loob." Tumango ako at tumayo na mula sa upuan tsaka dumeretso sa loob ng mansion nila.

"Hi, tita. Pinapatawag niyo po ako?" tanong ko kay tita nang makita niya ako.

"Yes. I just want to say thank you, hija, for preparing this party for my son," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"It's no big deal, tita. I'm happy to help." Nakangiti kong sabi.

"Hindi kapa ba handa?" tanong niya na ipinagtaka ko.

"Handa po saan?" tanong ko pabalik.

"Na makasal sa kanya. Are you still not ready?" natigil ako sandali at napaisip.

"Tita before I answer that, can I ask something?"

"What is it, sweetie?"

"Nagkaroon naba ng girlfriend si Marcus before?" tanong ko. Hindi ko talaga makalimutan ang sinabi ng babaeng 'yon sakin!

"Wala, hija. Babad siya sa mafia simula nung sumali siya dun. Natanong mo?"

"Oh, nothing. Anyway uhm... Hindi pa ako handa, tita. But, we still have a few months until my 26th birthday diba," sabi ko.

Marrying A Mafia✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon