December 24,2020. A day before Christmas and a week after what happened samin ni Tako. I can finally say that, I'm better than last week. Day off ng mama ko today, so as usual, we go out a lot. Habang nagdradrive si mama, gumugulo sa isip ko kung sasabihin ko ba yung about sa nangyari samin ni Tako, kasi naopen ko na siya once na nang liligaw nga siya. Ang daming pumapasok sa isip ko that time, either "Should I tell her?" or "Magagalit kaya siya?". Nasa kalagitnaan na kami ng daan, nung di ko napigilan sarili ko. "Ma, may sasabihin ako sayo, huwag mong sasabihin kay kuya ha?! Baka sabihin mo nanaman!"
"Hindi, ano ba yun?" Tanong niya habang nagdradrive siya. I took a deep breath, I still remember what location we are in the road, I remember how we passed all the trees, stores and cars during that time when I finally confessed about what happened to us.
"Tinigil na ni Tako yung pang liligaw niya." Then tumingin ako palayo nung tinignan niya ako.
"Bakit? Ano daw dahilan?"
"Yung ex niya, bumabalik daw." I answered, its kinda weird talking about these things sa mama ko. Sa seven years na nagkahiwalay kami, I'm not used of talking about things like this.
"Alam mo, mas ok yan. Bata ka pa, tsaka gugustuhin mo yan? Eh may sakit ata siya diba? Pano kung lumala? Ikaw kawawa balang araw?" Sagot ni mama. I mentioned him one time sakanya, that's the first time she heard his name from me. Ganun ako kaproud kay Tako, nakwento ko pa kung gano kamatured si Tako to the point na hihintayin niya ako kahit ilang years para lang marinig yung "OO" galing sakin which is never nang mangyayari ngayon.
"Ok ka naman? Huwag mo na isipin yun, magfocus ka muna sa mga studies mo." Advice ni mama. Iba pala talaga pag open ka sa mama mo or sa family mo noh? Her advice really changed me a lot, yung tipong ok na talaga akong walang nag-eentertain sakin na ibang lalaki? Dun lang yung time na talagang nagfocus ako sa kung anong meron ako, yung dating ako na ang buhay lang is aral, facebook, drawing and spending more time with my family? Ghad I feel so good!December 25,2020. We usually open our gifts at 25 around 6 or 7 in the morning, dahil kasama namin yung dad namin this Christmas, inopen na namin yung mga gifts namin at 12 midnight. I don't know if dad really likes us to open our gifts already or just excited about his gift for mom. ~Its a surprise gift for her, we all know about it, except her~
Mom is so happy about the gift. She never saw the gift kasi tinago namin yun sa may shop ni dad sa basement. It is wrapped by a blue gift wrapper, airfryer ang gustong gusto matanggap ni mama, dahil wala kaming sapat na pera, di siya nag a-assume na makakatanggap siya ng ganun this Christmas. But even how expensive it was, its funny how mixed emotions she's experiencing. Yung tipong ang saya niya kasi may airfryer na siya, pero dissappointed at the same time kasi di daw malaki (HAHAHAHA), but she is really thankful for that, and nagawan din namin ng paraan.After ng Christmas celebration and stuff, all my emotions came back. Yung tipong alam mong sumaya ka, pero hindi parin mawawala yung problema mo? I feel sooo empty, I don't know what to do to make my self distracted. And yun din yung isa sa pinaka ayaw ko na naexperience ko sa life, yung ididistract mo yung sarili mo sa kung anong bagay, makalimutan mo lang yung problema mo? Ayokong maging OA sa part na to, pero ayon sa mga kaibigan ko, yes, I've been experiencing major depression, pero hindi ko yun pinahalata sa mga tao sa bahay. All the smiles, and all the laughs I've been showing is reallyyy fake. Yung tipong mararamdaman mong masaya ka or napapasaya ka, pero alam mo sa sarili mo na hindi yun yung totoong tawa na napapakita mo sakanila? Yung pagtalikod mo sa harap nila, biglang bibigat yung dibdib mo na parang gusto mo lang mapag-isa? Sobrang hirap grabe, hindi ko ma-imagine yung sarili ko na lumalaban mag-isa sa gantong part ng buhay ko. And take note, I'm only 16, what if tumanda pa ako? Madami pa akong mapagdadaanan, lesson learned ba'to para sakin para sa mga haharapin ko pang pagsubok?
My kuya and I are planning on painting our room, ayokong mahalata nila na malungkot ako that time, and wala na din akong maisip na paraan para i-distract yung sarili ko, total naplano na, nag-agree na ako. Sabi nila, after nalang ng January, january is the month where we're going back to school, kaya ginamit ko yung reason para makapag pintura kami now, as in now na.
~My family doesn't know how mentally unstable I am. Yung kahit gustong-gusto ko na sumuko, yung tipong ni-pagtawa hindi mo makaya, pero lumalaban pa rin ako hanggat kaya ko, kasi anong mangyayari kung nagpakamatay ako? (kung sakali) tapos nalaman nilang dahil lang sa lalaki? Maibabalik ko ba si Tako? Maibabalik ko ba yung buhay ko? O-ok ba yung lahat? Hindi diba? Suicide isn't a good solution for our problems.~
10 days after, mga January 3 or 4 na ata yun, I finally finished my room. I also bought a small carpet, curtains, and bean bag chair from my own savings. Talagang nirush ko yung room ko, beside sa pasukan na namin ng January, wala din akong ginagawa sa bahay, and every time na wala akong ginagawa, lumulungkot ako, umiiyak ako nang di oras, and ayaw na ayaw ko yung nangyayari sakin, so tinapos ko agad yung room ko. It really was my dream room...Aww...Law of Attraction really exist, you just gotta work for it.
2 weeks na akong di nagamit ng kumu, it was because busy ako sa room ko and other stuff. Akala ko after ng Christmas or New Year ay babalik na ang Itlog Fam like we normally do, pero hindi. Lahat sila, naging busy na. Si ate Kushane, bibinyagan yung mga anak niya, and I was chosen to be her daughter's ninang! Halos lahat ng friends namin from Itlog and Pasmado Fam ay nakuha as Ninong and Ninang, ang saya lang isipin, kasi imagine someday, di lang meet up yung mangyayari na because gusto lang namin, kundi meet up ng mga kumare't kumpare HAHAHAHA.
Bumalik ako ng kumu a day before my school started, there, I met this guy sa newbie sa kumu, ang bait niya actually so I stayed in his livestream. Ako yung taong mang-o-okray or babanat banat for no reason just to make them happy or entertained. Kinabukasan, in-person school started. We have hybrid schedule because of the pandemic. Yun yung time na nagsink in sakin na "My main priority are my studies." Kumu is the reason why I can't focus that time, kasi nga online kami, so I can't help my self to use the app, ganun ako ka addict. Second, because of kumu, I loved the person na akala ko pipiliin ako sa lahat ng oras, pero hindi. But that's ok, nakabawi na ako for 3rd quarter, atleast.
BINABASA MO ANG
Because Of Kumu
Non-FictionIt was a NON-FICTION tag-lish story, It was kind of romantic drama thing, it was all about my Kumu Journey (Kumu is a friendly filipino app), about who once I loved before, about my friends, and how I almost dropped my classes because of using it. ...