I have permision from each characters that are mentioned, some of them aren't but I didn't use their real name in the story.
Huwag niyo sana ibabash or sasabihan ng mga masasama ang kahit sino sa mga tauhan sa kwento dahil lahat ng nabanggit ay mga totoong tao. Gusto ko lamang na ibahagi sainyo ang aking kwento sa pag gamit ng app na to, na nagsimula lamang sa iisang pangarap, pero natagpuan ko'y mga tunay na kaibigan.
Sinisimulan ko palang etong kwento ay humingi na agad ako ng permiso sakanila.
Pasensiya kung marami man kayong napansin na wrong typings or mga kulang kulang na mga letra. Tinapos ko nalang ng mabilisan ang istorya na ito dahil pasukan ko na sa susunod na linggo at wala na din akong balak na pahabain pa itong istorya dahil pinilit ko na ding hindi pa gumamit ng app na KUMU dahil na din sa mga iba pang mga dahilan.
Alam kong itong istorya na to ay dapat tungkol lamang sa mga kaibigan at mga nakikilala sa app na aking ginagamit, pero napunta lamang to sa mga kwento tungkol sa mga taong nagugustuhan ko at minsan na ding nagkagusto sakin. Ang natutununan ko lang habang sinusulat ko tong kwento na to, ay nahulog agad ako sa mga taong sobrang bait sakin, which is hindi dapat ako mahulog ng ganun lang kadali.
Kung ako lang ang tatanungin niyo, oo sobrang dami kong natipuan, pero pansin niyo namang pag sobrang seryoso ako sa tao eh talagang nasasaktan ako the time na umalis sila sa buhay ko, gaya na lamang nung Chapter 5 na aking nasulat.
Pasensiya na sa mga taong nasabihan ko ng kung ano ano sa storya, ayoko din sanang ilagay lahat ng aking saloobin, pero parte yun ng kwentong ito. Naalala ko nung panahong nagpapa alam ako sakanila, sobrang nahihiya talaga ako kasi yung mga thoughts ko sakanila na dapat di ko nilalabas eh malalaman pa nila, na pwedeng pag simulan ng gulo.
Ang app na kumu ay dahilan ng pag-iba ng ugali ko, pero yun ay nasa sayo. Hindi naman masamang gamitin ang Kumu or kahit anong mga apps, pero dapat alam natin yung limitation natin sa mga pag gamit ng kung ano mang mga online apps.
Lahat ng nabanggit at naging parte simula Chapter 1 hanggang Chapter 13, maraming maraming salamat sainyo dahil kung hindi dahil sainyo, hindi ko mabubuo ang kwentong to.
BINABASA MO ANG
Because Of Kumu
NonfiksiIt was a NON-FICTION tag-lish story, It was kind of romantic drama thing, it was all about my Kumu Journey (Kumu is a friendly filipino app), about who once I loved before, about my friends, and how I almost dropped my classes because of using it. ...