Saksi si kuya Oj sa lahat ng nangyayari about samin ni Jeru. Lagi akong may parinig kay Jeru sa myday ko sa ig and nakikita niya yun lagi sa "only friends", so lagi niya akong inaasar sa ls, kahit saang ls, mapa-livestream niya, livestream ni kuya Kiddo, sa livestream ko, ako lagi ang bunot.
Nung March 30th ko pa actually naka-usap si kuya Oj about samin ni Jeru.
"Akala ko di na siya nagza-zaky, bakit may post siya recently? Yun yung tanong ko."
"Why are you asking then? Meron bang kayo? Why are you acting like that?" he replied.
"Isn't it enough paara magalit ako? Nagpakita siya ng motibo sakin, tapos di ako kakausapin ng ganun-ganun lang? Parang mali naman ata yun? Dapat sabihan niya ako kung may problem siya diba?" I answered.
"Yes pwede kang magalit because nagsabi siya sayo na hindi na siya magzazaky, same nung umamin siya ng feelings sayo. Tsaka diba hindi rin naman kayo pwede? We are expecting too much kasi sa taong hindi naman tayo pwede magexpect, dahil unang-una, "wala tayo sa position kasi hindi tayo, at wala pang tayo" Well hindi ka naman niya pinaasa, dahil wala din siyang maaasahan diba kasi nga hindi ka pa pwede?" he explained. Umagang umaga that time, I remember how sad I was...Again..Eto yung umagang ayaw na ayaw kong maexperience, pero wala tayong magagawa eh, tayo nanaman yung talo.
"Kuya Oj naman, alangan naman na um-oo agad ako eh kakakilala lang namin."
"Hindi ganun ang ibig kong sabihin Elle, just like now, may mga bagay ka na hindi mo maintindihan. Huwag tayong magexpect and mag assume sa taong alam mong hindi pa naman satin, kasi ikaw ang masasaktan, like now, nasasaktan ka nanaman at umaasa." Sagot ni kuya Oj, but that's not my point. I promise y'all, ok lang naman ako sa pag iwan ni Jeru sakin although masakit, but ALL I WANT to know is yung kung bakit bigla bigla nalang umaalis si Jeru o di nagpaparamdam na wala man lang sinasabi sakin kung anong problema niya.
"Curious lang naman ako kasi kung may problem siya pwede naman niyang sabihin." I answered.
"Well, then ask him."
"Eh hindi nga ako sini-seen."
"Give him time, pag hindi sumagot, then that's the time na pwede kang magalit, kasi nga he left you hanging for no reason, yun lang, wala nang iba. Dun sa feelings mo, keep it, pero you can say it to him dahil nasaktan ka nga na umasa ka, pero you can't blame him." he replied. May point nga naman siya, I'll just shut myself, though kahit anong paliwanag ko, hindi din naman nila maiintindihan, pero yung point na nasaktan ako? Talagang kasalanan ko naman diba? Kasi ako yung umasa, ako yung nahulog, ako yung nag-assume.Ilang araw, buwan na yung nakalipas nung nangyari yung kung anong nangyari saamin ni Jeru, lagi lang ako nakatambay kay kuya Oj sa livestream niya, yun yung time na mas naging close talaga kami sa isa't-isa unlike before na nahihiya talaga ako. He's actualy my best bestfriend in kumu, siya yung kaibigang ire-realtalk ka to the point na talagang mapapa isip ka na "Oo nga noh?", pero he's a friend na papasayahin ka din at the same time kahit anong mangyari.
Kakilala ko na din si kuya Kiddo noon pa, but we're not that close, dun lang kami sa stream ni kuya Oj talagang nagkaka-usap, minsan naglalaro pa kami ng cod if naka stream siya HAHAHA! Nakilala ko din si kuya Allan na taga Sweden, and I keep joking about what location he is kasi may ipapa-sampal ako sa Sweden. (Alam niyo na kung sino jusko). I met kuya Elie also, he's a straight guy who fell inlove with gay, charot! Sobrang bait ni kuya Ellie actually, siya yung tipong ang sweet sobra lalo na sa livestream namin. And I was writing a book that he requested, di ko lang matapos tapos kasi talagang medyo busy pa ako right now, and really, I can't do 3 books at one time AHAHAHAHA!
Since lagi ako sa stream ni kuya Oj, I'm always there to take a lot of screenshots everytime na may magbabagsak sakanya ng virtual gifts sa kumu. Napansin ko na sa lahat ng screenshots ko eh iisa lang yung nagiging reaction niya, so natuwa ako kaya lagi na akong nagsscreenshot. I kept that screenshots for a long time, so when I needed to delete some stuff on my phone, nakal-kal ko yun sa gallery ko, so miny-day ko yung mga yun at the same time with a caption na: "Pano magulat ang isang Oj?", the I tagged him sa photo na yun, mej matagal na nung nakita niya, pero as long as he seen it, nagreply siya agad.
"Tawang-tawa ako, hayop! Masyado kang mabilis mag abang!" he replied
"Yung mas excited pa mag-ss yung viewer mo." I replied back, then he told me na sayang daw na wala ako nung kagabi sakanila, the I replied na bulok yung signal namin sa school. I mean...Its true...Every corner of the school, sobrang hina ng signal grabe, nakakapag kumu naman ako inside the school minsan, swertihan nalang kung biglang lumakas signal.
So yun, after kong miny-day si kuya Oj, bigla akong kinabahan sa nireply niya sakin sa instagram: "Dahil mahal na mahal kita, eto yung gusto kong mangyari, ayoko sana sabihin, dahil gusto surprise.", I don't know what he's talking about, but the only idea I have right now is tungkol nanaman toh siguro kay Jeru. He's always mentioning kasi yung about him sa livestream na kesyo nagkaka-usap daw sila ni Jeru, na pinag-uusapan daw nila ako. To be honest, naparanoid ako at first nung namemention niya yung mga yun sakin, pero habang tumatagal na hindi na namin napag uusapan yung mga about dun, parang nawalan na rin ako ng interest para malaman kung totoo ba talaga silang nagkaka-usap.
*Oj sent a picture*
Nagulat ako sa sinend niya, it was their conversation. I smiled, but I thought after kong mabasa yun, is mananahimik na yung utak ko, but I was wrong, lalo pa palang dumami yung mga katanungan ko.~Sa screenshot na sinend niya, nakalagay dun yung pinag usapan nila kuya Oj at Jeru. Kuya Oj asked Jeru what happened between us, then he answered na naging busy siya and madalang nalang din siya mag-cellphone, tsaka nawalan na din siya ng time kaya nahiya siyang kausapin ako. Then after malaman ni kuya Oj yun, ininvite niya si Jeru na pumunta siya sa ls niya para magkaroon kami ng closure, pero di na nagseen si Jeru that time, he replied after that day na sinabi niyang wala siyang gamit na phone kaya di "siguro" makakapunta sa livestream ni kuya Oj. Yun yung time na narealize ko na yung time na inaasar ako ni kuya Oj na papapuntahin niya si Jeru sa ls niya na pag pumunta siya e manahimik lang daw ako, di ako naniniwala dati non pero nakapag usap na pala sila non.~
"Yan yung reason niya para matahimik ka kaka-isip." He added.
"HAHAHA nahiya nuks."
"Huwag tayo agad magju-judge dahil baka may dahilan, tsaka na pag nakapag paliwanag na." he replied. I mean...If that's his reason, that was so dumb. Busy? Pero may time para magpost sa Zaky? Busy? Pero may time para i-unfriend ako sa fb? Naiintindihan ko yung part na nahihiya siya, na busy siya, but why does he need to unfriend me sa facebook diba? Ano yun? Hiyang pang habang buhay? Ganun ba siya mahiya? To the point na ayaw na niya akong makita kahit sa NF niya? Kuya Oj is telling na we shouldn't talk about that already kasi atleast may reason na siyang sinabi, pero para sakin? No way! That's not enough!? Wala siyang phone? Bat siya nakapag message kay kuya Oj? Nahihiya siya sakin? Bat kailangan niya akong i-unfriend? Di ba? May reason nga siya, but it doesn't even make sense. Obvious namang ayaw niya sakin, pero bat di nalang niya diretsuhin? Ako kasi yung taong gusto ko sinasabi nila agad yung mga ayaw nila sakin, hindi yung iiwan ka nalang ang dami mong tanong sa sarili mo to the point na majujudge mo na yung tao kasi nga wala tayong reason na naririnig from them, tapos lalabas pa na tayo yung may kasalanan kasi parang naging masama sila sa kwento natin, pero pano ngang di sasama kasi wala tayong kaalam alam eh! I mean...How do you guys even do it? Kasi ba takas problema? Takas kayo sa explenations? Alam niyo bang sobrang sakit maiwang ang daming tanong sa sarili? And yung masakit dun is if pag wala kayong balak na magsabi sakanila tapos mapipilitan kaming ihukay lahat ng tanong na yun para hindi pa namin maisip, sobrang sakit kasi kahit gano mo kagustong makalimutan yun, hanggang sa pag-tulog hindi ka tatantanan eh! Tsk, palibhasa kayo lang yan, mga ghoster!Nag-explain ako kay kuya Oj na gusto ko ring marinig side ni Jeru dahil nga ayokong mag-isip pa ng masama, but he replied: "Pero jinudge mo pa rin yung tao.". Di mo naman kasi maiiwasang ijudge yung tao kasi nga wala kang mga sagot from him diba? Alangan naman na patayin ako mag-isa ng mga tanong na paulit-ulit umiikot sa isip ko na di ko naman makukuha yung mga sagot? And as of now? He left me hanging sabi nga ni kuya Oj, ano ba tawag don? Pang-gho-ghost diba? Yan yung sinasabi ko na ako pa talaga yung magiging masama kasi nagjudge ako ng tao, di ko naman majujudge yan kung nakuha ko agad yung sagot na kailangan ko eh.
"Dedmahin mo na, masaya ka naman, pinapasaya naman kita everyday diba?
"SALAMAT SA MGA PANG REREALTALK NIYO NI KUYA ELIE." I answered. Sa livestream kasi, they are always making comments about how angry I am and how I judge Jeru sa pagkawala niya. Lagi ko kasing pinaparinggan si Jeru sa stream kahit na wala siya dun kasi nga sobrang upset ako sakanya, and narealtalk lang din nila ako kasi I was acting desperada na parang naghahabol pa ako para sakanya.
"Dun tayo sa totoo kasi kaibigan mo kaming totoo, hindi kami yung kaibigan na: "Iiyak mo lang yan" "Ok lang yan", dun tayo sa masasaktan ka dahil yun ang totoo." He advised. And that time, I was like..."Thank god I have these kind of friends"
"Ginawa ko yun para di ka mag-isip ng kung ano-ano, tignan mo, kaka-realtalk ko, natuto kayo ni Elie na hindi mag-only friends, dapat dun tayo sa kung anong nararamdaman natin, sinasabi natin pero in a good way and pinag-iisipan." he added. The "only friends" he's talking about is about the instagram stories, yun kasi yung gamit ko minsan kung ayaw kong may makakitang ibang tao sa mga kung anong nangyayari sakin na gusto ko yung mga close friends ko lang yung makakita non.Marami pa akong tanong syempre, but I chose to move in. Hindi ko kailangang mag-stay sa taong ni-hindi man lang alam kung sigurado ba talaga sakin, yun yung time na talagang pinilit kong i-sink in sa sarili ko na "Magstay ang gustong magstay, umalis ang gustong umalis" I am tired of begging someone's time para magstay sila, nakakasawa lang na di man lang sila magkusa na ako naman ang piliin nila. Sobrang hirap magheal mag isa promise! Kaya if ever someone needs you pag may problema sila? Please help them to heal :).
BINABASA MO ANG
Because Of Kumu
Non-FictionIt was a NON-FICTION tag-lish story, It was kind of romantic drama thing, it was all about my Kumu Journey (Kumu is a friendly filipino app), about who once I loved before, about my friends, and how I almost dropped my classes because of using it. ...