Chapter 8- "Unexpected"

14 2 0
                                    

February 21st,2021. I am wondering if kilala pa ba ako ng mga nakilala ko sa Zaky. Zaky is a streaming app also kagaya ng Kumu, pero there's a lot of differences. Kumu have a lot of options in streaming, either Livestreaming or Audio streaming, and Zaky only have Audiostreaming. They both can receive gifts, but in Zaky, its up to you kung magbibigay ka para sa lahat or para sa isa lang, sa kumu kasi panglahatan, pero pwede ding i-set yung diamonds na sayo lang mapupunta lahat. People in Zaky are very mysterious and hard to recognize their identity kasi di mo makikita itsura nila sa profile. (except if they post their pictures in their timeline). Last year ko pa ginagamit yung Zaky sa totoo lang, pero di ako nagfocus dun kasi nga may something din kami ni Tako that time, and I am really into Tako so medyo nawawalan din ako ng gana makipag communicate sa ibang mga lalaki. Talagang nakafocus lang ako sakanya that time and triny ko lang naman yung Zaky kasi nakita ko sa vlog ng isang youtuber kaya in-install ko, pero nagun-install din ako kasi nga... May bebe ako dati eh, bat ba?
So yun, sobra nakong nabobored sa kumu kasi di rin naman active yung fam ko don, kaya naisipan kong gumamit ng Zaky ulit. Meron dun sa Zaky na may paperplane, yung paperplane na yun, pwede kang magsulat ng kahit ano dun, tapos may nakalagay na optiong "Throw plane" then may mga taong makakareceive ng plane mo na pwede silang magreply within usually 1 minute and something, pero sobrang ikli lang ng time. While the time is running, you should pick some people na nagreply sayo and they can get coins from it. If wala naman akong masabi sa paperplane or if ever na naubusan ako (kasi you only have atleast 3 planes kada araw) Tamang catch lang ako ng paperplane na napupunta sa screen ko. May mga nakilala na din ako sa zaky actually, pero di kami masyado nagkaroon ng conversation, we're friends sa facebook, but we never talked anymore. Sa sobrang prangka ko na single (single amp) I really show how jolly I am and flirt as a joke kasi alam ko namang never magseseryoso yung mga yan jusko.
Nung nagkaroon na ako ng full number of plane, nagtry akong magbato ng isa, saying: "Paano niyo nagagawang magcheat sa mga taong alam niyong sure na sure sainyo?" Madaming nagreply dun sa binato kong plane, pero isa lang talaga yung tinignan kong reply, which is yung may reply na "Nakuu hahahaha" I don't know why I feel something about him, I felt something na it made me reply to his comment. Its not that bad. We talked a lot to the point na tinanong ko siya if alam niya yung app na kumu.
"Do you know kumu app?" I asked.
"Hindi eh, ano ba yun?" tanong niya pabalik, then I explained what it is. Sa sobrang gusto ko makilala yung tao, (dahil nga you really can't identify if totoong tao ba sila or what) I invited him. Hindi siya nag-agree that time, pero wala eh, medyo mapilit tayo ng konti. Kinagabihan or mga hapon that time nung pumayag din naman siya. (Na sana di ko nalang pala pinilit).
Naka-ls si kuya Oj that time, and siya lang talaga yung pinaka-close ko nung time na yun. He really is a good friend, yung di mo maiisip na ganun yung taon niya, sobrang di bagay sakanya yung age niya actually, kasi sobrang jolly niyang tao, kaya sakanya ako pumunta na ls para ipakilala si guy.
"Kuya Oj! Meet Jeru!" I introduced nung umakyat na si Jeru sa slot sa ls. Siyempre guy yung pinakilala ko, so si kuya Oj na "Kuya" ko na din or di ko malaman kung kuya ko ba talaga or tatay HAHAHAHA.
"Saan kayo nagkakilala?" tanong ni kuya Oj kay Jeru.
"Sa Zaky" sagot ko agad.
"Elle tumahimik ka si Jeru ang kausap ko ha?" Sagot ni kuya Oj, yup, he's kinda mean, pero mabait naman siya (weh?) Talagang pasmado tong si kuya Oj, pero pag kakilala mo na talaga siya, never ka nang mapipikon around him.
"Sorry na" sagot ko. Then hinayaan ko nang magtanong si kuya Oj kay Jeru para makilala ko din siya without me asking him. Sobrang chill lang ni Jeru, pero ang harot grabi! I always make him entertain kasi halos lahat ng nagiging online friend ko na di ako nakaka usap masyado ay nalalayo yung loob nila sakin, eh ako yung taong gusto ko yung attention nasa sakin.
He's making me happy, I never felt this way, I thought I'll never felt this anymore, akala ko hindi na ako mahuhulog ng ganto sa iba, akala ko si Tako lang talaga, damn ang lakas ng tama ko sayo! Char.
Jeru have his own youtube channel, yup, he's a vlogger, by the time na di kami nagkaka-usap, I always watch his videos. Nung una, nakuha niya ako sa mga banat banat niya, everytime na nasa ls kaming dalawa, walang time na di siya bumabanat. Pero mas lalo akong nahulog nung nagkakaroon na kami ng deep talks pag kami lang dalawa. Pinaka first reason na meron ako kung bakit nagustuhan ko siya is the way na pasyahin niya ako, either his making a joke or bumabanat banat siya (marupok tayo eh bat ba?), pero yung time na talagang nagkakakilala na kami, nagkakausap in private, telling our own stories ganun, dun talaga yung time na lalong lumalim yung pagka-gusto ko sakanya. Never kong sinabing gusto ko siya kasi nga sobrang aga naman ata diba? Kahit ilang oras kami magka-usap, its still too early to like someone you've just met last week.
During our deeptalks, napag-usapan namin si Tako, naopen namin yung conversation na yun kasi sobrang ayaw ko nang mawala si Jeru sa buhay ko, I really trust him, and I know na magsstay naman to (siguro).
"Alam mo, takot akong ma-attach sa tao, sa totoo lang, kasi feel ko lahat ng taong nagiging comfortable ako eh, nawawala."  Sabi ko while we're talking. He had no any reaction or something to say. After siguro mga konting minuto, nagsalita na din sawakas tong mokong toh.
"Oo nga noh? Ganun talaga, lahat ng gusto mo, nawawala."
"Agree hahaha." sagot ko, then dun na ako napa-amin sakanya na sana di ko nalang ginawa. AAHHH!
Strict yung parents ko, alam niya yan, kaya nirespeto naman niya yung nararamdaman ko. I really trust him, although I have the thought na: "Baka sa simula lang yan." pero alam niyo naman yung pagiging tanga natin pag talagang nainlove tayo sa isang tao. Walang oras na di ko inisip na "Baka napipilitan lang to saakin.", alam kong mali, pero sinunod ko yung kung anong gusto ko, sinunod ko yung puso ko.
"Promise, never kitang iiwan." then he smiled. I know, yeah, "Bat ka pa naniniwala sa mga ganyang salitaan." Alam ko naman na dapat di na muna tayo naniniwala sa mga ganyan, gawin muna dapat nila diba? Dapat makita muna natinthrough actions, but the way he say it sa live na kaming dalawa lang (which is nobody's listening), sobrang sincere niya yun sinabi saakin, the way he look at me, yung tone ng voice niya...Talagang kapani-paniwala men! Nakita ko naman yung mga effort niya kahit sa online lang. Talagang nag-observe ako, sobrang nagbibigay siya ng time sakin, he always listen to what I wanted him to do, lagi siyang nandiyan everytime na may kailangan ako sakanya. He always make time, and yun yung nagpaniwala sakin na talagang buo yung intensyon niya sakin.
    "Promise me na di ka mang-iiwan?" I asked, then he looked at me, and I heard him saying: "I promise."
    Ito yung time na talagang present lang yung inisip ko, not the past, not the future, kundi kung anong nangyayari ngayong araw, ngayong oras, eto lang yung nasa isip ko, ayoko nang magising kung panaginip lang toh, I wanna stay at this moment.

Jeru is also the reason kung bakit lalo akong napalayo kay Joseph. Alam niyo naman siguro kung gano ako nainis sakanya noon, mas lalong grumabe yun HAHAHA. Lalo na nung nagcampaign siya sa kumu non. Dun sa campaign niya, nakilala namin si ate Jane. At first, akala ko maldita siyang babae hahaha. We have bad comments about her at first kasi never namin siya nakitang nagbagsak ng any gifts from the campaign. Tapos dumagdag pa tong si Joseph na nagprepressure samin kasi alam naman naming ibibigay namin yun lahat sakanya, pero he keep saying na: "Ibibigay niyo yan sa iba eh." tapos kami ni Jeru, nanahimik nalang. Binagsak na namin sa stream lahat ng diamonds na meron kami kahit hindi lahat ay galing sakanya para wala nalang siyang masabi. Umalis nalang kami ni Jeru sa stream and dun nalang kami nagstream na nakaseparate kasi kahit siya hindi niya matake yung ugali ni Joseph.

Livestreaming is also like a vc for us since wala naman masyadong napunta sa ls namin. Tbh, without kumu, never naman kaming magiging close ni Jeru, I'm not saying na sa kumu lang kami close, I also seen the effort he always make just to have conversation with me in private, kaya nga nagustuhan ko siya lalo eh HAHAHA. Sa sobrang tagal namin mag-usap sa kumu, ang daming details ang nasasabi namin sa isa't-isa. He even told me how bully he is before, sinabi niya rin kung pano siya hindi tanggapin ng ibang babae kasi nga sa paningin nila based on the story, masama siya. But despite of what he said, I never based his personality now from before. Sobrang bait niyang tao, and he mentioned na nagbago na siya, pinilit niyang magbago and nakita ko naman yun sakanya. Tsaka di naman lahat ng masamang tao eh masama talaga eh, they used to be the good guys, maybe they're just being evil because of their past traumas, i-example nalang natin yung movie ni Maleficent, di naman siya magiging ganun kung di dahil sa betreyal ng jowa niya diba? But at the end, nanalo parin yung kabutihan niya. "How about cheaters?", Some cheaters will always be a cheater, pero di lahat ay di nagbabago. For now I will say look at Skusta Clee, he cheated, pero nagbagong buhay, and that's my opinion, we all have our own opinions, if may gusto tayong sabihin sa isang tao, pag-isipan muna nating mabuti kung makakasakit ba tayo ng tao or hindi. So yun, para sakin, Jeru is really a good guy..Or should I say...He "was" a good guy...

Because Of KumuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon