July 23,2021. ~I invited Kap sa Zaky, dahil na rin sa minsan pinagla-live niya ako sa Kumu, ayoko pa sanang papuntahin siya kaso wala din naman akong kasama, and ayoko din namang tanggihan si Kap so sinabi ko nalang kung saang app ako nagiging active ngayon.
*You and Dragonking have followed each other*I never expected na lalong lalalim yung kung anong meron samin ni Kap non, mas naging sweet siya sakin nung gumamit na siya ng Zaky, dun ako mas lalong naguluhan sa nararamdaman ko, kasi gusto ko nga siya na hindi dapat. That time, meron na nga ding nage-entertain sakin, which is si Arjay, ayoko din namang hindi nalang siya pansinin ng ganun ganun lang although kaka-kilala lang namin. Sa mga oras na yun, natanong ko agad si Kap about sa situation ko kasi open naman ako sakanya lagi, and he's good at giving advices too kaya lumapit na din ako sakanya.
"May sasabihin ako sayo hahahaha"
"Ano?"
"Ang weird i-open kasi sayo mismo hahaha." I know nagtaka yun kung bakit ganto yung sinabi ko, little does he know na related din sakanya yung mga itatanong ko
"May nanliligaw kasi sakin, eh may gusto akong iba. Ayoko din namang saktan yung nanliligaw, anong gagawin ko?" I asked.
"Sabihin mo yung nararamdaman mo, and magpakatotoo ka sa manliligaw sayo, hindi yung pag nahulog na siya sayo, sasabihin mong hindi pwede. Maaga pa lang say mo na agad." he answered.
"Eh pano kung di ka sure na gusto ka ng gusto mo tapos sinayang mo lang yung nanliligaw sayo?"
"Ok lang yun, atleast mas pinili mo yung mahal mo, kesa naman minahal mo siya na napilitan ka lang, tanggapin mo nalang na minahal mo siya, kaso di ka mahal. Acceptance is ok than to nanligaw sayo pero di mo gusto." he answered. Pinapunta ko siya sa room ko (Livestream), dun ay pinilit niya ako kung sino yung gusto ko, di ko rin masabi dun kasi siya nga yung gusto ko, alam ko naman na tinuturing niya lang akong kaibigan, eh pano? Na-fall ang Elle niyo.
"Sabihin mo na kasi, sino yung gusto mo.."
"Ayoko nga."
"Sige na.."
"Ichachat ko nalang."*On private message*
"Sure ka?" tanong ko.
"Oo, dali."
"Sure na sure?"
"Oo nga! Tutulungan pa nga kita." sagot niya, tutulungan? Sayo? Reto moko sayo? Char.
"Eh pano kung...HAHAHA wait."
"Awit tagal."
"Mag ML ka na nga lang muna."
"Ano ngaa... Iintayin ko na haha."
"Ikaw"
"Bakit ako?"
"Huh? HAHAHAHA laro ka na ML dali."
"Hahaha, ayusin mo, sasaktan kita haha."
"Nananakit ha? HAHAHAHA back read ka nalang magegets mo HAHAHA."
I know he knew it already, pero hindi niya pinapangunahan, until he asked the name of that guy na nagugustuhan ko, pero hindi ko sinabi. Sobrang ginugulo ko yung usapan kasi talagang gusto ko ma-off topic kami, pero talagang makulit ang kuya niyo. Sinabi kong siya yung nagugustuhan ko, then he asked me why, then I can't give him the answers. Anong sasabihin ko? Nagustuhan ko siya kasi sobrang sweet niya? Kasi sobrang maalaga siya sa family niya? And sa friends? Kasi the way na itrato niya ako with respect dun na agad ako nahulog? I know he'll reject me, pero atleast aware siya diba?
"Ayoko muna magtalk, sorry but, hindi tayo pwede." he replied. Alam ko namang hindi pwede pero bat mas masakit pag sayo mismo nang galing?
"Diba, kaya nga ayoko sabihin eh." Alam mo yung moment na, expected mo na yung sagot, pero sobrang lakas parin ng impact sayo nung sila na mismo yung nagsabi sayo?
![](https://img.wattpad.com/cover/260713780-288-k198856.jpg)
BINABASA MO ANG
Because Of Kumu
Non-FictionIt was a NON-FICTION tag-lish story, It was kind of romantic drama thing, it was all about my Kumu Journey (Kumu is a friendly filipino app), about who once I loved before, about my friends, and how I almost dropped my classes because of using it. ...