[Hide And Seek]

56 5 6
                                    


CHAPTER: FOUR


[Haley's POV]


Batikos dito, panglalait doon. Wala silang pakialam kung ikaw yung pinaka matalino o yung pinaka mabait sa lahat. Ngayong nakatingin na ako sa mundo na dating ginagalawan ni Kelly, naiintindihan ko na sya.

"wag ka nga dito baka mahawa pa kami sa kabaduyan mo."

Ang sabi saakin ni Sheena.

Umalis nalang ako matapos akong tuluyang mapahiya sa kagagawan nya. Paano ba ako makakapag lunch nito?

Ayokong makita ako ni Calvin. Baka ma-high blood nanaman yun at sumugod ng canteen.

Habang nagmamadali ako na naglalakad, bigla kong nabunggo ang isang estudyante. Nabitawan ko ang dala kong mga libro at...

"Bakit ka kasi naglalakad na nakapikit?"

"M-Mark...ikaw pala."

Bakit ba sa dami ng pwede kong mabunggo sya pa? O__O

Sya ang nag pulot ng mga libro ko at iniabot saakin.

"Salamat."

Hindi na ako tumagal pa sa kinatatayuan ko. Nakaka-inis..

Hindi tuloy ako nakapag-lunch.

Nagugutom na ako. T__T

Nagrereklamo na ang mga alaga ko. Naririnig na ng mga katabi ko.

"Okay ka lang?" Tanong saakin ni Calvin nang mapansin nyang hindi ako mapakali.

"Okay lang ako." O__O

*tsug!*

Nang biglang out of nowhere...may biglang lumanding na sandwich sa lamesa ko. Saan naman kaya...?

Nakita kong nakatingin saakin si Mark. Hindi kaya?...

"Hindi ko na matiis ang ingay."

He meant my stomach.

Oh my god!...Is this real o dala lang nag gutom at may mga bagay na akong nakikita....pero o.m.g...ang sarap ng sandwich. ^__^

Hanggang mag-uwian iniisip ko parin yun.

"Mag-isa ka lang?"

Napahinto ako nang marinig ang boses ni Mark.

"uhmm..." Sasabayan ba nya ako?.

Please no...

"Sabay na tayo."

"Ha?..ahhh...ehhh...actually nag hahanap ako ng masasakyan. Mauna kana saakin."

"Okay."

Thank goodness hindi sya mahirap kausap. Dumaan ako sa kabilang daan. Nasaan na kaya sya?..wala na kaya sya?

"Akala ko ba sasakay ka?"

Ahhhh!!! Bakit?!!!! O__O

"Uhmm..ang tagal kasi."

"Sabay na kasi tayo."

This is awkward...

"Ang...tahimik naman natin."

Sabi nya saakin.

"A-Ay...sorry wala ako sa mood makipag-usap."

Just A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon