[Stay: Part 1]

51 3 0
                                        


CHAPTER: FOURTEEN


Six years later...

[Nicole's POV]


Oh my gosh. Alam nyo ba kung ano ang mga nangyari in six years?!
In six years, nagtiis ako ng home schooling na tanging ka-klase ko lang ay si Haley.
In six years, nanisay ang balat ko dahil sa lamig na tinitiis ko kapag sasapit na ang winter at kahit hindi ay malamig parin...

And for six years, nakita ko kung paano ang isang Haley Aguilar ay naging isang pinaka magaling at pinaka hinahangaan ng lahat.

Yun nga lang...

"Haley, kanina pa tawag ng tawag ang kuya Justin mo. Tinatanong nya kung makakauwi ka raw sa family reunion nyo this weekend?"

"I told you...darating ang araw na sila naman ang mangangailangan saakin."

I can no longer stop her ego from growing bigger and bigger.

"Ano na?..miss ko na ang Pilipinas Haley. Kahit isang linggo lang umuwi naman tayo."

"Nicole...kung gusto mo'ng umuwi, umuwi ka. I won't stop you. Basta ako, dito lang ako."

"Hindi mo man lang ba sila namimiss?"

"Kapag sinabi ko na hindi, titigil kana ba dyan?"

Ang kanyang galit ang bumura sa konting kabaitan sa puso nya. Nang mapunta kami dito, wala syang ginawa kundi ang lunurin ang sarili sa trabaho. Bilib nga ako sa determinasyon nya eh. Magagawa mo pala talaga ang lahat kapag meron kang pinaghuhugutan. Yun nga lang, out of revenge but it actually brought something good to her life...

"I'll go...basta kung magbago ng isip mo, nasa bahay lang ako."

Naging rockstar sya, sumikat at talagang yumaman. Natupad nya ang pinangako nya sa sarili nya pero sana, matupad din ang pangarap nya na sumaya.
.
.
.
.
.
[Haley's POV]


Sabi nila time heals everything pero para saakin, time changes everything dahil yung sakit, parang kahapon lang. Nararamdaman ko parin.

I heard na si Herbie, Disc Jockey na sa isang FM Radio station. Nakinig ako one time sa radio airing nila on-line. Na miss ko tuloy ang kakulitan nya.

Si Lester at Mac naman ay parehong nag-take ng culinary. Malapit na silang mag-graduate pero nakita ko sa Facebook na nag-open sila ng restaurant ng magkasama. Gusto kong kumain doon kung minsan.

Pero si Calvin, wala ako'ng balita sakanya. Ang alam ko lang, hindi sya natuloy sa New York para mag-aral ng Music.

"Nicole...hintayin mo ako. Sasama ako."

"Weh?..as in?" O__o

"Oo nga. Ihanda mo ang service natin ng mabilis dahil baka mag bago pa isip ko."

"I already called for a taxi two hours ago." XP

Eh di, ikaw na...baka nga talaga mag-bago ang isip ko pero, sayang naman. Gusto ko pa naman makita kung paano ako bolahin ng mga kamag-anak ko sa reunion.

And that's what happened exactly...

"You look good specially on billboards Haley."
Ang sabi ng isa ko'ng tita saakin.

"Thanks."

Hindi kami ni kuya nag-uusap pero palagi ko syang nahuhuli na nakatingin saakin kaya nilapitan ko na...

Just A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon