CHAPTER: SIX
[Mark's POV]
Ang sabi nila, history repeats its self. Noong araw na iniwan kami ni Mama para sa iba, isinumpa ko na hindi ako kailan man magmamahal ng buo sa isang babae. Nakita ko kung paano nawasak ang buong mundo ni Papa ng gawin yun ni Mama at ayokong mangyari din yun saakin.
Siguro hindi ni Mama gustong maging politician's wife dahil din sa pride nya. My mom is a popular sexy singer mula pa noon at hanggang ngayon. Siguro ayaw nyang mawala ang ganung imahe sakanya.
Well, hindi naman ganun si papa. Hinahayaan nya mga ako'ng gawin ang gusto ko.
Anim na taon na mula noon pero hanggang ngayon nakikita ko parin na hindi si Papa maka-move-on sa sakit.
.
.
.
.
.
.
"Mark...hindi mo man lang ba ipagtatanggol si Haley?..Kasalanan mo 'to remember."
Ang sabi ni TJ saakin.
"At kasalanan din nya kung bakit nangyayari 'yan sakanya."
"Porke't hindi ka nya pinapayagang mangligaw ganun?..napaka childish mo talaga."
"Wala naman akong pakialam talaga sakanya ha...trip lang naman yun. Sayang hindi nya tinanggap."
Nakatambay lang kami ng tropa ko sa may hagdan sa labas ng building nang makita naming padaan sina Haley at Calvin.
"Papunta yata sila ng clinic." Ang sabi ni Robbie.
Akbay sya si Calvin na parang walang makakalapit kay Haley na hindi dumadaan sakanya.
"Ang sweet naman nila. Hindi ba si Calvin napapagod na ipagtanggol ang nerd na yun?"
"Ang tawag doon, pagiging gentle man at mabuting kaibigan. Wala ka kasi ng ganung ugali." Ang sabi ni TJ.
"Sino ba talaga ang kinakampihan mo?" ^__-
Dapat may gawin ako para makuha ang loob ng babaeng yun. Ewan ko ba kung bakit pero gustong-gusto ko na talagang paglaruan ang damdamin nya. Ngayon lang ako nahirapan ng ganito sa isang babae. Humanda talaga sya.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Haley's POV]
Kakagaling ko lang sa Clinic. May bigla kasing tumulak saakin habang naglalaro ng Volleyball sa P.E. class namin at natumba ako.
"Haley, sumampa ka nalang sa likod ko para hindi kana mahirapang maglakad."
Sabi ni Calvin.
"Sure ka?"
"Oo...dali."
Agad syang sumuko at sumampa na ako saka nya ako binuhat ng dahan-dahan.
"Wag kang mag-alala hindi kita bibitawan."
Ngayon ko lang naisip na nakakailang na pala kapag ganito. Kung noong mga bata pa kami ay parang natural lang saamin ang ganito, ngayon ay iba na sa pakiramdam. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. I like him he's so warm. Siguro wala namang masama kung magustuhan ko rin sya diba?
BINABASA MO ANG
Just A Girl
Genç KurguCreated by: Just-a-Girl0906 (This is not a true story) "Do you know a certain girl that is being loved by everyone but you feel like there's something evil about her? well... HINDI ako yun. I wished I am that intriguing. Although, I like the evil pa...