Three

34.5K 1.2K 133
                                    

SYREEN

YAKAP-YAKAP ko ang bag ko habang nakasakay ako sa sasakyan ng bugok na 'to. Pagkarupok-rupok ko rin naman kasi punyawa!    

"Wala akong balak na kuhanin 'yan, huwag mong pakayakapin," aniya sa akin habang nagmamaneho at nalingunan ko ang bugok na nakangisi pa.
               
"Wala akong pake! Magnanakaw ka nga ng puri ng fukikels, e! Baka nakawin mo rin 'to—"           

"I never stole your virginity, darling. You gave it to me, and you enjoyed it. . . very much," putol na pang-aasar sa akin ni bugok saka pa yata nanggigil sa gas dahil mabilis niyang pinasibat ang sasakyan!

Pinaghahampas ko siya saka ako nagtitili. "Demonyong kupal! Kasamahan ka talaga ng mga illuminati! Bugok! Leik Andrey na bugok!" singhal ko pero hindi siya natinag, bagkus ay natawa pa ang hayop na ito!

"You better snap out. Baka sa langit na kita dalhin," aniya sa akin at tila ako natuod sa narinig ko. Bwakanang ina! Pakingshet! Napakagago niya talaga!

Naupo ako nang maayos dahil kilala ko ang karakas niya. Isang maling galaw ko, baka totohanin niya ang banta niya. Utak pa naman nito madalas may ubo! Nakakapanggigil siya!

Lumingon ako sa kalsada at hindi na pamilyar sa akin ang dinaraanan namin. Kung talagang gugustuhin niya akong i-salvage sa oras na 'to, magagawa niya talagang bugok siya!

"Saan mo 'ko dadalhin? At hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo kaya huwag mo 'kong babanatan ng langit! Kung demonyo ka, mas naging demonyo ako!" angil ko ngunit hindi ko siya nililingon.

"Bakit ba lagi kang tamang-hinala sa akin? Wala akong masamang gagawin sa 'yo dahil una sa lahat, ako ang nakitang huling kasama mo. Ayaw kong mapagbintangan," sagot sa akin ng diablo at bahagyang binagalan ang pagpapaandar.

"Ah, oo nga pala. . . takot ka nga pala sa obligasyon, 'di ba? Bahag ang buntot mong bugok ka. Oo nga pala, alam ko nga pala 'yon. Bakit ba kasi ako nagtanong?" sarkastiko kong banat sa damuhong ito. Kung mabibigyan talaga ako ng chance, gusto kong isakal sa kaniya ang necktie niya!

"Stop that sarcasm, Syreen. Alam mo ang limitasyon ko sa ganiyang pananalita mo," aniya sa akin na may tonong nagbabanta.

Bigla niyang mas binagalan ang pagpapatakbo saka niya ito ipinarada sa gilid ng kalsada saka niya ako hinarap.

Lumingon ako sa kaniya at pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Problema mo, gago?"

"I'm not a fucking coward and I am not afraid of obligations. Stop your negative statements towards me. I can never tolerate your goddamn words," aniya sa akin at nakita ko ang pagbabaga ng mga mata niya. "You're giving me bad feedbacks but you accepted it yourself," pagpapatuloy niya sa akin na parang sumilab yata ng lahat ng galit na nataramdaman ko.

"Ay talaga nga naman palang hayop ka sa lahat nang hayop at bugok sa lahat nang bugok!" sigaw ko saka ko inalis ang seatbelt ko. "'Tang inang utak mo, may covid! Nag-iisip ka ba? 'Tang ina, kasal tayo pero hinayaan kong magkaroon ka ng girlfriend dahil sabi mo pang-front mo 'yon sa mga tao para matago mo kung sino at ano ako. Pumayag ako sa mga ginagawa mo dahil nauto mo 'ko! 'Tang ina, ibinigay ko lahat sa 'yo kahit pa nakakagago na PA mo 'ko, at nakikita ko kayo ni Zylin na naglalampungan para lang hindi malaman ng mundo na kasal ka sa isang gaya ko! Tapos ano? Ah oo. . . you fucked me that night and asked me to leave the next day dahil naroon na ang girlfriend mo. You made me looked like a whore in front of her, but in fact. . . I AM YOUR FUCKING WIFE! And now what? I accepted it myself? Putang ina pala naman, Leik. Anong gusto mo? Ilaban kita nang patayan habang tinataboy mo 'ko? Ulol ka ba?" mahabang sumbat ko sa kaniya saka umigkas ang kamay ko at dumapo iyon sa pisngi niya. . . ngunit sinagot niya lamang iyon nang pagngisi.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon