SYREEN
NAKAIN ko na yata ang dila ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa narinig ko, punyawa!
Marahas ko siyang itulak at nag-bow kay President Anton saka ko inayos ang buhok ko habang nakayuko. Pakingshet, pwet na malagket! Talagang alam na alam niya akong dalhin sa kahihiyan!
"G-Good morning po, President Anton," utal kong bati kay President. Malaki ang respeto ko sa taong ito dahil bukod kay Sir Jio, siya ang isa pa sa naniwala sa kakahayan ko. Kaya talagang nakakademonyo na ipahiya ako ng bugok na hudas na 'to sa harap niya mismo!
"Good morning din sa 'yo, iha, pero sana huwag mo na akong tawaging president. I already retired. As of now, si Mr. Laugthner na ang bagong upong presidente nitong eskwelahan," paliwanag niya sa akin kaya't napa-angat ako ng ulo at nalingunan ko si Leik na malawak ang pagkakangisi na animo nagtagumpay ang bugok na biglain ako sa pasabog niya.
Alam ko ang tawag sa kanilang walong magpipinsan ay eight grenades, sakto lang talaga. Literal siyang may pasabog hayop na 'yan! Kung puwede lang magtatakbo pero may su-suwelduhin pa rin ako? Ginawa ko na.
"Sir Anton, mawalang-galang na po sa inyo, pero paano naman magiging presidente 'tong bugok na 'to? Professor lang 'to, tamad pa!" Ako mismo ay nabigla sa ginawa kong pagsagot kay President pero kiber na lang punyawa! Hindi ko naman na mababawi kasi narinig na nilang dalawa.
Imbes na sitahin at magalit sa akin si Sir Anton ay tumawa lamang ito nang malakas dahil sa sinabi ko.
"Palabiro ka talaga, iha," aniya at umiling-iling ako.
"Sir, hindi po ako nagbibiro-"
"Nagbibiro ka lang," putol niya sa akin.
"Sir, hindi nga po! Matamad talaga 'tong si Leik! Ako pa ang taga-check niya ng midterm at finals noon ng mga estudyante niya-" Mabilis akong napatutop ng mga palad ko sa mga labi ko.
Bwakanang inang buhay 'to! Pakingshet na bunganga ko dumeretso na naman!
"Magkakilala kayo?" tanong ni Sir Anton at parang nalaklak ko yata pati ang boses ko dahil hindi ko masagot ang tanong niya.
Literal akong nagulat at napaigtad nang bigla na lamang akong akbayan ng sugo ng diablo na nasa tabi ko.
"Hindi lang kami magkakilala, Mr. Valenzuela. Magkakilalang-magkakilala po kami. . ." aniya at parang binitin pa ang sinasabi niya. Kinakabahan ako sa maaaring idugsong niya.
"Hindi, Sir! Huwag kang maniwala diyan!" angil ko at pilit kong inaalis ang kamay niyang nasa balikat ko ngunit ayaw niyang magpatinag.
Nakita kong simpleng ngumiti si Sir Anton saka ako binalingan. "Saan kayo nagkakilala, iha? Mukhang malapit kayo sa isa't isa. Mabuti naman pala kung ganoon. Nangangamba pa man din ako dahil nga baka mamaya ay pag-initan ka na naman gaya nang ginagawa ni Dean. Nagagalak ako na kilala mo pala si President Laugthner. Hindi ko na pala kailangan na alalahanin ka," wika niya sa akin at hindi ko alam kung dapat bang maantig ang puso ko. Nangingibabaw kasi ang awra ng dagat-dagatang apoy na naka-akbay sa akin.
Tumawa ako na tila awkward saka ako sumagot kay Sir Anton. "Hindi man po kami close nito, Sir, kaya kailangan mo pa rin kaong alalahanin. Kailangan mo 'kong tulungan, Sir."
"Ikaw talaga, iha. Napakapalabiro mo," sagot niya sa akin at muli na naman akong umiling at binigyan siya ng mukha na nagmamakaawa.
"Sir, hindi ako nagbibiro-"
"She's just kidding, Mr. Valenzuela. In fact she gladly accepted the offer to be my temporary secretary while I am looking for one," putol ng bugok na Leik sa akin na ikinalaki ng mga mata ko nang literal!
BINABASA MO ANG
The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Syreen Elieja Averde, is a woman of principle. Basta hindi pasok sa prinsipyo niya, wala siyang pakialam kahit sino pang masaktan. Para sa kaniya, lahat nang gagawin natin ay may kabayaran at lahat ay sigur...