SYREEN
INIUWI kami ni Leik dito sa bahay dahil sinabi niyang mas mababantayan niya kami rito. Bwakanang ina naisip niya 'yon? Feeling ko nga siya pa ang delubyo ng buhay ko, e. Kahit naman marupok ako, basta para sa mga anak ko, tumatalino ako.
"Nanay, kanino po 'to house?" tanong ni Liran nang ibaba ko may sala ni Livan.
Naglalakad-lakad sana si Liran nang bawalan siya ni Livan at hinawakan sa kamay. "Don't move, Liran. Magagalit 'yong man," bawal niya sa kapatid niya at napangiti naman ako.
Mamaya ko kakausapin si Livan kung anong nangyari sa kaniya, kapag tulog na si Liran. Ayaw kong marinig ni Liran kung anong nangyari sa kakambal niya.
Kanina sa bahay ng tatay ay umalis si Leik at sinabi niyang susundan niya si Chief para malaman ang detalye ng pagkakasagip niya kay Livan. Hindi ko naman siya pinigilan dahil kahit ako rin naman ay gusto ko iyong malaman, nagkataon lang na mas lamang ang pagka-miss ko sa anak ko.
"Mga anak, may sasabihin ang Nanay sa inyo. Gusto ko makikinig kayo. Okay po ba tayo r'on?" wika ko sa kanila at kapwa naman sila tumango sa akin. "Livan, gusto mo na muna bang magpahinga? Puwede naman sa susunod na sasabihin ni Nanay-"
"I'm okay, Nanay," nakangiti niyang wika sa akin.
Sa totoo niyan, kanina pa ako naguguluhan sa estado ni Livan. Ilang beses na akong nakakita ng mga batang na-kidnap. Ilang beses na akong sumagip ng mga batang ganoon pero tila iba ang naging sitwasyon ni Livan. Hindi mo siya kakikitaan ng trauma dahil mas nangingibabaw ang mga mata niyang tila nga mata ng mga nakakatakot na mga sindikato.
"Iyong mama na nag-drive ng car kanina, hindi n'yo ba siya namumukhaan-"
"Siya po 'yong nagki-kiss sa tv na wina-watch ni tita Dindin," sagot ni Liran at muntik na akong mapatapik sa noo ko.
Punyeta ka, Dindin. Kakalbuhin kita kapag uwi ko riyan!
"Bakit ka naman nanonood ng ganoon, anak? Hindi ba't sabi ng Nanay bawal ka sa-"
"No, Nanay. Hindi ako nag-watch, nagan'on lang ako oh," ani putol na naman sa akin ni Liran at minuwestra niya pa kung paano lang siya kunwaring napalingon sa tv. "I didn't watch."
Pumukit ako at nagbuntonghininga saka ako muling dumilat at tumingin sa kanila. "Mga anak, iyong mama na 'yon-"
"He's our Tatay po ba, Nanay?" ani Livan at naipinid ko ang mga labi ko. Ang bilis talaga ng utak nitong anak kong sindikato. Kahit mafia boss, siguradong papasa 'to.
Sunod-sunod akong tumango sa kanila at para naman may sariling utak ang mga kamay nila dahil pinagtig-isahan nilang hawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Kukunin niya po ba kami sa 'yo, Nanay?" tanong ni Liran at parang papaiyak na siya kaya't umiling ako sa kaniya nang sunod-sunod.
"Hindi, anak. Hindi-"
"I will be joining your family. I will be the best Tatay for the both of you," ani Leik na nakasandal sa may pinto. Mukhang kanina pa siya naroon at nakikinig.
Naglakad siya papalapit sa amin at nang akmang hahawakan niya ang kambal ay bigla na lamang kapwa ito lumayo sa kaniya na animo natatakot.
"Liran, Livan, siya si Tatay-"
"No, Nanay. Hindi po naman namin need ni Livan ng Tatay! Tatay Piyong is enough!" ani Liran at nagsimula na itong umiyak kaya't napalapit ako sa kanila ni Livan na ngayon ay titig na titig lamang kay Leik.
Kinarga ko si Liran at niyakap ko ito saka ko hinagod-hagod ang likod niya. "Anak, galit ka ba kay Tatay? Wala naman kasalanan si Tatay sa inyo, e. Ako 'yong nagtago sa inyo ni Livan sa forest kaya hindi kayo nadadalaw ni Tatay," paliwanag ko at parang gusto ko na rin maiyak sa klase ng hagulgol ni Liran. Ramdam ba ramdam kong natatakot siya.
BINABASA MO ANG
The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Syreen Elieja Averde, is a woman of principle. Basta hindi pasok sa prinsipyo niya, wala siyang pakialam kahit sino pang masaktan. Para sa kaniya, lahat nang gagawin natin ay may kabayaran at lahat ay sigur...