Thirty

24.6K 965 232
                                    

SYREEN

SABI ng marami, ang buhay raw ay isang malaking sugal. Bakit hindi naman ako maniniwala? Eh mula nang mahalin ko siya, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang sumagal nang paulit-ulit kahit pa gaano kasakit.

"Nanay! Gugutom na po ako!" sigaw ni Liran mula sa kusina kaya't agad akong tumungo roon. Nakita kong ipinagtitimpla siya ni Livan ng cereal kaya't hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Sana nakikita mo ngayon 'to, Leik. Sana sobrang proud ka ngayon sa mga anak mo na sobrang bibibo. Sana . . . nandito ka ngayon at ikaw mismo ang nakakasaksi sa kung gaano sila katatalino. Sana . . . nandito ka. Sana. . . .

"Nanay, kailan po babalik ni Papa Jesus si Tatay?" tanong ni Liran nang abutan ko siya ng kutsara. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Pakiramdam ko lalo lang akong nauubos sa mga naririnig ko sa mga anak namin.

"Eat, Liran. Stop asking Nanay," sagot sa kaniya ni Livan.

Ginulo ko ang buhok ni Livan saka ako umakyat patungo sa silid namin ni Leik. Oo, dito ko napiling tumuloy, sa bahay na sinabi niyang sa akin nakapangalan.

Pag-akyat ko ay naupo ako sa harap ng salamin at tiningnan ang itsura ko. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ngunit bagsak na bagsak na ang katawan ko.

Kinuha ko ang larawan niya na nasa ibabaw ng mesa at tinitigan ko iyon. Ang ganda ng ngiti niya rito. Malayong-malayo sa kulay ube niyang mga labi na huli kong nakita.

"H–Hindi ba puwedeng hilingin ko na bumalik ka na? G–Gusto na kitang bumalik sa amin . . . sa akin. Kahit saktan mo na lang ako nang paulit-ulit. K–Kahit itaboy mo na lang ako nang walang humpay. Kahit na tarantaduhin mo na lang ako. Kahit na mambabae ka pa. Kahit na hindi mo ako piliin, basta't bumalik ka na lang. B–Bumalik . . . Bumalik ka na sa amin. Hirap na hirap na 'ko," lumuluhang wika ko.

Hindi ko pa rin mapigil ang sarili ko na umiyak. Hindi ko pa rin mapigil ang sarili ko na huwag masaktan. Kung wala ang kambal sa akin . . . baka matagal na akong bumigay at sumuko.

Tumayo ako ngunit bahagya akong nahilo kaya't napasandal ako sa may salamin ngunit bigla na lamang iyon tila pintuan ng maliit na cabinet na bumukas.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan ang laman niyon. May nakita akong camera recorder kaya't kinuha ko iyon.

Binuksan ko ito at may dalawang video na naroon. Binuksan ko ang isa at hindi ko napigilan ang mapatutop sa mga labi ko sa nakita ko. Video iyon nang araw na sumumpa ako na mamahalin ko siya hanggang sa huling hininga ko . . . ang araw ng kasal namin.

****

"Bitawan mo na 'yang camera! Kainis ka! Ang panget ko pa, e!" singhal ko kay Leik dahil tila natutuwa siyang kinukuhanan ako. Kagigising ko lang, puro muta pa ako—o baka nga may panis pa akong laway sa pisngi! Ngayon ang araw ng kasal namin na dala nang pambibigla niya sa akin.

"You look so gorgeous, darling. My favorite face of yours is whenever you wake up. You look like an angel and you simply look so genuine," nakangiting wika niya habang nakatutok pa rin sa akin ang camera.

"Utot mo! Genuine? Angel? Mukha nga akong hinusgahan ng mga alagad ng diablo!" sagot ko sa kaniya na ikinatawa niya.

Bumangon ako mula sa kama at nakita ko ang simpleng puting damit na nakasuot sa isang manikin. "Ang ganda talaga nito," namamanghang wika ko.

Naramdaman kong may yumakap na mga braso sa bewang ko. "I love you, soon-to-be Mrs. Laugthner. Mahal kita. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita," bulong niya sa akin at naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko. "Hinding-hindi kita sasaktan. Mamahalin kita higit pa pagmamahal na kaya kong ibigay. Hindi pa ako naging ganito kasigurado sa buhay ko . . . sa iyo at sa iyo lang. I want to spend the rest of my life with you. Hindi ako hihiling ng iba. Gusto ko hanggang sa dulo, ikaw lang."

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon