SYREEN
"ANAK mo si Livan, Leik. They are actually. . . twins. Dalawa ang anak natin. Liran Xyden and Livan Xyren Averde. . . Laugthner, are yours. . . they are yours, Leik Andrey Freezell-- Laugthner."
Nakita ko siyang namutla at tila hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Hindi ko siya masisisi. Alam kong matapos kong sabihin sa kaniya na nakunan ako sa anak namin, mahihirapan siyang paniwalaan ngayon na buhay ang anak—mga anak niya.
"W–What the actual fuck are you saying, Syreen?" gulat na gulat na wika niya at tumayo kahit pa pasuray-suray siya.
"May anak tayo, at buhay sila," anas ko saka ako tumayo para lapitan at hawakan sana siya sa braso ngunit mabilis siyang lumayo sa akin at umiwas.
Tiningnan ko siya sa mga mata at nakita kong tila gulong-gulo ang sa kaniya at hirap na hirap paniwalaan ang mga sinasabi ko.
Napahawak siya sa pader nang tila nawalan siya ng balanse. "H–How the fuck did that happen? Y–You told me you had a miscarriage? I believed you as I saw your sad and broken eyes. I believed you. . . and now you are saying. . . buhay sila? Gumaganti ka ba sa akin? Gusto mo ba 'kong paikutin?" aniya sa akin sa gulong-gulong tono.
Alam kong gulong-gulo na siya at hirap na hirap pero mas nahihirapan ako sa mga oras na 'to!
"Leik, wala akong oras para magpaliwanag sa 'yo. Nawawala ang anak ko—anak natin. M–May kumuha sa kaniya at hanggang ngayon ay wala akong lead," turan ko sa kaniya. Ramdam kong nagsimula na naman ang panginginig ng sistema ko.
"I–I can't believe what I am hearing from you—"
"I will let you meet my Liran. Kapag nakita mo na ang anak ko, huwag na huwag mong sasabihin na hindi siya sa 'yo, dahil 'tang ina, Leik! Kahit saang anggulo ko tingnan, wala silang nakuha sa akin, lahat inangkin mo!" putol na bulalas ko sa kaniya habang may mga nangingilid na luha sa mga mata ko. "Kaya kong tiisin na tarantaduhin mo 'ko, pero ang pagdudahan na sa 'yo ang mga anak ko. . . sorry pero kayang-kaya kitang patayin."
Tatalikod na sana ako para unalis ngunit bigla niya akong hinatak at niyakap nang mahigpit. "N–No, no! I'm not doubting my sons. I'm. . . I'm just so confuse right now. I'm. . . I'm sorry," aniya na kahihimigan mo talaga ng takot ang boses niya. Para siyang nangingig na tila hindi malaman kung ano bang gagawin niya.
Hindi ko alam kung anong katarantaduhan ang bigla na lamang nangyari sa akin. Tila na naman ako naging komportable sa mga bisig niya. Bigla ang sunod-sunod na patak ng mga luha ko maging ang mabibigat na hagulgol na hindi ko napigilan.
"T–Tulungan mo 'ko, Leik. Tulungan mo 'kong maibalik ang anak ko. H–Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaniya. . . hindi ko kakayanin. Baka ikamatay ko," palahaw ko saka ako ipinalupot ang mga braso ko sa bewang niya.
Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko at hinagkan niya ako. "We will. We will surely look for our sus. I'll do everything. . . I'll do whatever it takes to find him."
NAGISING ako dahil nakakarinig ako ng malakas na sigaw kaya't mabilis akong napabangon.
"You have to fucking look for my son or I'll fucking tear every piece of your bones!" Naulinagan ko ang sigaw na iyon ni Leik nang tanawain ko siya mula sa hagdanan.
Wala pa siyang pang-itaas at may kaharap siyang dalawang lalaking kapwa mga malalaki ang katawan.
"Sir, sinabi ko na po sa inyo na—"
"I don't fucking need your excuses. I need my son. Kapag hindi n'yo siya nahanap sa araw na ito, pagsisisihan n'yong kinuha n'yo ang pera ko," aniya sa mga ito at halos sabay ang mga ito na napakamot-ulo.
BINABASA MO ANG
The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Syreen Elieja Averde, is a woman of principle. Basta hindi pasok sa prinsipyo niya, wala siyang pakialam kahit sino pang masaktan. Para sa kaniya, lahat nang gagawin natin ay may kabayaran at lahat ay sigur...