Twenty-six

22.8K 899 345
                                    

SYREEN

HINDI ako makahinga. Hindi ako makapag-isip ng tama. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Bigla akong nablangko at nawalan ng ideya sa kung anong dapat kong gawin.

"Oh, ba't ka tulala?" tanong sa akin ni Griss na kadarating lang at may bitbit pang sinturon ng mga bala sa magkabilang kamay.

Umiling ako sa kaniya saka tipid na ngumiti.

Matapos nang nalaman ko, hindi ko na alam kung paano ko pa iaayos ang sarili ko. Hindi ako makabalik sa opisina ni Aeiryn dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga anak ko.

'Tang ina. Tama ba na ipinakilala ko sila sa ama nila na may masama palang hangarin sa akin?

Gusto kong kastiguhin si Leik. . . pero hindi ko alam kung may mabuti ba iyong maidudulot sa akin. Parang sasabog ang ulo ko pero kailangan kong mag-isip. Kailangan kong mag-isip kung hindi ay magiging talunan na naman ako sa huli.

Mabagal ang mga hakbang na tinungo ko ang opisina ni Aeiryn. Mula sa malayo ay natanaw ko si Leik na nasa harap ng pintuan at tila may hinihintay.

Nang makita niya ako ay kumaway siya at ngumiti pero hayop, parang dinudurog ako ng mga ngiting 'yon.

Paano mo 'ko nagagawang ngitian habang gusto mo naman pala akong patayin?

Paano mo nagagawang magpanggap na ayos ang lahat pero may balak ka palang masama sa akin?

Hindi ko na alam, Leik, kung saan pa ako nagkulang sa 'yo. Bakit ba ginaganito mo 'ko? Madali ko lang naman matatanggap kung ako lang. . . pero kasi hindi na, e. May mga anak na tayo na madudurog kapag nalaman nilang mismong ama nila ang gustong sumira sa ina nila. 'Tang ina!

Inayos ko ang sarili ko. Kung kaya niyang magpanggap na wala lang, mas kaya ko. Kung kaya niyang manakit ng taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin at bigyan siya ng tsansa, mas kakayahin ko. Marupok ako, at matagal ko nang tinanggap iyon. . . pero paano ko paiiralin ang pagiging marupok ko kung ganitong klaseng dahilan pala ang dudurog sa akin?

". . . kailangan niyang mamatay. . . at ako ang papatay sa kaniya . . ."

Putang ina. Gaano ba kasakit marinig ant mga salitang 'yan sa taong pinaglaanan mo ng lahat nang meron ka? Para akong paulit-ulit na sinasaksak. Napakahayop mo, Leik! Masahol ka pa sa demonyo!

Lumapit ako sa kaniya at ngumiti na tila walang nangyari. "Kumusta ang kambal? Baka naman nasobrahan na sa kakakulit sa tita Aeiryn nila," wika ko at nakangiti naman siyang umiling sa akin. Artista ka nga, Leik Andrey. Ang galing-galing mong magpanggap, 'tang ina!

"Nope. Aeiryn finds them amusing. She's really fond of her nephews," sagot niya sa akin saka lumapit ay parang may hahawiin na buhok sa mukha ko nang tila kusang lumayo mula sa kaniya ang katawan ko na ikinagulat niya.

"A–Aano ka ba?" utal na tanong ko pero bigla na lang siyang tumawa.

"Why, darling? Wala naman akong gagawin sa 'yo. Nasa Phyrric tayo. Namumutakti ng cctv dito," aniya nang nakangisi pero hindi ko magawang sabayan ang trip niya.

Seryoso ko siyang tiningnan bago ako nagsalita. "May problema ka ba, Leik?" tanong ko sa kaniya kahit pa alam ko naman na ang mga plano niya.

Nawala ang ngisi niya at napalitan iyon ng kaseryosohan. "Nah. I was just thinking that it would be better kung iiwan na muna natin kay Aeiryn ang mga bata. Ayusin na muna natin angmga kwarto nila sa bahay," aniya sa akin sa seryosong tono ngunit may iba na akong pakiramdam doon. He's probably plotting something right now.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon