LEIK
"LEIK ANDREY!" Paglingon ko ay nakita ko si Mama Stella na may dala na namang box ng donut para sa akin.
"YEHEY!" masayang wika ko saka ako lumapit sa kaniya at niyakap pa siya sa bewang bago ko kinuha ang box ng donut.
"Mamaya, Leik, susunduin ka na nila Mommy at Daddy mo. May misyon ang Mama Stella kasama ang tita Aeickel mo, ayaw ko naman na maiwan ka rito sa Phyrric. Okay ba tayo r'on?" tanong niya sa akin at sunod-sunod akong umiling.
"I want to be here, Mama Stella. I'll wait for until you finish your mission. Tuturuan mo pa ako maghawak ng baril, 'di ba?" sagot ko sa kaniya saka pa ako ngumiti. Ginulo naman niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.
"Sana kung darating ang araw na maisisilang ko sa mundo ang anak ko, sana maprotektahan mo siya. Sana mahalin mo siya bilang kapatid mo at sana alagaan mo siya gaya ng pag-aalaga ko sa 'yo," ani Mama Stella at marahan niya pang hinaplos ang tiyan niya.
"Yes po, Mama Stella! Aalagaan ko po ang magiging baby mo. You are my second mother so I will treat your baby as my younger sibling," nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Sana nga, Leik. At . . . kung dumating man ang araw na mawala ako, sana lagi mong matandaan ang mga tinuro ko sa 'yo at . . . lagi mong pipiliin kung anong makakapagpaligaya sa 'yo."
****
"L–LEIK." Nagising ako sa tinig na iyon at nalingunan ko si Mommy na umiiyak at tila pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Why, Mom?" tanong ko sa kaniya saka ako bumangon sa higaan.
Bigla niya akong niyakap at humagulgol siya sa mumunting katawan ko. "Your Mama Stella . . . Your Mama Stella . . . she's gone, anak. She was killed."
Para akong nabingi sa narinig ko na iyon. Para akong sinabugan ng mga tinatanaw ko lang dati na mga granada.
Kumalas ako kay Mommy at wala akong sapin sa paa na tumakbo papalabas ng bahay namin.
"LEIK, ANAK! SAAN KA PUPUNTA—"
"I will . . . I will go to Phyrric, Mommy. Y–You are just kidding me. Y–You are lying!"
****
THREE years had passed and I have been living my life like a robot. Three years and all I could do was suppressed my love for her. Ayaw ko nang sumugal. Hindi ko gustong magkasakitan pa kami, at higit sa lahat . . . ayaw kong masaktan siya sa katotohanan.
Knowing Syreen? She'll blame herself kapag nalaman niya ang nangyari sa nakaraan. She'll surely make herself suffer. She'll think that everything happened beacause of her—gaya nang inisip ko noon at . . . ngayon.
"Kuya Leik." Napalingon ako sa tinig na iyon at nakita ko si Aeidan kasama si Lindzzy.
"What are you doing here?" tanong ko saka ako lumagok ng alak sa kopitang hawak ko.
"Puwede mo bang bawiin ang kapatid ko at iligtas siya sa kamay ng mga magulang niya, kuya Leik?" ani Lindzzy sa akin at nakita ko ang pangingilid ng mga luha sa mga mata niya.
Nabitawan ko ang basong hawak ko at hinarap ko si Lindzzy. "Who told you about Syreen? Paano mo nalaman?"
Mula nang magkaroon kami ng komprontahan ni tita Aeickel three years ago, hindi ko na inungkat pa ang bagay na ito. Wala rin nagpaalam kay Lindzzy ng pagiging magkapatid nila sa ama ni Syreen. Ayaw kong guluhin ang sitwasyon. Mas mabuti nang ako na lang ang palihim na nasasaktan kaysa mas marami pa ang madamay.
BINABASA MO ANG
The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Syreen Elieja Averde, is a woman of principle. Basta hindi pasok sa prinsipyo niya, wala siyang pakialam kahit sino pang masaktan. Para sa kaniya, lahat nang gagawin natin ay may kabayaran at lahat ay sigur...