SYREEN
LULAN kami ng sasakyan ni Leik at patungo kami ngayon sa Phyrric. Nagdesisyon na kasi akong bumalik sa dati kong trabaho. Una, para matiyak ko ang seguridad ng mga anak ko, pangalawa ay mapanatili kong limitado ang may access ng mga impormasyon tungkol sa akin. Bwakanang ina, kaunting labas ko lang kasi, ang dami ng mga marites na feeling knows ang buhay ko.
"Nanay, saan po tayo pupunta?" tanong ni Liran sa akin habang kapit na kapit pa rin siya. Hindi niya pa rin tinatanggap si Leik na tatay niya hanggang ngayon. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Liran ngayon.
"Doon sa totoong pinagtatrabahuhan ng Nanay, anak. Makikilala mo r'on 'yong iba pang kamag-anak ni Tatay mo—"
"I don't want po!" sigaw niya at nagsimula na naman siyang umiyak nang umiyak.
Inabot ni Livan ang isamg kamay ni Liran saka niya iyon marahan na tinapik-tapik.
"Ang mga ibon, na lumulipad, ay mahal ng Diyos, 'di kumukupas. . ." pagkanta ni Livan at tila nakalma niyon si Liran.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngayon ko naiintindihan kung paano nila natagalan kahit na madalang akong umuuwi ng bahay. Livan learned how to be independent at nakaka-proud iyon sa parte ko.
Nakarating kami ng Phyrric at alam kong ilag na ilag pa rin si Liran sa tatay niya kaya't ako na ang bumuhat sa kaniya at si Leik naman ang bumuhat kay Livan.
Pagpasok namin sa Phyrric ay agad nang nagkumpulan ang mga tao na ikinagulat ko.
"I announced your arrival," nalingunan ko si Chief at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa amin. "Welcome back, Agent Syreen."
"Salamat po, Chief—"
"Huwow! Bumalik na ang tagapagmana ko. Hi, sis. Tuyot ka yata? Kulang sa jerjer?" ani Jice na kadarating at bitbit ang mga anak niya. "HALA, SHUTANGENA! KANINO ANAK 'YAN!?" gulat na gulat na anas niya at ako naman ang napangisi.
"Ano bang akala mo, girl? Ikaw lang kayang dumali ng kambal?" pag-aangas ko at ang gulat niya ay unti-unting naging tawa.
"Shutangena, pukenjang lang si Syreen sakalam!" hiyaw niya at tuwang-tuwang iniabot ang mga anak niya kay Laeven na nasa tabi niya at kinuha si Liran sa akin.
"Jice! Dahan-dahan ka riyan. Tatampalin kita—"
"Wazzup, gwapogi! I'm your tita Jice at your service. Ikaw pala ang. . ." Literal akong kinabahan nang bitinin ni Jice ang sinabi niya. ". . .tinutok, pinasok, at pinutok ni Leik!"
Gusto kong siyang sampalin sa bunganga. Puwede ba?
"Baby! Your mouth," sita sa kaniya ni Laeven pero hindi niya naman pinansin ang asawa niya.
"Anong pangalan mo, bebe boy?" tanong niya kay Liran at sa gulat ko ay ngumiti si Liran kay Jice at niyakap niya ito saka hinalikan sa pisngi. "Huwow! Bata pa lang speed at smooth na. Gandang-ganda ka ba sa 'kin, bebe boy?"
Bwakanang ina, Liran! Sa dami ng magugustuhan mong tao rito sa Phyrric, bakit kay Jice pa napagaan ang loob mo? Anak, itatakbo na ba kita hangga't maaga pa?
"I am Liran Xyden po!" masiglang anas niya kay Jice at ang bruhildang animales, pinugpog ng halik sa pisngi ang anak ko.
"Ako po si Livan Xyren," biglang sabat ni Livan at napagawi ang tingin sa kaniya ni Jice.
"Ay shutangena! Matang mafia!" gulat na wika niya at sunod-sunod akong napatango. Sabi ko na nga ba iisa kami ng utal at iisa kami ng nakikita nito ni Jice.
Ibinalik niya sa akin si Liran kahit pa ayaw pa sana ni Liran dahil parang nagseselos ang anak niyang si Laeden sa anak.
"So the run away agent finally found her way back," anang isnag tinig at nakita ko si Aeiryn na blangko lang ang itinatapon na tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Syreen Elieja Averde, is a woman of principle. Basta hindi pasok sa prinsipyo niya, wala siyang pakialam kahit sino pang masaktan. Para sa kaniya, lahat nang gagawin natin ay may kabayaran at lahat ay sigur...