Thirteen

25.9K 996 172
                                    

SYREEN

NAKAYUKO ako at lihim na nagdadasal habang nasa loob ng ER ang taong handa kong ibigay kahit ang kalahati ng buhay ko para lang makasama ko pa nang mas matagal.

"Ate Sy. . ." tawag sa akin ni Syna. Alam kong nag-aalala siya sa hindi ko pagsasalita. Alam kong inaalala niya ako. Alam kong hindi siya sanay na ganito ako.

Nag-angat ako ng tingin saka ako nagsalita. "Anong sabi ng doktor sa 'yo bago ako dumating?" walang emosyon na tanong ko sa kaniya.

"Hindi na raw po niya masisigurado na ligtas pa natin siyang maiuuwi? Alam mo naman, ate, na hanggang dito na lang-"

"Pera ba? Makakahanap ako, pagalingin lang nila siya. Kahit sarili ko ipagkakanulo ko," putol ko sa kaniya. May mga luha nang nagbabadya sa mga mata ko.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko saka ako isinandal sa dibdib niya.

Oo nga pala, narito nga pala siya. Kahit ayaw ko siyang isama, nagpumilit siya.

"Everything's gonna be fine, darling. Just trust the Lord," anas niya at naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko pero wala akong kahit na anong maramdaman. Nabablangko ang utak at diwa ko. Pakiramdam ko ngayon napakahina ko, 'tang ina!

Gusto kong pumalahaw ng iyak at magwala pero parang wala na akong maramdaman para gawin pa ang mga iyon. Ayaw ko nito. . . ito ang pinaka-ayaw komg aspeto mg buhay ko. Nakakagago, 'tang ina. Nakakapanghina pero walang magawa!

Halos mahigit ko amg hininga ko nang bigla na lamang lumabas ang doktor sa pintuan ng ER at magkakasunod itong umiling sa akin.

Tumayo ako palayo kay Leik at humarap sa doktor.

Parang nagunaw ang buo kong pagkatao. Para akong nawalan ng ibabala sa lahat. Nauubos na 'ko. Ubos na ubos.

"We did everything we can, but the cancer cells had spread out. There's nothing more we can do, Ms. Averde. Let her rest now. We are very sorry," anas nito sa akin ngunit walamg kahit isang patak ng luha ang tumulo sa mga mata ko.

"Maraming salamat po," kaswal na tugon ko rito saka ako nilingon si Syna. "Tumawag ka ng punerarya. Asikasuhin natin ang mga dapat asikasuhin. Huwag mo na munang sasabihan ang Tatay, ayaw kong maulila sa mga magulang sa magkaparehong araw," blangko ang emosyon na wika ko at sunod-sunod ang naging pagtango ni Syna sa akin.

Gumawi ako sa entrada ng ospital para lumabas na ngunit bigla na lamang akong hinigit ni Leik at niyakap.

"Syreen. . . cry. You have to cry, darling," anas niya ngunit umiling ako at ngumiti ng mapait kahit pa hindi niya naman iyon nakikita.

Mabilis ang ragasa sa utak ko ng mga pangyayari. Kahit hindi ko gustong alalahanin, wala akong magawa. Kusang nagbabalik-balik sa utak ko lahat ng mga nangyari sa nakalipas na taon. Lahat. . . LAHAT NG MGA NANGYARI.

"Let me go, Leik. Marami akong kailangang asikasuhin," anas ko saka ko siya marahang itinulak palayo sa akin.

Tinitigan niya ako sa mga mata nang makalayo ako sa kaniya. Alam kong nahihirapan siyamg pakitunguhan ako sa mga oras na ito, pero wala akong magagawa. Wala akong oras ngayon para pakitunguhan siya sa paraan na dapat at gusto niya.

"You can always talk to me, darling. Your Mom just died. I may not know how it feels, but I just want you to know that I am here. I won't leave you," anas niya at muli ay napangiti ako sa kaniya nang mapait.

"Nanay ko lang ang taong hindi ako iniwan, tinalikuran at pinagtabuyan, pero ngayon. . . pati siya iniwan na 'ko. Huwag mo na muna akong kausapin ngayon, Leik. Wala akong panahon para sa drama," anas ko at tuluyan ko na siyang tinalikuran at lumabas na ng ospital na iyon.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon