Twenty-nine

23.2K 866 198
                                    

SYREEN

HINDI ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko, 'tang ina! Para akong binagsakan ng lahat ng sakit sa mundo. Napakagago naman ng mundo, bakit naman ganito? Ako ba talaga ang magbabayad sa lahat ng kasalanan na nagawa ng mga magulang ko? Wala ba akong karapatan na sumaya? 'Tang inang 'yan!

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig at tumungo ako sa kung nasaan siya. Naabutan ko pang puro siya dugo at kung anu-anong aparato ang nakasabit sa kaniya. Kulay ube na rin ang mga labi niya.

Nakakadurog, Leik! Napakasakit! Parang isang malaking katarantaduhan lang ang lahat! Gisingin na sana ako sa bangungot na 'to!

Paglingon ko sa machine ay flat line na lamang ang naroon kaya't lalong bumilis ang pagtulo ng mga luha ko.

"'Tang ina, Leik. Bakit mo ginagawa sa akin 'to? Ano bang mabigat na kasalanan ang nagawa ko sa 'yo!? Bumangon ka riyan para mo na ng awa sa akin! Kailangan ka ng mga anak mo! Kailangan ka namin!" palahaw ko saka ako lumapit sa kaniya at hinaplos siya sa pisngi.

Pakiramdam ko ay bibigay na ako. Sukong-suko na 'ko. Walang-wala na akong mailabas. Ubos na.

Ano bang kamalasan ang mayroon ako? Bakit ganito kahirap ang sitwasyon ko? Bakit ganito kahirap ang nangyayari sa akin? Daig ko pa ang napaulanan ng lahat ng pasakit sa mundo sa sakit na nararanasan ko. Deserve ko ba 'to? Deserve ko ba ang masaktan? Deserve ko bang paulit-ulit na pahirapan?

"Syreen," tawag mula sa likuran ko at nakita ko si tita Leyvance na puro luha na ang mga mata.

"T–Tita," anas ko at bigla na lamang niya akong sinugod nang mahigpit na yakap.

"I'm sorry. I am sorry for what he did to you. I'm sorry for not raising him well-enough. I'm sorry for suffering because of him. Patawarin mo ako, Syreen. Ako na ang humihingi ng tawad para sa mga nagawa ng anak ko sa 'yo. Patawarin mo 'ko . . . patawarin mo sana siya," ani tita Leyvance at kumalas sa akin.

Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang sakit na unti-unti rin gumugupo sa masayahin niyang mukha.

Lumapit siya kay Leik saka niya ito niyakap at hindi ko napigil ang mga luha ko sa pagpatak. Nag-iisang anak niya si Leik at si Leik lang ang mayroon siya. Bilang isa na rin akong ina, alam ko kung gaano siya nasasaktan. Alam ko kung gaano kabigat ang dibdib niya ngayon, at alam ko kung gaano parang nilulunod ng sakit ang buo niyang sistema at pagkatao.

"A–Anak, sana hindi mo na lang pinakomplikado ang lahat. Sana hindi na lang umabot sa ganito. Sana nakinig ka na lang sa tita Aeickel mo. B–Bakit ganito naman, Leik? Alam mong ikaw na lang ang meron kami ng Daddy mo. A–Alam mong nawala si Leir dahil sa pagsasakripisyo niya sa ating dalawa. A–Anak naman, bakit naman umabot sa ganito? P–Paano namin matatanggap ng Daddy mo 'to?"

Nakagat ko ang lagi ko dahil sa mga hikbi na gustong kumawala mula sa akin. Nasasaktan ako nang sobra. Nasasaktan ako para sa sarili ko . . . sa mga anak ko . . . at sa buong pamilya niya.

Tinapunan ko ng tingin ang maamo niyang mukha saka ako pumikit at tinalikuran na siya.

Bakit kailangan mong mawala? Bakit kailangan kitang makita na ganito ang estado? Bakit, Leik? Bakit iniwan mo 'ko?

        

NAKARATING ako ng Phyrric at hindi ko maiwasan na salubungin ng yakap ang mga anak ko. Nanglalambot ako pero sila ang masasabi ko talaga na lakas ko.

"Nanay, where's Tatay?" tanong sa akin ni Liran nang pakawalan ko sila at muli na namang nangilid ang mga luha ko hanggang sa tuluyan nang pumatak ang mga ito.

The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon