SYREEN
"I'LL give you my whole life, darling. . . buong ako. . . buong-buo."
Kahit anong pilit kong huwag magpadala sa kaniya, nilalamon pa rin ako ng mga kagustuhan ko na sumubok. . . na baka puwede pa. . . na baka puwedeng umisang tsansa pa.
"Hindi ko na pagagandahin ang mga salita ko, Leik. Sa totoo lang, natatakot na akong sumubok sa 'yo, natatakot na akong sumugal, natatakot na akong magbaka-sakali, natatakot na ako. . . sa 'yo mismo, at sa kung anong bagong paraan ng pananakit na naman ang gagawin mo sa akin, pero wala, e. Kahit yata sampung taon o tatlong dekada ang lumipas, talong mo lang ang paulit-ulit na hahanapin ng bulaklak ng kalabasa," mahaba kong turan at nakita ko ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa mga labi niya.
"So does that mean—"
"Yes, Leik. I'm giving this marriage another chance, pero may kondisyones ako," putol ko sa kaniya at talaga namang all ears siya. Don't touch me, I'm kahabol-habol!
Tumango siya sa akin saka nagsalita. "Okay. What is—"
"What are, Leik. What are ang dapat tanong mo," putol kong muli sa kaniya.
Huminga siya nang malalim bago pa nagsalita. Mukhang nire-ready na niya ang sarili niya sa mga sasabihin ko. Haler, talagang dapat siyang mag-ready. Ise-secure ko na ang fukikels ko para iwas rakrakan!
"What are your conditions?"
Kinuha ko na muna ang telepono ko at binuksan ko ang voice recorder.
"Una, hahayaan mo akong umuwi na muna ngayon sa amin para kumuha ako ng mga gamit ko—"
"Does that mean that you're coming with me?" tanong niya sa akin at hindi talaga maitatago ang excitement sa mukha niya.
"Puwera na lang kung gusto mo ng hide and seek habang bitbit ko lahat ng mga gamit ko?" taas-kilay na sita ko sa kaniya pero hindi naalis niyon ang excitement niya.
He's really all for it. . . kahit na bahagya ko iyong pinagdududahan.
"Go on."
"Pangalawa, gusto ko na uuwi ako tuwing gabi sa amin sa mga araw ng Lunes, Huwebes, Biyernes at Linggo, dahil kailangan kong asikasuhin ang nanay at tatay ko. Muntik nang mawala sa akin ang nanay ko three years ago, at gusto kong naroon pa rin ako para sa kanila kahit pa magiging ayos na tayo. May taning na ang nanay ko ng limang buwan, I want to be there for her," paliwanag ko at sunod-sunod ang naging pagtango niya.
"I'm all good with that, and. . . I'm sorry if I wasn't there when you needed a companion," aniya sa akin at ngumiti ako.
"You don't have to be sorry. Tapos na 'yon," anas ko at muling itinuon ang pansin sa sinasabi ko. "Pangatlo, ayaw na ayaw kong aalamin mo kung saan ako nakatira. Ayaw na ayaw kong dadalawin mo ang nanay at tatay ko para lang ipakilala mo ang sarili mo. Wala silang alam tungkol sa 'yo. Wala silang alam sa kung ano tayo o kung anong naganap sa pagitan natin noon. Ayaw kong bigyan siya ng dahilan para ma-stress pa dahil matanda na sila. Sapat nang nabigyan ko sila ng sakit ng ulo noon. Ayaw ko nang maranasan na naman nila ang kunsume nila sa akin ngayon. Matatanda na sila. Leave them out of our business," mahaba kong turan.
Nakita kong nais niya akong kontrahin ngunit hindi niya ginawa. Marahil ay naisip niyang may punto ang mga sinasabi ko.
"Meron pa ba—"
"Pang-apat, hindi mo ako pipilitin sa mga bagay na gusto mo o sa mga bagay na iniisip mong makakabuti sa akin. Pareho tayong magdedesisyon. Hindi mo sakop ang pang-unawa ko. At panglima. . ." Saglit akong huminto at pinagapang ang daliri ko sa balikat niya na wari bang inaakit ko siya.
BINABASA MO ANG
The Untamed Actor (Freezell #11) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Syreen Elieja Averde, is a woman of principle. Basta hindi pasok sa prinsipyo niya, wala siyang pakialam kahit sino pang masaktan. Para sa kaniya, lahat nang gagawin natin ay may kabayaran at lahat ay sigur...