Chapter 10 "Preparations"

121 5 0
                                    

Maui's POV

Nandito kami ngayon sa school ground para ayusin yung mga dapat ayusim para bukas sa Foundation Day. Badtrip naman kasi yung mga babaeng yun eh tss. Kundi dahil sakanila edi sana wala kami dito sa kinatatayuan namin.

"Oh pre! Paki abot nga 'to kay Summer." Charles. Aba ako pa talaga inutusan nito.

"Tsk. Ano ba yan?" Tanong ko dito.

"Box malamang?"

"Ogag. Akin na nga."

Kinuha ko ito at sinimulan ng hanapin yung babaeng yun. Ba't kasi hindi nalang siya yung pumunta sa lugar namin eh. Pinagod pa ako.

"Hoy. Asan si Summer?  Nakita mo ba?" Tinanong ko yung nakasalubong kong babae.

"Ah-eh- Summer ba kamo?"

Tinaasan ko lamang ito ng kilay. Nagpapacute pa mukha namang --

"Andun sa AVR may inaayos." Sagot nito at tinuro ang daan. Alam ko naman kung nasan yung AVR psh.

Kumanan na ako para makapunta sa hagdan at makaakyat papuntang AVR. Pucha 4th floor pa yun. Nagmumukha akong delivery boy ah. -_-

Nasa 4th floor na ako at natanaw yung AVR sa dulo ng hall. Parang wala namang tao ah. Pumasok ako dito at tinignan kung may tao nga. Nakita ko si Summer na nakasampa sa upuan at pilit na may ikinakabit.

"Hey!" Tawag ko dito ngunit parang nagulat ko ito. Muntik ng mahulog si Summer pero agad akong tumakbo para masalo siya.

"Ano ba?!  Bakit kailangan mong manggulat?!  Pwede ka naman kumatok bago pumasok ah!" Sigaw nito saakin.

Kumunot ang noo ko at "Aba dapat nga magpasalamat ka eh! Dahil saakin hindi ka nahulog!"

"Dapat lang noh! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako mahuhulog!"

"Tss. Oh pinapaabot nga pala ni Charles!" Ibinigay ko na yung box sakanya.

"Ano to?" Summer.

"Buksan mo ng malaman mo." Sagot ko dito.

Summer's POV

"Ano to?" Tanong ko dito habang hawak yung box na ipinabibigay daw ni Charles saakin. Malay mo patay na daga pala ang laman -_-

"Buksan mo ng malaman mo." Nakakainis talag tong lalaki na to! Ang sarap sapukin! Lamnyuyon?! Bwisit ma bwisit talaga ako dito nung una palang. Tss. Pa boss eh.

"Lumayas ka na nga dito! Shupi!" Pinapalayas ko na baka mamaya ibato ko tong hawak ko na box sakanya eh.

Pinadaanan lamang ako nito ng tingin at tumalikod na para makalabas ng AVR. Bago ito tuluyan na makalabas ay sumigaw ako dito ng

"HEY JERK! SALAMAT NGA PALA!" Syempre naman kahit bwisit na bwisit ako dito eh siya ang may dahilan kaya hanggang ngayon eh walang tumutulong dugo sa ulo ko pfft~

Katherine POV

Inaayos ko yung mga listahan ng mga gagawin bukas sa Foundation Day. 3 days kasi itong gaganapin kaya medyo marami rami yung mga programs. Kasama ko nga pala na nag aayos ng programs etong si Aaron. Grabe kanina pa dada ng dada.

"So dapat nga yung fireworks display ay sa huling gabi ng Foundation Day." Paliwanag neto saakin. Itinype ko ito sa laptop, baka pagalitan naman ako neto eh! Psh. 

"Oh tapos ano pa? Yun na lang ba?" Tanong ko dito. Nagtataka kayo kung bakit ang tahimik ko no? Ayaw ko kasing kausap toh. Masyadong madaming alam.

"Yes. We're already done. Isave mo na lang dito." May ibinigay siya saakin na USB at isinaksak ko na ito sa laptop.

"Sino magpapaprint neto?" Tanong ko dito. Aba subukan niya na ako at baka mabato ko sakanya tong laptop.

#WalangForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon