Chapter 17 "Finding Summer"

38 5 0
                                    

Katherine's POV

Last subject nanamin ngayon at hinihintay itong matapos, tinignan ko ang oras at futa 15 minutes pa before class dismissal.

"Psst." Tumingin ako sa gilid sa bandang harapan ko, tinatawag pala ako ni Aaron.

"Baket?" Pabulong ko na tanong dahil baka mahuli kami ng menopause namin na teacher PARTIDA LALAKI YAN.

"Magtanong ka, kahit ano kay sir." Ha? Ano daw?

"To lessen the discussion time." Mukhang napansin naman ni Meisha na hindi ko nagets ang sinabi ni Aaron saakin. Tumingin ulit ako sa orasan at 12 minutes nalang. Kung hindi ako magtatanong baka mamaya mag extend kami dahil hindi nanaman napansin ng punyemas na math teacher namin ang oras.

"Sir!" Nagtaas ako ng kamay at tinawag ito. Leche bahala na nga!

"Yes Ms. Brae?" Mataray nitong pansin saakin. Huta ano ba pwedeng itanong!!!!!

Ahh! *TING!*

"SIR DO YOU BELIEVE IN FOREVER?" Napakagat ako ng kuko ko pagkatapos ko itong itanong, narinig ko naman na tumawa ang iba kong kaklase.

Nakita ko na tumingin ng masama saakin sila Aaron, ay leche! Ako na nga tumutulong eh. :((

"Class Dismissed. You have a nonsense question Ms. Brae." Lumabas na ito dala ang kanyang laptop at marker.

Time check:  3:50

"May ten minutes pa ah!" Narinig ko namang reklamo ni Hailey.

"Gumawa na nga ng paraan eh! Oh? Aarte pa?" Eh badtrip ako I MEAN kami sakanya kaya nasabi ko yan tsk!

Nagkatinginan kaming siyam senyales para hanapin na namin si Sam. Hindi ko nga alam kung sasama ba to si Maui eh.

"Sama ka na Maui. Ako na magdridrive." Aya naman ni Charles dito pero pinadaanan lamang ito ni Maui ng tingin at tuluyan na itong lumabas ng classroom.

"I guess tayong walo na lang ang maghahanap?" Chella.

"Tara na!" Sabay naman kaming pinaghihila nila Kyle at Zosch.

.

Nandito kami ngayon sa van ni Zosch, pero si Charles ang nagdridrive. "First destination?" Tanong naman ni Charles sa amin.

"Pre try mo mag final destination. Masaya!" Aaron.

"Aaron!" Natawa na lamang kami sa kacornyhan neto. Parehas na parehas ni Sam. MAINGAY, CORNY ,AT IMBA.

"Sa Bahay nila." Jay.

"Hindi ba parang hindi naman doon ang tambayan ng mga broken hearted?" Zosch.

"Gago Zosch! Hindi yun BH!" Bulyaw ni Chella sakanya.

"Why don't we try?" Charles.

"Sa pangalawang kanto, kumaliwa ka, pagka kaliwa mo kumaliwa ka ulit." Turo naman ni Meisha sa  direksyon papuntang bahay nila Summer.

"Baka naman wala siya doon?" Tanong ko sakanila pero pinadaanan lang nila ako ng tingin.

"Isa ka pa eh." Sabay irap ni Kyle sakin. Pffft di talaga bagay pag siya ang gumagawa. SWEAR.

Nagtataka ba kayo kung bat parang ayos lang sa amin at nakakapagtawanan? Nung palabas na kami ng school biglang may nagtext kay meisha I mean GM para sa amin

From Sammy:
I'm fine.

Ayan. Lahat kami naka received ng ganyan hihi. Diba siya na ang nagsabi at bilang kaibigan niya kami KAYA ALAM NAMAN NAMIN NA HINDI TALAGA.

#WalangForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon