Chapter 16 "Good and Bad"

82 6 3
                                    

Meisha's POV

Isang umaga nanaman ng pagpasok sa eskwelahan - yawns - Ngayon na nga pala yung announcement ng overall top ten. Hindi na ako magtataka kung si Mr. ONG sipsip ang magiging Top 1 nanaman this quarter, UGH! Ano ba ang meron sa mukha nun na wala ako?!  Leche ah!

Dineadma ko na muna ang pagkabadtrip ko at nag ayos na para sa pagpasok, sana naman maganda ang resulta. Haaaays. Hirap talaga pag ang kakompitensiya mo ay iisa at ayaw pa ma patibag. Oha!

Lumabas na ako ng bahay pagkakain ko at naglakad nalang, malapit lang kasi school namin. Patawid na sana ako nang matanaw ko si Summer na papalapit saakin. Oo nga pala, malapit din bahay neto saamin. Pati din naman sila Kyle at Kath, si Chella lang ang pinakamalayo saamin pfft.

"MISH! LEGGO! SABAY NA TAYO!" Kahit kelan talaga naka high palagi volume neto.
"Goodmorning din." Pang aasar ko dito at nagumpisa na kaming tumawid.

"Grabeee! Ang ganda nating naglalakad!" Reklamo nito. Ako lang ang maganda!

"Eh bat hindi mo ginamit Chevy mo?" Tanong ko dito. Kahapon lang gamit niya yun ah?  Wala bang permanenteng sasakyan toh? Minsan natritricycle, minsan yung chevy niya, minsan naglalakad. Tulad ngayon.

"Hehehe nagasgas ko!" Ay! Jusko clumsy talaga toh kahit kelan oo!!

Inirapan ko nalang eto at natawa naman kaming parehas nang dahil doon. Hahaha.

"Mish, may tanong ako."

"Ano na naman yan?" Tanong ko dito. Palagi nalang tong may tanong tsk.

"Normal ba na...." Pabitin?! Tinignan ko ito at tinaasan ng kilay para sabihin yung mga susunod na kataga. 

"Wala nevermind! Andito na po tayo sa school." Pumasok na kami pagkatapos i i-scan ang I.D namin. Oh sosyal noh?!

.

"Mish, nasa may main building ng High School Department yung tatlo." Saad neto habang naglalakad sa school ground.

"Oh? Tara! Para ano makita ko na din yung..." huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy "Overall Top Ten this quarter."

"Ano ka ba naman Mish! Cheer up! Think positive." Pagkasabi niya ng mga salitang yun ay nginitian ko siya.

"But don't expect." Nginitian din ako nito. Hindi nakaka ooffend yung pagkasabi niya, totoo naman eh. You should think positive but don't expect. Because when you expect, you should face the reality after it.

Nagpatuloy na lang kami ng paglalakad hanggang sa marating namin ang main building. Nakita ko na pinagkukumpulan yung bulletin board doon. Nakita ko din ang Big 5 doon.

Grabe hinari nila ang overall top ten ng fourth year!

Baka naman may daya!

Amp! Bat ganun?! 

Napatalsik yung mga di karapat dapat!

Basta deserve ng mga boys ko yun!

Agad akong kinabahan sa mga narinig kong usapan. Hala ano yun! Anong hinari ang overall top ten? Sino ang naghari?  Hindi kaya ang Big 5 nanaman iyon? Pero bakit sila?

Hinila ako ni Sam papalapit sa tatlo na nasa likod nung limang lalaking sobrang saya. Siguro nga sila ang nakahakot sa mga lot ng top ten. Nagpupumilit na makita ni Sam ang resulta kahit na matangkad ito ay tila mas matangkad ang mga nasa unahan.
"Kyle, what's happening?" I asked Kyle.

"I don't effin know! Hey jerks! Give way! Bigyan niyo naman kami ng oras para matignan yan!" Sigaw ni Kyle sa lima.

Tinignan ko naman yung dalawa at nag shrugged lang ito saakin.

#WalangForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon