I- Her Ideal Man

164 7 24
                                    

Dedicated to @figuresofspeech

Ten years later

Ingrid craned her willowy neck. Like an owl eyeing for his prey, she peeped at what the person's holding next to her. She scowled then scratched her sharp fingernails on the soft skin on her collar. She tugged a deep breath. Boredom was evident in her eyes, with the reflection of burned candles beside a white casket lined with golden intricate designs.

Maingay ang mga tao sa paligid sa ilang mesa na naroroon. Dumampot siya ng biscuits na nasa platito at uminom ng juice sa baso. Napangiwi siya nang matapunan ng tingin ang mangkok na nasa gilid ng siko niya. Malamig na iyong sopas na laman noon at may lumalangoy pang isang langaw. Hindi niya na nakain dahil wala siyang panahon. Dismayado na dinampot niya uli ang baso sabay lagok ng juice na laman noon.

"Oh, ano na? Hindi pa ba kayo dadampot? Ang tagal ninyo naman. Bilisin n'yo na at nang makauwi na," aniya sabay pinta ng hawak niyang baraha. Sa asar ay inilapag niya ito sa mesa. Tantiyado niya ang oras ng uwi ng Tito Marro niya. Bago mag-aalas dose ng gabi ay sinisilip siya nito sa apartment nila. Mula nang mamatay ang mama niya sa aksidente ay ito na ang nagpalaki sa kaniya.

"Oy, Ingrata, salubong na naman iyang kilay mo. Palibhasa talunan ka na," pangangantiyaw ni Rico, iyong kapitbahay nilang may sungki at puro tigidig ang mukha, Ingrata ang tawag nito sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, kahit puno na ng uling iyang mukha mo, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko."

Kininditan siya nito at binasa ang ibabang labi. Nagtayuan ang buhok niya sa batok at halos masuka. Ewan ba niya, pero wala siyang maibigay dito na kahit kaunting konsiderasyon. But she doesn't hate him, he's just not her type.

"Hoy, boy kulangot! Bago mo ako pagnasaan diyan, matuto ka munang sungkitin ang dumi sa ilong mo. Paano mo ako isusungkit ng bituin niyan kung mismong kulangot sa ilong mo hindi mo magawang abutin!" asar na baling niya dito. Porke't nakakaharap niya ako dito, akala niya naman papasa siya sa akin. Hayy...

Ang lakas ng tawanan nang mga kasama nila sa mesa. Si Rico naman ay napakamot na lang sa ulo. Classmate niya ito sa grade twelve. He has a big crush on her and very vocal about it. Ilang beses na niya itong napahiya ng hindi sinasadya. Ang kulit din kasi. Ilang beses niya nang prinangka na wala itong ni katiting na pag-asa, ayaw pa rin siyang tantanan.

Pagkabunot niya nang huling baraha ay napasambakol siya, talo na naman siya. Napakamot siya sa nangangati niyang mukha na puno ng uling. Napabuga siya sa hangin nang isa-isang dumutdot ang mga daliri nito sa puwet ng kawali. Napapikit siya. Heto na naman.

Napailing si Marro nang matanaw ang pamangkin na nakikipaglaro ng baraha. Nasa lamay ito at abalang-abala, ni hindi nito napansin ang paglapit niya. Piningot niya ito kaya napalingon. Ngumiti ito ng mapakla.

"Tito! Hi...aray...aray!" Napatayo ito sabay ng paghila niya pataas ng tainga nito.

"Gawain ba ng matinong bata ang magpuyat sa labasan ng ganitong oras?"

Naniningkit ang kulay abuhin niyang mata na napalilibutan malalantik na pilikmata. Nakasuot pa rin siya ng police uniform at hakab na hakab ang magandang pangangatawan. He has a narrow and high nose bridge and a prominent jawline that exudes a manly appeal. He has a fine mustache above his red, thin lips with stubbles growing on his chin.

"Tito naman eh! Naiinip kasi ako sa bahay. Lagi kang wala, ang boring kaya," reklamo ni Ingrid. Napangiti siyang niyakap ang tiyuhin. Naramdaman niya ang pagpitlag nito. "Pero dahil nandito ka na, uuwi na ako."

Ontogenesis: Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon