Khalil positioned himself behind the parapet wall, stomach pressed against the rooftop floor, with his long gun braced on top of his shoulder and eagerly eyeing on the people below. He was shot on his chest many times but thanks to the bulletproof vest, he survived.
Nawalan nga lang siya ng malay kanina dahil sa puwersa ng pagtama sa katawan niya ng bala. After he regained his consciousness, things were already chaotic. It was the sound of the gunfire that brought him to awareness. Naubusan ng bala ang service firearm niya kaya dumampot siya ng isa sa mga gamit ng nakabarilan, and it was a freaking AK 12 assault rifle.
Khalil removed the magazine and check the remaining bullets. Nang masiguro niyang may laman pa ito ay agad na ibinalik. Kinapa niya ang selector lever at inilagay sa semi automatic set up. Though he couldn't hear their conversations, he's fully aware of the tension on the ground. He eased his breathing then position his index finger on the trigger then lowered his eyes, leveling on the rifle's rear sight then closed his other eye.
Malayo ang pagitan ng sasakyan ni Captain Sebastian at noong lalaking nakasandal sa isang magarang kotse. They were like debating or pissing each other's ass off rather, based on their body language and facial expression. Pinagmasdan niya nang ang lahat, then he realized that his direct superior was on the disadvantaged side. Nag-iisa lang ito samantalang may apat na kotse ang nasa kabilang puwesto at lahat may lulan. Ang hindi niya maunawaan ay kung saan napunta ang mga kasamahan. Maliban sa mga bangkay ng mga nakasagupa, wala ni isa doon sina Lt. Brada, Caliente, Acosta at Zuñiga.
Biglang naiangat ni Khalil ang ulo paiwas sa hawak na baril nang makita si Lt. Brada na kinakaladkad ng isang maskuladong lalaki at pinaluhod sa tapat ng lalaki na siyang nagsisilbing boss sa kaniyang paningin at base na rin sa ikinikilos nito. Maya-maya'y umikot si Kapitan Marro at may kinaladkad palabas ng sasakyan.
He knew it, that there was a deal going between the two. Iyon pala 'yon. Si Balboa kapalit ni Lt. Brada. Muling ibinalik ni Khalil ang posisyon na nakahanda sa pagbaril. He gritted his teeth when the man fired at Balboa nonchalantly then pointed the gun at Brada's head afterward.
Bago pa man nito makalabit ang gatilyo ay inunahan na niya ito. He aimed for his hand holding the shooting iron then the next bullet he released was for his head. The man died on the spot with his blood splattered on the ground.
Nataranta ang mga tauhan nito na hinanap ang pinanggalingan ng putok. Agad na inalis ni Khalil ang baril na nakapatong sa ibabaw ng parapet at saglit na nagkubli. Napahawak siya sa dibdib sa pagkirot ng mga tama ng bala na kaniyang tinamo. Ilang minuto siyang nakaupo lang at iniinda ang sakit habang naririnig ang ingay sa baba.
Umalingawngaw ang palitan ng putok sa ibaba. Nagmadali siyang bumalik sa posisyon niya kanina at inayos ang baril. Rumihistro ang kalituhan sa kanyang mga mata nang hindi na niya makita sina Brada at Captain Sebastian. Napansin niyang umubis ang iba pang mga kotse at sumunod ang police mobile nila.
Nagdali siyang tumayo at tinunton ang hagdanan pababa. Pagkalabas niya ng warehouse, nadatnan niya ang naiwang nakabuglata sa lapag na bangkay ni Balboa at nang iba pang lalaki. Wala nang tao maliban sa kaniya.
Isang rumaragasang takbo ng sasakyan na paparating ang nagpalingon sa kaniya. Iyong isa sa service mobile nila ang huminto sa tagiliran niya. Bumukas ang pinto nito at bumungad si Corporal Salles dito.
"Salles, saan ka galing?" maang na tanong niya.
"Mamaya na ako magpapaliwanag, sakay ka na. Bihag pa rin ng sindikato si Lt. Brada kaya sinundan ni Kapitan ang sasakyan nila," sagot nito na halatang nagmamadali.
Agad na umikot si Khalil papunta sa shotgun seat at saka sumakay.
***
BINABASA MO ANG
Ontogenesis: Turning Point
ActionHighest rank: No. 1 in crime out of 2.21k stories No. 2 in killer out of 5.18k stories Ingrid Sebastian witnessed a crime when she was eight years old: the victim, her mother. And she was the sole person who could unmask the culprit. After her mothe...