III- Sweet accident

99 7 19
                                    

Dedicated to @Jowbott

"Sagutin mo ako, Tito Marro!" Iniharap niya rito ang piraso ng papel na hinablot sa kamay ng tiyuhin.

Marro stilled and couldn't found the right word to say.

"Tito!" Ingrid exclaimed.

Nakatulala kasi ang tiyuhin sa kaniya. Naihilamos nito ang dalawang palad sa mukha.

"Pumasok ka, Ingrid. I'll explain everything to you," he finally said after recovering from the shock.

Iginiya ni Marro sa loob ng kuwarto si Ingrid at inalalayan paupo sa tabi ng kama nito. May inabot ito sa ibabaw ng wooden cabinet na isang lumang rubber chest. Kumuha muna ito ng tissue saka pinunasan ang hawak bago inilapag sa ibabaw ng study table. Hinila nito ang mesa papunta sa harap ni Ingrid at kumuha ng isang bangko. Pagkaupo nito ay saka binuksan ang kahon. May inilabas itong sliding folder at mga cut out ng lumang diyaryo.

"What are these?" Gumagalaw-galaw ang mata ni Ingrid habang hinahalungkat at isa-isang binabasa ang caption ng mga papel.

"You lied to me? Why... Why did you do that?" Her voice quivered from the emotion she wanted to suppress.

"I don't want to. I tried to tell you. I even brought you to a psychiatrist when you were eight." His voice trembled. "You see, I'm one of the investigators. Nananaig sa akin iyong kagustuhan na masolve iyong kaso ng kapatid ko, your mother. Kaya pinuwersa kitang dalhin sa doctor para maaalala mo ang nangyari. I have no choice back then. Kung gusto kong matapos ang kaso at mahuli ang kriminal... I have to force you to remember..."

"Remember? Ano'ng dapat kong maalala?" Salo ni Ingrid sa sinasabi ng tiyuhin. Nagusot niya ang hawak na mga papel.

"You were at the incident, Ingrid. You're the sole witness of the crime. That scar on your chest, it's from the operation to take out the bullet," mahabang paliwanag ni Marro sa kaniya.

"So, iyong mga sudden flashback na nagiging dahilan ng pagkawala ko ng malay, it wasn't an illusion?" She bit her lips to stop herself from sobbing.

Lumipat si Marro sa tabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang dalawang kamay. He bent to level their face.

"It's only you who can answer that. Until now, I have been collecting possible evidence. Walang nangyari sa pag-iimbestiga ng humawak sa kaso. They declared a lack of evidence and no suspect, to begin with, kaya pinabayaan ang kaso. Ikaw lang ang tanging pag-asa para masolve ang kaso ninyo ng mommy mo," he said with eyes pleading.

***

You were at the incident, Ingrid. You're the sole witness of the crime.

Like a broken record, it played repeatedly in her head. Isang araw na ang lumipas pero hindi pa rin maalis ni Ingrid ang mga katagang iyon.

Ingrid inhaled a huge amount of sugary, fresh air. Dahan-dahan siyang humakbang paakyat sa rooftop ng school building nila. This place was her escaped from the crowd. Nang marating ang rooftop, agad siyang naglakad patungo sa parapet wall at sumandal doon nang nakaharap. Her untied hair swayed freely as the wind blew towards her face.

Mula sa taas, malayang natatanaw ni Ingrid ang malawak na bakuran ng campus. The Banaba in full bloom blossoms, with those beautiful lavender flowers, were aligned with the school's elevated wall. The school's wide quadrangle was in vibrant emerald. Kitang-kita rin ang kulay tsokolateng bubong ng pathway na nakapaayon sa kaniyang deriksiyon.

May mga kumpol ng estudyante na nakaupo sa semento na hagdanan pababa ng basketball court. Iyong iba naman, nagkukumpulan paikot sa isang lalaking tumutugtog ng gitara. Some were just idly strolling while some were playing chase.

Ontogenesis: Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon