VII- New beginning

62 6 9
                                    

Hilam ng luha ang namumugtong mga mata ni Ingrid. Kung bakal lang ang kamay niya, kanina pa nadurog ang gilid ng kama kung saan nakahimlay ang katawan ng kaniyang tiyuhin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng higaan. Naninikip ang kaniyang dibdib at paulit-ulit na hinahampas ng kaniyang kamao.

Isang oras na ang lumipas nang ideklara ng surgeon na binawian ng buhay ang Tito Marro niya sa operating room. Muli siyang nawalan ng malay, pero ang dahilan ngayon ay labis na paghihinagpis. Her only family, the man she adores like a father and brother, her everything, her uncle, left her just like that.

Bago pa man sumagi ang kamay niya sa kumot na nakatakip dito ay napahinto siya. She balled her shaking fist and step back a little. She wasn't ready for this. Hindi niya kayang makita ang tiyuhin sa ganoong kalagayan. How could she? Hindi matanggap ng buong sistema niya ang katotohanan. Pakiraramadam niya mamamatay siya. Paano na siya?

He raised her like a precious princess, protected and pampered. Now that he's gone forever, she couldn't think of a way to continue her worthless life. Masyadong siyang dependent dito, to live on her own.

"How could you?!" she blurted out as if he would talk back. Her swollen eyes refused to cease in welling tears. "Paano na ako, Tito Marro? I only have you. Sana nag-ingat ka. I know it's part of your job but how could I say that I understand when you're lying like that, cold and lifeless!"

Ang pinipigilan niyang hinanakit sa dibdib ay igunupo siya sa tiles na sahig. Mag-isa lang siya doon sa loob ng morgue. She wanted to be alone and grieved on her own. Nasa paanan siya ng kaniyang Tito at patuloy na tumatangis.

"Sabi mo, naghahanap ka ng ebidensiya sa taong pumatay kay mommy at nagtangka sa buhay ko? Is it my fault? Dahil wala akong maaala?" Tumayo siya at hinawakan ang kamay ng tiyuhin na nakaharang ang sapin.

"Tell me what to do? Kailangan ko bang pumunta sa psychiatrist para may maalala ako? Bumangon ka diyan! I'm willing to do everything, just come back! I can't live like this... N- Not without you, Tito. I'm begging you." Napaupo siya sa gilid ng stretcher na lugmok ang ulo.

"Bakit kasi wala akong maalala?" Bigla niyang piniga ang ulo ng dalawang kamay. Hindi pa siya nakuntento at iniumpog ito sa bakal na kanto ng stretcher.

"Kapag ginawa ko ito, siguro may maaalala na ako," aniya at lalong nilakasan ang pag-umpog sa ulo hanggang may tumulo nang dugo rito. Hindi niya maramdaman ang hapdi ng sugat dito. Wala nang mas sasakit pa sa mawala ang taong pinakamahalaga sa iyo.

"Tito M- Marro, hindi ko na kailangan pa ng... ng hustisya kung ikaw rin lang ang magiging kapalit," aniya na taas-baba ang tahip ng dibdib.

Natulala na naman siya at nakatunghay sa pinto habang nakasandal ang ulo sa paa ng stretcher. Ang luha niya ay parang may sariling buhay, kusang umaagos ng malaya sa kaniyang pisngi.

Kahit noong bumukas ang pinto ng morgue ay hindi man lang siya kumurap. Wala siyang lakas pa kahit igalaw man lang ang mga mata.

"Ingrid! Anong nangyari sa iyo?"

Tarantang dinaluhan siya ni Khalil nang makita ang dugo na tumutulo sa ulo niya. Ni hindi niya magawang sulyapan ang binata na bakas ang pag-aalala sa mukha. Para siyang estatwang itinayo at iginiya nito palabas ng silid at dinala sa nurse station para ipalinis at gamutin ang sugat. Pagkatapos niyang gamutin ay isinama siya palabas ng hospital.

"Ako na ang mag-aasikaso sa funeral ni ... ni Captain Sebastian. Ihahatid na muna kita sa bahay niyo... " Napahinto magsalita si Khalil at nag-isip sandali. "I think it's better it you stay at my house. Makakasama mo roon si Mama at kapatid kong babae. Dadaan muna tayo sa inyo para makahuha ka ng pagbibihisan tapos tutuloy tayo sa bahay."

Ontogenesis: Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon