VI- Poignant

55 7 30
                                    

"Set the switch to one hundred twenty joules," command the Doctor in charge while holding the electrodes of the defibrillator machine.

"Done!" sagot ng isa sa mga nag-aasist na nurse matapos pihitin ang switch. Dalawang babae at isang lalaki ang nag-aasist na nurses dito. Lahat sila nakasuot ng kulay bughaw na uniporme.

"All clear?" the Doctor shouted.

"Clear!" sagot ng lahat sa medical team matapos lumayo sa katawan ni Marro.

Inilapat ng doctor ang electrodes sa pads na nakalagay sa taas ng kanan at baba ng kaliwang dibdib. Kasabay ng pagtaas ng electrodes ang pag-angat ng katawan ni Marro. After performing the first attempt of defibrillation, the doctor immediately turned to the monitor, checking the progress. Nang walang nakitang improvement sa heart beat, sinenyasan nito ang isang nurse. Agad tumalima iyong lalaking nurse at sumampa sa hospital bed, sa ibabaw ng mga hita ni Marro at nag-perform ulit ng CPR. After ninety seconds, he stopped pumping the chest then went down. Umiling ito.

Agad nilagyan ng assisting nurse ang electrodes ng gel para sa susunod na shock.

"Two hundred joules! Clear!" sigaw ng Doktor, then nudged the electrodes to Marro's chest for another shock.

Nang wala pa ring responde na ipinakita sa monitor ay inulit-ulit ang procedure. After four consecutive defibrillations, Marro's heart started to beat again.

Itinabi na nang doctor ang electrodes at kumuha ng penlight para i-check ang mata. Nang masigurong responsive pa ito ay inutusan ang isang nurse na maghanda para sa operasyon. Agad naman kumilos ang mga ito. As soon as the operating room was prepared, they hurriedly moved Marro's body.

Nakatulala lang si Khalil habang nire-revive si Marro kanina. A while ago, he was appalled after hearing the long beep coming from the heart rate monitoring machine. May kung ilang beses siyang napamura ng mahina. Si Aaliyah naman ay nakatulala lang na nakasandal sa dingding ng hospital.

Sumunod silang dalawa hanggang sa labas ng operating room dahil bawal na rin naman sila sa loob. They were both sitting on the steel bench paralleled to the wall, Khalil's head downcasted while Aaliyah covered her face with palms, silently crying. Deafening silence ruled over them as time passed by, both anxiously waiting.

Napatayo si Khalil sa kinauupuan nang bumukas ang pinto ng operating room at humahangos na lumapit sa kanila ang lumabas na nurse.

"Who's the guardian of the patient?" tanong nito na hindi mapakali.

"I am," he willingly volunteered. "Do you need anything?"

"Unfortunately we ran out of blood. We need an immediate donor for transfusion during the operation. We need AB negative blood type," anito.

"I can give mine, I'm O negative," he said then gently rubbed his sweating palm against his pants. Nagpakawala siya ng mahaba at malalim na hininga para pahupain ang tensiyon na bumabalot sa kaniyang katawan.

"Okay, Sir, please follow me," tugon nito sa kaniya at nagmadaling tinunton ang daan patungo sa isang silid na may nag-iisang hospital bed.

Sumunod naman si Khalil nang pumasok ang nurse sa silid. Iginiya siya nito na humiga sa kama na naroon. Mabilis itong kumilos at inihanda ang mga gagamitin.

"Just an SOP, I need to get a blood sample for testing," anito.

Inabot nito ang kaniyang kamay at nilinis ang likod ng siko gamit ang cotton balls na basa sa alcohol. Nang makakuha ito dugo ay isinalin sa maliit na cylinder glass.

"Hindi ito magtatagal, Sir. Dalhin ko lang 'tong blood sample sa lab tapos babalik ako for your BP," sabi nito sa kaniya bago lumabas.

Hindi naman nagtagal ay bumalik ito at para i-BP siya. May mga tanong din sa kaniya na question related sa health niya. Nang dumating ang result ng blood test at nakumpirma ang blood type niya ay inayos nito ang mga gamit.

Ontogenesis: Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon