IV- Operation Alpha

71 7 20
                                    

Dedicated to @JesieRed

Marro gathered all the members of their team at the briefing area. May malaking drug deal silang iri-raid. According to his informant, the trade-in will take place in an abandoned warehouse near the ship cargo port at exactly zero hundred hours.

He had been waiting for this moment ages ago. Maliban sa matagal na niyang minamanmanan ang malaking sindikato ng druga na reponsable sa drug trade sa Zambales, may nakuha siyang iba pang impormasyon tungkol sa grupo. It has somehow a link to his sister's murder. Si Balboa ay isa lang sa mga tuta ng Big Boss. Wala pa siyang pagkakakilanlan sa pinakamataas na drug lord ng sindikato. Umaasa siya, if ever this mission succeeds, mapapangalanan na ang ulo ng sindikato.

"Okay, before we proceed to our mission. We'll have a short briefing," he started and turn on the overhead projector. Pinatay na rin ang ilaw sa loob para naging malinaw ang visual ng projector.

Ipinatong niya ang transparency sheets, kung saan nakaprint ang mukha at impormasyon ni Balboa, sa stage glass ng projector.

"As you can see, this is Patrick De Paz Balboa a.k.a. Midnight runner." Turo niya sa lalaking naka-flash ang mukha sa whiteboard. "Memorize every detail of his face. You may encounter him during the raid. He is our prime target in this mission. And make sure to secure any evidence you can gather on the scene."

Isa-isang tinapunan niya ng tingin ang mga subordinate na police. They're all gathered at a white rectangular long table. He kept gnashing his jaw. Sa tuwing naalala niya ang nangyari isang dekada na ang lumipas, napupuno ng galit ang kaniyang dibdib. He formed an orb with his fist before gliding to the board beside him. Ate Herra, I swear with my life, I'll catch your murderer no matter what.

Pito sila sa team, siya bilang team leader, Lieutenant Aaliyah Brada, ang nag-iisang babae sa kanila, Senior Master Sergeant Jerome Caliente, si Master Sergeant Khalil Madrid, parehong Staff Sgt. Zayne Acosta, Tyrone Zuñiga at ang baguhang si Corporal Krizz Salles.

Pinalitan niya ang transparency sheets ng bago na ang nakaprint naman ay ang location ng warehouse kasama ang cargo port.

"Look at the map of the location. Iyong warehouse kung saan magaganap ang drug deal ay malapit sa isang cargo port at kailangan natin i-block ang lahat ng exit and entry point. I already asked Major Salveda for corresponding units. Sila ang tatao doon para kung sakali mang hindi sila mahuli on the spot, wala pa rin silang lusot."

"That's all. Alright, men, and woman..." pagtukoy niya kay Lieutenant Brada, who's a lone woman in their team, "gear up and get ready for our mission. Remember that everyone's safety is our priority. Huwag magpadalos-dalos ng kilos. Don't give me a burden to carry for the rest of my life. Stay safe."

"Sir, yes, Sir!" chorus ng mga ito.

Pagkatapos ng maigsing briefing ay ini-on na ang ilaw. Lumabas sila sa conference room para maghanda na. Marro went to his office to prepare everything he needs. Binuksan niya ang locker kung saan nakalagay ang kaniyang bulletproof vest saka isinuot. Isinuot niya rin sa baywang ang gun holster belt saka isinuksok dito ang nine-millimeter pistol. Naglagay na rin siya ng extra-ng magazine sa carrier ng holster. Isinukbit na rin niya ang handcuffs at walkie talkie sa belt.

Pagkalabas ng silid ay nagtipon-tipon sila sa lobby at sabay-sabay na pumasok sa police car. Dalawang sasakyan ang ginamit nila. Kasama ni Marro sa mobile sina Madrid at Caliente habang iyong tatlo naman ang magkakasama.

Pinaandar na nila ang sasakyan at tinungo ang location ng raid. Saktong alas dose ng hating gabi ay nakarating sila sa likod ng warehouse. Ipinark nila sa madilim na parte ang kanilang mga sasakyan. Pagkababa nila ay binalingan ni Marro si Krizz Salles.

Ontogenesis: Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon