XV- Recall

41 2 0
                                    

"We are traced," agad na bungad ni Zyke sa mga kasama nila nang marating ang bahay na tinutuluyan.

Napatayo si Rico na kasalukuyang nakahiga sa mahabang upuan na kawayan.

"Paano nila tayo nahanap dito?" salubong ang kilay na tanong nito. He was grinding his teeth while preparing his gun. Napakunot ang noo nito at hinablot ng pulso niya. Nakatutok ang mga mata nito sa suot niyang wristwatch.

"You led them here, you fucking traitor!" Itinutok nito sa kaniya ang hawak na baril matapos ikasa.

Mabilis naman niyang pinatamaan ng gilid ng palad ang pulso ni Rico at inagaw ang baril na hawak nito. "Don't you dare accuse me of treachery! I also almost died back at the island."

"Hindi ito oras para magbangayan kayong dalawa!" mahina ngunit may diin na turan ni Conrad sa nagtatalo. "Let's not get ourselves caught because of your immaturity. Tumungo kayo sa likod. There's a passage there going to the cave. Mauna na kayong tumungo roon."

"Rico, take care of your sister for me. She may not my biological daughter, but I raised her like one."

"Paano kayo? Sumama ka na sa amin," anito sa ama.

"I have to delay them. Sa likod nang kuweba, mayroong bangka doon. Gamitin n'yo iyon para makalayo rito. Alam mo na kung saan dapat pumunta," sagot nito na tinapik sa braso ang anak. "Take care, my son. And I am sorry for not fulfilling my duty as your father when you were young."

"Mag-iingat ka pa rin, Dad," sagot ni Rico. That was the first time he calls him such endearment. Nakilala lang nito kasi ito bilang ama pagkatapos ng high school.

"Mag-iingat kayo, Tito Manong. Ang ibig kong sabihin, Tito Conrad. Hihintayin ka namin," sabi naman ni Jangmi sabay yakap sa lalaki.

"I will. Sige, umalis na kayo," nakangiting sabi nito na napahawak ang isang kamay sa pisngi ng dalaga.

Tinaliman muna siya ng tingin ni Rico at inagaw ang baril sa kaniya bago tumalikod. "Sumunod kayo sa akin."

"Magpapaiwan din ako rito," sabat ni Khalil.

"Kuya Khalil!" hindi mapigilang protesta ni Ingrid sa sinabi ni Khalil.

"Huwag kang mag-aalala sa akin, Ingrid. I am totally capable," anito at tumingin sa kaniya. "Zyke, kapag may nangyari kay Ingrid, sa akin ka magbabayad. Nagkakaintidihan ba tayo?"

"You need not remind me. I'll trade my life for her," matigas niyang sagot bago tiningnan si Ingrid.

"Ingrid, halika na," aya niya sa dalaga sabay hawak sa kamay nito. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya at tiningnan siya sa mata bago tumango.

Tinutunton nilang anim ang madilim at masukal na daan patungo sa kuweba nang umere ang sunod-sunod na putok ng baril. Pagkatapos ay pumailanlang ang isang malakas na pagsabog. Nagliwanag ang paligid sa pagkasunog ng bahay na pinagmulan nila. Pare-pareho silang napahinto at napalingon sa gawi ng malaking apoy.

"Babalik ako roon," walang pasubaling sabi ni Rico na nagtangka nang tumakbo pabalik. Pinigilan ito ni Malic at Colt bago pa man makaalis.

"Kami na ang babalik, Rico. Dalhin mo na sila roon sa bangka," mabilis na sabi ni Malic. Nag-fist bump ang mga ito bago nagmadaling bumalik sa kinaroroonan ni Conrad.

Habang tumatakbo sila patungo sa kuweba, naririnig nila ang malakas na ugong ng makina ng helicopter sa ibabaw ng mga puno. Humahawi ang mga dahon sa taas dala ng malakas na hangin mula sa elise nito. Ang nightsun nito ay paikot-ikot sa paligid ng kakahuyan na kinalalagyan nila.

Nang marating nila ang kuweba ay agad silang dinala ni Rico sa pinakadulo nito at may tinanggal na ilang malalaking bato. Nang maalis lahat, bumungad ang isang maliit na lagusan.

Ontogenesis: Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon