Dedicated to @Allyza96
"Where am I?" the first words that came out from Ingrid's mouth the moment she woke up. Wala siyang kasama sa loob ng isang estranghero at maliit na silid. Itinukod niya ang palad sa ibabaw ng higaan para bumangon ngunit kumirot ang balikat niya. Napahawak siya sa kaniyang sugat na nababalot na ng gasa.
Where's Zyke? Bakit ako nag-iisa rito?
The chilly atmosphere kissed her bare shoulders and goosebumps rose on her skin. She stood up from the hardwood bed, enveloped with a thick and rough multicolored native blanket, then hugged herself rubbing her palms on both arms to create heat and warm her icy skin.
The wooden floor crackled faintly as her weight pushed against it. She moved her head around and sharply observed the surroundings. There's a small lamp with coral light over her head, shielded by a knitted bamboo basket, giving the room a vintage feel. The room's walls were made of old redwood painted with natural varnish. The dim light of the lamp glittered on the shiny wood. The sharpness of old, dry wooden scent flew all over the area and comfort her sensitive nose.
Tumayo siya mula sa lumang papag na hindi napansin ang suot. Nakasuot lang siya ng isang khaki na sando at malayang nakasilip ang itaas na parte ng kaniyang dibdib. Sa pagbukas niya ng pinto, ang mahinahong langitngit nito habang bumubukas ay pumuno sa tahimik na paligid. She went straight to the bamboo window and pushed it open. Nanatiling nakatukod ang kaniyang isang kamay dito habang tinatanaw ang labas. Tama siya, may dagat sa paligid.
The placid haste of the waves as they came ashore was a therapy to her sore body. In some other circumstances, she would love to spend a couple of hours sitting on the sand, letting the salty water damp her feet.
Tinungo niya ang pinto para lumabas pero saglit na natigilan. Nabuksan na niya ang pinto pero hindi siya tuluyang nakahakbang palabas sa pagbalik ng alaala ng muntikang pagkaipit sa pagsabog ng pasilidad na kinaroroonan nila ni Zyke.
Ilang segundo na lang ang natitira bago tuluyang sumabog ang lugar na kinaroroonan nila. Hindi magkaumayaw si Zyke sa paghahanap ng maaaring daanan.
As their hopes sloped down, a cracking sound from the ceiling popped then a part of it drop. Mula sa butas ay may bumabang lalaki. Ingrid's eyes burned in tears as she recognized him.
"Kuya Khalil!" she shouted with a tone of relief as she snaked her arms around him.
"Wala na tayong oras, let's go," anito at una siyang itinaas sa butas sa kisame.
Inabot ng isa sa mga kasama nito ang kamay niya para hilahin. Nang makaakyat na silang lahat, mabilis silang gumapang at umakyat sa isang tunnel na may bakal na hagdanan. Habang paakyat sila, nagsimula nang sumabog ang pasilidad kaya lumindol ang paligid at nag-umpisang gumuho ang lupa. Nang marating nila ang ibabaw ng isla, unti-unti nang nilalamon ng tubig ang mga gumuhong lupa.
BINABASA MO ANG
Ontogenesis: Turning Point
БоевикHighest rank: No. 1 in crime out of 2.21k stories No. 2 in killer out of 5.18k stories Ingrid Sebastian witnessed a crime when she was eight years old: the victim, her mother. And she was the sole person who could unmask the culprit. After her mothe...