"Bilisan na ninyong kumilos!" mahina ngunit mariin na sabi ni Dr. Kalupig. Ang mga mata nito ay naging malikot at salitan na tumitingin sa kanila at sa pintuan.
"Jangmi, mauna ka," aniya at inabot ang kamay ng dalaga.
Tinulungan ni Zyke na maiakyat ito sa butas ng kisame. Pagkatapos ay isinunod niya si Ingrid at sumunod na rin sina Rico at Khalil. Nang makaakyat na ang mga ito ay inalalayan niya si Dr. kalupig para iakyat ngunit tumanggi ito.
"Magpapaiwan ako rito. Kailangan ng tao na pipigil sa mga balak nila," anito sa kaniya.
"They'll kill you, Dr. Kalupig," sagot ni Zyke. Gusto niyang isama ito sa pagtakas.
"Huwag kang mag-alala sa akin, Hijo. Kailangan nila ako kaya hindi ako mapapahamak," paniniguro nito sa kaniya.
Tinanguan niya ito at umakyat na sa kisame. Nakalayo na sila ng kaunting ng pinaulanan nang bala ang butas na dinaanan nila. Malakas ang sigaw ni Agent Luke habang nagmumura ito. Makipot lang ang daanan sa kisame at kailangan nilang gumapang. Matapos ang ilang minuto ay narating nila ang dulo ng pathway at bumaba sila sa isang basement. Sa sahig nito ay naroon ang daanan papunta sa tunnel na naghahatid sa labas ng ahensiya.
The circular metal cover clattered as Zyke hauled it up. Its rusty edge dirtied his palm, bang after he threw it on the concrete floor. He looked at them individually, at ease at the reality that they were all safe and sound after that death-defying encounter with agent Luke. He does not want anyone to get hurt or killed.
"Mauna na kayong bumaba, Ingrid, Jangmi." He extended his big hands towards them for help.
The iron ladder screeched as Ingrid stepped her one foot down, like it would break any moment. Ang makalawang na hagdan, kung saan nakakapit na parang tuko si Ingrid ay walang humpay ang paglangitngit habang patuloy ito sa pagbaba. Nang nasa baba na ang dalaga, sumunod naman si Jangmi at na sila Khalil at Rico. Siya ang pinakahuling pumasok at ibinalik niya ang harang ng butas bago tuluyang ihihakbang ang mga paa pababa sa hagdan.
"Where should we head down?" tanong ni Rico habang nakapamaywang.
"We'll trail the right path. It would lead us to the outskirts of the city," he suggested and waited for their answer.
"Take the lead then. I hope you know the exact way out," sagot ni Rico na matalim ang tingin sa kaniya. "Ingrid, stay beside me. Aalalayan kita dahil naghihina ka pa."
"No, I'm fine, Rico. Kaya kong maglakad mag-isa," sagot nito kay Rico at nagsimula nang humakbang pasunod sa kaniya.
Hindi maiwasan ni Zyke na kumirot ang kalooban habang minamasdan ang dalaga. Bakas sa mukha nito ang pinagdaanang hirap habang nasa laboratory sa loob ng American embassy. Her lips were dry and pale. Ang mga braso nito ay puno ng nagkukulay lila at maberding pasa. Ang dating malambot nitong buhok ay nagmistulang tuyot na damo, matigas at walang kinang. Ni wala sa hinagap niya na ginamit lang siya ng CIA para paglinlangan ang gobyerno at makuha ang ninanais. He practically led them to Ingrid. He heaved a sigh and halted from walking. Tumalungko siya sa harapan ni Ingrid.
"Get on my back, Ingrid," he said while looking at her over his shoulder.
"Kaya kong maglakad mag-isa, Zyke," maagap na tugon nito sa kaniya. But her words were contrary on how she look. Halatang naghihina ito at pinipilit lang ang sarili na maglakad.
"Ate Ingrid, tama si Kuya Zyke. Mag-piggyback ride ka na sa kaniya. You look exhausted," pagsang-ayon ni Jangmi.
Lapagpasan sana siya nito ngunit mabilis niyang hinila ang isang kamay ng dalaga kaya natumba ito papunta sa kaniyang likod. Agad isinampay ni Zyke ang isa pang kamay nito sa kaniyang balikat at hinila ang dalawang binti nito pakulong sa kaniyang mga bisig. Napilitang kumapit ang dalaga sa kaniyang leeg nang tumayo siya.
BINABASA MO ANG
Ontogenesis: Turning Point
ActionHighest rank: No. 1 in crime out of 2.21k stories No. 2 in killer out of 5.18k stories Ingrid Sebastian witnessed a crime when she was eight years old: the victim, her mother. And she was the sole person who could unmask the culprit. After her mothe...