X- Climacteric

50 4 1
                                    

Dedicated to @Moonlight_chinita

"Lieutenant, kumusta ka naman. Nahimasmasan ka na ba?" natatawang bungad sa kaniya ni Killua pagkapasok niya.

"Yes, I am," Ikaw ba naman magkaroon bigla ng housemate! Nginitian niya na lang ito.

As usual, busy ang presinto dahil maraming maliliit na reklamo. Maingay na naman pero hindi niya ito alintana.

She's holding a black envelope. Ito iyong mga naipong data ng tiyuhin tungkol sa kaso ng kaniyang ina. Ang gusto niya ngayon ay mahawakan ang ebidensiya sa kaso ng tiyuhin. The operation conducted by her uncle was a bit suspicious.

Bakit ba naman hindi? Maliban sa walang back up na dumating, hindi rin sinagot ang tawag ng mga ito. Iyong hepe ng police sa mga panahong iyon, naging missing in action. And the whole of his family suddenly migrated to another country. Si Aaliyah ay agad na inilipat ng ibang presinto. Someone was trying to conceal the evidence and witnesses.

Kumatok siya sa opisina ni Khalil bago pumasok. Prenting nakaupo si Khalil sa harap ng desk at nakatungo habang may binubuklat na brown folder. Nag-angat ito ng ulo nang malapit na siya.

Alinlangan siya na ngumiti dahil nasukahan niya ito noong sinundo siya sa videoke bar.

"What is it, Ingrid?" tanong nito na nakatutok ang mata sa hawak niyang envelope.

"These were the data gathered by uncle," aniya sabay lapag sa desk ng hawak niya. "I don't think na makapaghihintay pa ako hanggang sa maalala ko ang nangyari dati. Magsisimula ako sa pag-iimbestiga mula sa mga nandiyan. Bigyan mo lang ako ng authority para mahalungkat ang kaso ni Tito. Sisilipin ko lang ang files ng case."

"Napag-usapan na natin ito, Ingrid. I'm sorry but I have to decline," anito na hindi man lang tiningnan ang laman ng envelope.

Ngumiti siya ng mapait. Kung ayaw mo, ako na lang ang gagawa ng paraan.

Lumabas na siya sa opisina ni Khalil. Kinatanghalian, nag-raid sila ng illegal gambling house at nag-process ng mga kaso ng mga nahuli. Natapos ang maghapon niya na walang masyadong ganap. Pakiramdam niya, ang bagal ng oras.

***

On the other hand, Nemesis was busy installing cameras and tapping devices in the house. Naglagay din siya ng camera sa labas ng bahay. Paikot ng buong vicinity. It was past seven when Ingrid got home. Dumiretso ito sa kuwarto pagkatapos libutin ang sala at kusina, parang hinahanap siya. Nasa kuwarto siya ngayon at pinanonood ang kilos nito sa monitor ng kaniyang laptop.

Huminga siya ng malalim. Ingrid doesn't recognize him. Samantalang siya, nakilala niya kaagad ito nang mabasa niya sa profile nito na graduate sila ng parehong high school.

Nag-inat-inat siya ng kamay at sumandal sa upuan. Ipinilig din niya ang ulo bago ibinalik ang mata sa monitor. Nagawa niyang lagyan ng tracker chip ang cellphone ni Ingrid. Through this, he can see her locations and activities with satellite transmission. Wala namang kakaibang nangyari dito maghapon.

His brows crossed when he spotted odd activity outside captured by the cameras. May humintong itim na van sa tapat ng bahay at lumabas dito ang apat lalaki na naka-fully combat gear. Nagmadali siyang itinupi ang laptop at ipinasok sa loob ng attache case bago kinuha ang baril sa mesa. Tinakbo ni Nemesis ang main switch ng power supply at ini-off ito. Pagkatapos ay tinungo niya ang kuwarto ni Ingrid at walang babalang binuksan ang pinto.

Ontogenesis: Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon