XIII- Jeopardy

40 3 0
                                    

Dedicated to @Sheillarymue

Maingay sa paligid dahil sa mga taong nakiuusyuso at mga tauhan ng investigating team. Kulay itim ang buong bahay at ilang pader na lang ang nananatiling nakatayo dahil sa nangyaring pagsabog. Inabot ng ilang oras ang pagpatay sa apoy na tumupok sa buong bahay.

Sumusuot sa ilong ni Khalil ang amoy ng alimuom ng puting usok na sumusingaw galing sa nasunog na kahoy at kagamitan sa bahay ni Ingrid. Kaaapula lang ng apoy ng mga bombero at paalis na ang mga ito. Ang mga tauhan naman ng SOCO ay nangangalap na ng ebidensiya sa naging sanhi ng sunog.

"Nasaan ka na, Ingrid?"

Inilibot niya ang paningin sa bahay. Kanina, may apat na sunog na bangkay sa loob ng bahay na lahat ay pawang mga lalaki. Ayon sa mga imbestigador na naghalungkat sa lugar, maaaring sumabog na gas ang dahilan.

Lumapit siya sa kay Krizz na kasalukuyang nasa harap ng mga bangkay.

"Krizz, iyan na ba lahat ang na-recover na bangkay?" tanong niya rito. "What about Ingrid?"

"Yes, Sir. Apat lang ang bangkay sa loob at walang trace ni Ingrid. But don't you think it's good news? Ibig sabihin, ligtas siya," sagot nito, nakaupo ito sa tapat ng isang bangkay at binuksan ang zipper ng black cadaver pouch para silipin ito. "Uling na ito, mahihirapan na ma-identify."

"Their identity is my least concern. Ang inaalala ko ay si Ingrid. Kung ligtas siya, bakit hindi ko siya ma-contact? At hindi rin siya matawagan," aniya rito. "By the way, tell the investigating team to acquire all the CCTV footage across the nearest perimeter."

"We must see all the angles. Para malaman kung ano ang ginagawa ng mga iyan sa bahay ni Ingrid at kung saan nagpunta ito."

"What happened here, Khalil?"

Napalingon si Khalil sa pinanggalingan ng malalim na boses. "General Danny Quirrho, Sir!" aniya at sumaludo.

"The house was burned to ashes, Sir. We're still conducting a thorough investigation, but as the initial findings, this was arson," paliwanag niya rito na nakaigting ang panga.

"Isn't this the house of Marro? Nasaan na si Ingrid?" tanong nito na nakapamulsa at inililibot ang mga mata sa kabuuan ng pinangyarihan ng insidente.

"Still no lead. But we'll gather all the camera footage surrounding the area, including from those nearest CCTV in the perimeter," paliwanag ni Khalil.

"Just a moment, Sir," he excused himself. Nag-ring kasi ang cellphone niya kaya sinagot ito. Unknown caller ito pero umaasa siya na si Ingrid ang tumatawag.

"Hello, Ingrid, ikaw ba iyan? Nasaan..."

"Kung gusto mong malaman kung nasaan si Ingrid, sundi mo ang ibibilin ko sa iyo," putol ng boses sa kabilang linya sa sinasabi niya. Gumamit ng voice-altering device ang caller kaya robotic ang malaking boses na maririnig mula rito.

"Sino ka?" mahina at may diin ang boses na tanong niya. Bumilis ang kabog ng dibdib niya at nagngalit siya ng panga. "Ano'ng ginawa mo kay Ingrid?"

"Wala akong ginawa kay Ingrid maliban sa subaybayan ang bawat kilos niya. Ngayon, kung gusto mong mailigtas siya, pumunta ka sa pantalan ng Botolan mamayang alas cinco ng hapon. May maghihintay sa iyo doon na ilang lalaki para dalhin ka sa kinaroroonan ni Ingrid."

"Ito lang ang tandaan mo, huwag kang magsasama ng kahit na sino kung ayaw mong may mangyari masama sa kaniya," mahabang sabi nito bago putulin ang tawag.

"Sino ka? Hello!" Inilayo niya sa tainga ang cellphone para tingnan ang screen pero wala na siyang kausap. "Fuck!"

Di-nial niya ang number ng tumawag pero hindi ito nag-ring. Halos madurog ni Khalil ang hawak na cellphone sa higpit ng piga niya rito.

Ontogenesis: Turning PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon