Drei's POV
"Okay class, you may now take your snacks" sabi ni Mrs. Evangelista
Haaay grabe. Salamat naman -_____-
After 77 years, natapos na din mag-salita tong si Madam Auring xD
"Uy Kim, ready na?" tanong ko kay Kim na nakatulala sa kawalan. Anyare dito?
"Kiiiimmm!" tawag ko ulit habang inaalog ang balikat niya.
"H-ha? Bakit? Ano meron?" tanong niya na parang gulat na gulat.
"Di ba sabi mo samahan kita?"
"Ay, oo nga pala. Sorry. Hahaha." sagot niya.
"Tara. Turo ko sayo kung nasan yung canteen." Suggest ko.
"Sige ^______^"
Lumabas na kami ng room at dumeretso na sa canteen ng walang imikan.
"Uhh.. Kim? Bakit parang nakatulala ka sa kawalan kanina?" I broke the silence.
"Ah, eh.. Eh kasi, kaya kong matulog ng nakadilat eh. Hahaha" matawa-tawa niyang sagot.
"Wow. Ang cool. Haha. Ano pa iba mong ta-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang humarang si Troy at ang barkada niya sa dinadaanan namin. Naka-ngisi pa ang loko. -_______-
Si Troy ang main bully ng UA. Masama ang loob ko sakanya dahil inaagaw niya lagi ang minamahal ko. Lahat..
Inagaw niya ang lahat.
"Drei, my friend. Musta na?"
"Troy, tumabi-tabi ka sa dinadaanan namin." galit kong sinabi. Eh sa naiinis ako eh. Psh
Tinignan ako ni Kim na para bang sinasabi niyang huwag ko na lang pansinin.
Sinunod ko naman ang nais ng taong gusto ko at linagpasan na lang sila xD
"Leaving so soon?" inis ni Troy pero hindi ko na lang siya pansinin. Dere-deretso ako at tinabig ang kanyang balikat.
Nagulat na lang ako nang hatakin ng dalawa niyang kasama si Kim. Pinag-tulungan ako ng tatlong mokong at pinagsusuntok sa mukha at tiyan.
"Drei! Tigilan niyo si Drei! Pleeeeaaassseee!" narinig kong nagmamakaawa si Kim.
At bigla na lang akong nag-black out.
Kim's POV
Nagpupumilit akong makawala sa dalawang loko pero ang higpit ng hawak nila.
"Drei! Tigilan niyo si Drei! Pleeeeaaassseee!" pagmamakaawa ko sa lalaki na tinatawag ni Drei na si Troy.
Nagulat ako nang biglang tumumba si Drei at parang nawalan ng malay.
"Drei!" narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Troy! Walang hiya ka. Bwisit ka talaga kahit kelan!" sinuntok ng lalaki si Troy.
Gumanti naman itong si Troy at nakabawi ng maraming suntok sa lalaki.
Ilang saglit ay may dumating na isa pang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Rex.
Tinulungan niya ang lalaki at pinagsusuntok din si Troy.
"R-Rex? Anong g-ginagawa mo dito?" halatang nagulat si Troy sa pagdating ni Rex. Pero iba ang tono niya? Na para bang nanginginig.
"Troy, tigilan mo ang mga kaklase ko." utos ni Rex.
Nang umalis na sila Troy at ang kasama niya, pinuntahan ko na lang si Drei na naka-handusay sa lapag.
"Drei! Gising ka!" halos ma-luha-luha kong sabi. At oo, emotional po ako pagdating sa mga kaibigan ko.
Biglang inakay ni Rex si Drei.
"Nasan yung clinic? Dalin ko na siya." tanong ni Rex sa lalaki.
Sumunod na lang ako sa kanila habang tinuturo ng lalaki kung nasan yung clinic.
"Anong nangyari?" tanong ng nurse.
"Binugbog po siya ni Troy at ng kasama niya." sabi nung lalaki.
Ginamot naman nung nurse ang ilang sugat ni Drei at inihiga ito sa isa sa mga kama dun. Nagulat ako nang hinila ako ni Rex palabas.
"Paki-sabi na lang sa kaibigan mong iyun na huwag na huwag magkamaling makipag-laban kila Troy." seryosong sabi ni Rex.
"Ha? Bakit? At bakit parang kilalang-kilala niyo ang isa't-isa nung Troy na yun?" curious kong tanong.
Suminghal muna siya bago sumagot.
"Basta."
Napakagandang sagot -____-
"Malalaman niyo rin." Ano bang pinag-sasabi nitong lalaking to? -_____-
BINABASA MO ANG
Ang Lovelife ko... Paano na?! [SLOW UPDATE]
RomanceSa panahon ngayon na madami ang ayaw mabuhay ng walang lovelife, paano nalang kung ang sayo ay sirang-sira na? Natural ay sasabihin mo ang mga salitang "Ang Lovelife ko... Paano na?!". Hindi ba't dumadating din tayo sa puntong susuko na sana tayo pe...