Chapter 24: Revelation

35 0 1
                                    



Drei's POV





>>2 days ago<<



Tuesday na. Mamayang hapon flight namin pabalik sa Philippines, at eto parin ako na namomroblema. Ilang araw ko na tong pinoproblema eh, yung paghalik ko kay Anne.



Alam kong mali, alam kong hindi dapat dahil may girlfriend ako na nag-aalala na dahil di niya alam kung saang lupalop ng mundo ako nagpunta. Pero ewan ko ba kung anong sumapi sakin at nagawa ko yun.



"Kuya! Patulong naman akong mag-empake dito." Sigaw ni Angel.



Agad akong pumunta sa kabilang kwarto at tinulungan yung kapatid kong mag-ayos. Jusko, bakit tatlong maleta ang dala nito? :O Akala mo tatlong taong out of town eh hahahaha.



"Bakit ba kasi andami mong dalang gamit?" Tanong ko.



"Si mommy kasi. Di daw kasi siya sure kung kailan ang balik. So nagpaka-sigurado na ako hehehe." 



"Ah ganon. Tapos tatlong t-shirt at dalawang pants lang ang dinala niyo para sakin? Galing niyo rin eh." Pinsil ko pisngi niya at nagtawanan kami.



"Ay kuya. May kilala ka bang Rye? Rye Gonzales?" Rye? Kaklase ko to ah? Yung transferee. Bakit kaya niya natanong.



"Oo. Classmate ko siya. Bakit?" 



"Nagpunta kasi siya dito 3 days ago. Nung wala ka, hinahanap ka niya. May sasabihin daw sayong importante eh." HA? Hinahanap? Nagpunta dito? So nandito sa Canada si Rye? 



Tsaka teka, bakit niya alam na nandito ako? Wala naman akong pinagsabihan ah? O__o



"Eto nga pala contact number niya." Inabot niya sakin phone niya. Wala kasi akong phone dahil iniwan nila sa Pinas. Galing no? /sarcasm intended;



Lumabas ako sa kwarto ni Angel at tinawagan yung number na binigay.



"Rye Gonzales speaking. How may I help you?"  Sagot niya mula sa kabilang linya. Si Rye nga talaga to lol.



"Uy, Rye. Si Drei to." Pagbati ko.

Ang Lovelife ko... Paano na?! [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon