Chapter 29: Death.. Threat?

18 1 1
                                    





Kim's POV





Magkasama sila.. Nakita ko silang dalawa lumabas ng room. Buhat ni Drei yung bag ni Anne tapos holding hands pa sila. Ang sakit makita.



Pagpasok ko sa room, nandon na pala si Mrs. Evangelista.



"Ms. de Leon? Bakit ngayon ka lang?"



"Sorry po ma'am. Nag-cr lang po."



Mukhang hindi convinced si ma'am sa sagot ko pero hinayaan niya nalang. Napansin niya yata kasi na namamaga mata ko tsaka mukha akong malungkot. Actually, hindi lang pala si ma'am ang nakapansin. Yung iba ko ring mga kaklase. Siguro dahil alam nila ang nangyari. Agaw eksena ba naman sa labas eh.



"Bestie. Psst!" Tawag ni Nikka. Paglingon ko sakanya, agad kong napansin yung bakanteng upuan sa kanan ko. Oo nga pala, kay Drei 'to. I really miss those times na masaya kami. Pero hindi na daw eh.



"Huy!" Napalakas yung pagsabi niya kaya napatingin si ma'am.



Agad siyang nagsorry at bumalik na sa pagtuturo si ma'am.



Nilingon ko si Nikka at bumulong na mamaya nalang kami mag-usap, sa break time. Nakita kong tumango siya kaya mukhang naintindihan niya naman.



Dinukdok ko ulo ko sa arm ng armchair at nakatingin parin sa bakanteng upuan, sa upuan ni Drei.



"Ano bang nangyari satin?" Napakagat ako ng dila habang iniisip parin ang mga nangyayari. "May tayo ba talaga para sayo?"



Sa huli naming pag-uusap kanina, ang lamig talaga siya, sobrang naging cold ang boses. Parang he's completelysomeone else. Wala akong makitang ni-isang bahid ng Drei sakanya.



Sa ilang minutong pag-iisip, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.





Anne's POV




Ang Lovelife ko... Paano na?! [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon