Chapter 25: Guilt & Conscience

34 1 0
                                    

Drei's POV





"O-oo." May pag-aalinlangan sa boses niya. So totoo nga. Ewan ko kung anong sumapi sa mga mata ko at bigla nalang lumuha.



"Hala Apple! Wag kang umiyak." Niyakap niya ako, "Ikaw naman yung mahal ko e. Hindi si Rex." Nilalambing niya ako. Nakikita ko narin sa mga mata niya ang kalungkutan.



Hays. Di ko kinakaya to



"Pero kasi kinabukasan ng business niyo ang nakasalalay. Kahit naman siguro ayawan mo yung tatay mo, wala kang magagawa."



Naluluha ako. Ako yung nagmumukhang kawawa na para bang walang nagawang kasalanan. Kung tutuusin, wala talagang kasalanan si Kim. Pero sa sitwasyong ito, ako pa may ganang umiyak. The irony.



"No. Hahanap tayo ng paraan tsaka isa pa close naman kami ni daddy. Gagawin ko lahat mapaki-usapan lang siya. Wag ka na sad pleaaaase."



Nagi-guilty na ako. Couples should be honest with each other.



Tinignan ko siya, ganun din naman ginawa niya. Tapos nun ay kinuwento ko sakanya yung dahilan kung bakit ang tagal kong nawala. Na napunta kaming Canada chuchu, na wala akong pang-contact sakanya ganon.



"Ah okay. Naiintindihan ko naman ^____^" Ayoko na, di na kaya ng konsensya ko.



"No, Kim. There's more to it." Sabi ko. Oras na yata para sabihin ko. I need to be honest with her if gugustuhin kong ipagpatuloy ang relasyon namin.



"Hm? Ano pa?" Napa-buntong hininga ako.



"Si Anne, nandun din sa Canada. And.." Hinawakan ko yung kamay niya.

.

.


.


"I unconsciously kissed her, sa lips."






Kim's POV






"Weeeeh. Jinojoke time mo nanaman ako ha!" Si Apple talaga palabiro wahahaha!

Ang Lovelife ko... Paano na?! [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon