Kim's POV
>>Thursday<<
Eto akoooo~ Nakahilata parin sa kama. Huhu. 5:14am palang naman e. Sobrang aga pa para mag-ayos ako -_______-
Bakit ang aga ko naman ata magising? Dami ko kasing iniisip. Pambihira naman e! Uso parin ba ang arranged marriage?! ; - ;
Diba para sa mga Chinese lang yun? Eh bakit nasangkot ako dun?! At kay Rex pa ako na-pair? AAAAH. /laslas
I'm from the Filifins naman e. Ahihihohehu. Nababaliw nako. Pano na kami ni Drei niyaaan? :(
Yeah. Umaasa parin akong kami parin talaga ni Drei. May something kasi samin kahit di ko pa siya ganoong kakilala.
Ah basta! Iyun na yon. Mahal ko si Drei! Alang kokontra -_____- Ihaharap ko nalang si Drei kay Papa baka sakaling i-urong na niya yung kasal. Dahil seriously, kontrang-kontra kami ni Rex dun.
Kinuwento na niya sakin ang lahat. Na siya pala ang dahilan kaya umiyak si Jellie noon. Siya pala ang ex niya luh.
*skip skip* Anyways. Nagulat ako dahil biglang lumiwanag.
Jusme. Sumikat na pala yung araw. Ang haggard ko na :| Nung tumingin ako sa salamin..
Huhu T-T
Ba't ang laki na ng eyebags ko?! First time lang naman ang gantong tulog sakin e. Ay ewan! Leche flan lang ; - ;
Dahil bored na bored na ako, naligo nako ng maaga nang hindi na nagmamadali. Hihi. Tapos pagbaba ko sa kusina, aba.
"Oh. Kim! Ang aga mo naman atang nagising?" Nakapagluto na pala si Mama.
"Ah opo e. Kailangan po kasi talagang maging maaga tuwing Thursdays. May inspection kuno e. Haha!" Palusot ko nalang. Ayokong malaman niyang mabigat ang pinagdadaanan ng napaka-ganda niyang anak e ; - ;
"Ganun ba? Osya, kumain ka na." Hinain na ni Mama yung pagkain sa mesa at nagsimula na akong kumain.
"Nagtext nga pala si Rex. Susunduin ka daw niya ngayon para sabay na kayo sa school." Medyo nasamid ako habang kumakain.
Asdfghjkl. -_______- Ge! Ganyan lang! Huhu. T o T
"Osige anak. Matutulog ulit si Mama." Nakangiting pagpapaalam niya habang pumupunta sa kwarto nila.
Pagkatapos ng ilang minuto, nakatapos na akong kumain. Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas hanggang sa gate.
Ayoko ngang sumabay dun sa Rex na yun -_____- Baka sabihin niya, gustong-gusto ko yung idea na fiance ko siya. Eww.
Kaso nung pagbukas ko ng gate, ay jusko. Ang swerte ko. ; - ;
"Ano pang tinitingin-tingin mo?! Sakay na!" -______- Sasapatusin ko to e.
"A. YO. KO!" Pagtataray ko sakanya habang naglalakad palayo.
Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat at sinakay sa loob ng sasakyan niya.
"Pinilit lang ako ng tatay kong isakay ka, okay? Kahit ako hindi ko gustong kasabay ka papasok." Bago pa ako nakapag-salita, inunahan na niya ako.
May lahing engkanto ata to e.
"Hoy. Walang sinuman ang makakaalam nito sa school, okay? Ibibigti kita pag meron."
Hindi niya lang ako pinansin. -_____- Konti nalang masasapok ko na to.
Tumigil kami sa may gate ng school. Huh? Ano nanamang trip nito?!
"Baba." Plain niyang sabi.
"Ha? Eh dun pa ang parking lot oh!" Turo ko sa loob ng campus.
"Edi magsususpetya silang may something satin?"
I hate it pag may point siya. Literally.
Ugh. So ayun. Bumaba nalang ako at nagpunta sa classroom. Pero nung pagkarating ko dun, konti palang ang mga tao. Pero si Rex wala. Nagcutting siguro ang sira.
Pff. Dahil dun, nagpunta nalang ako sa rooftop para masaya. Hihi.
Naupo ako sa lapag at nagbasa ng libro namin sa Calculus. May quiz ata e. Huhu.
Habang nagbabasa, naalala ko yung surprise-chuchu sakin ni Drei dito dati. Yung na-postpone dahil kay Blake -____-
"BWISET!! BA'T GANTO?! KARARATING KO LANG! AAARGH." Natigil ako saglit nang may narinig akong sigaw sa di-kalayuan dito.
Pero di ko nalang pinansin. Tinuloy ko lang ang pagbabasa.
"NAKAKAINIS TALAGA!!" Sumigaw nanaman to. -_____- Pero teka..
Dun sa pangalawang sigaw, parang kilala ko kung kaninong boses yun e. o_____O
Sinara ko nalang yung libro ko at tumayo para harapin at malaman kung sino siya.
Nung nakita ko na, grabe. Hindi ko inaasahan.
Kahit siya mukhang gulat na gulat.
Feeling ko lilipad nako sa sobrang saya nang makita siya..
"Drei.." I said with a smile curved on my lips.
BINABASA MO ANG
Ang Lovelife ko... Paano na?! [SLOW UPDATE]
RomanceSa panahon ngayon na madami ang ayaw mabuhay ng walang lovelife, paano nalang kung ang sayo ay sirang-sira na? Natural ay sasabihin mo ang mga salitang "Ang Lovelife ko... Paano na?!". Hindi ba't dumadating din tayo sa puntong susuko na sana tayo pe...