"People change overtime, you can't deny that. Some take days, weeks, months or even years to change. But one thing's for sure, change is inevitable."
Drei's POV
Nandito ako ngayon sa hallway, nagtataka kung bakit ang daming tao. Jusko, hindi ako makapasok ng classroom.
"Excuse po." Sabi ko, pero laking gulat ko nung lahat sila, ako yung tinignan.
Anong meron sa mga to? May dumi ba sa mukha ko?
Sumiksik parin ako sakanila at hindi pinansin yung tingin nila. Siguro dahil nagulat lang din sila na pumasok na ako sa wakas. Puro batchmates ko din karamihan sa mga nagkukumpulan eh.
Pero nung nakarating ako sa malapit sa pintuan ng room, nalaman kong ang pinagkakaguluhan pala ng mga tao ay yung sagutan nila Trixie at Nikka. At nagulat ako, seryoso.
"Anong gulo to?" Pumagitna na ako sa dalawa.
Nagcross arms nalang si Trixie at napa-irap. Pero nung paglingon ko kay Nikka, nakatikim ako ng isang malakas na sampal.
"Ang kapal din ng mukha mo, Drei. Ang kapa, sobra." Ouch. Pero yeah, I suppose I deserve that. Hindi nalang ako nagsalita.
Nagulat ulit ako nang mapasin ko si Kim sa gilid na lumuluha. Pinipigilan niya pala si Nikka pero ayaw niya magpa-awat.
"Wala ka manlang bang sasabihin? Sobrang tagal mong nawala, Drei. Wala kahit ni-isang paalam. Tapos pagbalik mo, ganto na mangyayari? Ganyan nalang gagawin mo kay Kim?" Galit na galit na si Nikka. Well, I can't blame her. I'm a real a-hole.
"B-Bestie, please. Mag-uusap nalang kami." Tinignan ako ni Kim at tumango nalang ako para matapos na.
This time, tumigil na talaga si Nikka and kumalma na siya. Pero imbis na bumalik siya sa room, bumaba nalang siya. Siguro to avoid further conflicts.
Nilingon ko si Trixie na ngayon ay pinapa-kalma ni Zeke and mouthed the words "Nasan si Anne?"
BINABASA MO ANG
Ang Lovelife ko... Paano na?! [SLOW UPDATE]
RomanceSa panahon ngayon na madami ang ayaw mabuhay ng walang lovelife, paano nalang kung ang sayo ay sirang-sira na? Natural ay sasabihin mo ang mga salitang "Ang Lovelife ko... Paano na?!". Hindi ba't dumadating din tayo sa puntong susuko na sana tayo pe...